24.

2.3K 62 19
                                    

"Eli ko? May time ka ba? Gusto mo, mag date muna tayo? Ang tagal na nating hindi lumalabas na magkasama eh. Kain lang tayo sa Chowking."

Marahas akong napabuntong hininga sa sinabi ni Jace.

"Busy pa ako, Sorin. Next time nalang. Tsaka marami ka ding kailangang tapusin, 'di ba? Unahin mo nalang muna 'yon." seryosong sabi ko at pumihit na paalis pero kaagad niyang hinawakan ang braso ko.

"Sige na, Eli? Saglit lang talaga, promise. Balik na kaagad tayo dito sa school pagkakain." he insisted.

"Okay, fine." I sighed heavily. "Pero saglit lang ha? May ihahabol pa akong assignment." I said.

Napangiti siya at kaagad na hinawakan ang kamay ko. Siya na din ang nagbuhat ng bag ko.

He was all smiles while we were on our way to Chowking, pati kapag nag-uusap kami ay malapad ang ngiti niya kaya pati ako ay nahahawa na.

"I really miss going out with you."

Napatango ako at linipat ang isang siomai ko sa plato niya.

"Sobrang busy na kasi natin eh. Siyempre, college na tayo. Hindi p'wedeng basta-basta lang. Future natin naka-depend dito eh." seryosong sabi ko at sumubo sa kanin.

"Kaya nga, Eli ko. Feeling ko, magiging busy na din itong future doctor mo, next month siguro." he sighed.

"Nabanggit pala sa'kin ni Mindy na may nag alok sa'yong mag model ng product?" tanong ko nang maalala ang sinabi ng kaibigan ko.

"Hmm, maybe Zian told her. And yes, it's for a perfume brand. Sa Saturday ang photoshoot." he winked at me. Natawa ako at pabirong pumalakpak.

"Pa-autograph naman po, idol." I teased.

Natawa siya at sinubuan ako ng chicharon. "Sikat na boyfriend mo, Eli. May billboard na siya sa EDSA." he joked.

"Nakakagulat nga eh! Napadaan kami noon do'n tapos nakita ni Papa. Sabi niya bibili daw siya 'nung ine-endorse mo, baka daw pumogi pa siya katulad mo." napailing ako, natatawa nang maalala kung paano laklakin ng tatay ko 'yung power drink na minodel ni Jace.

Simula nang manalo kami sa pageant noon, madami na ang nag-alok kay Jace na mag model ng kung ano-ano. Hindi naman kasi mapagkakaila na may ka-gwapuhan ang kumag. Sikat na nga 'to eh, ang daming followers sa Instagram at Facebook.

I'm proud of him, of course. Estudyante palang siya pero may kinikita na siya at ginagamit niya 'yon para makatulong sa mama niya.

"So busy ka sa Sabado?" I asked. Tumango naman siya.

"Free sana ako sa Sabado eh. Sayang, hindi na naman tugma schedules natin." ngumuso ako.

He sighed and reached for my hand that's placed on top of the table.

"Kaunting tiyaga lang, Eli. We'll get through this. Someday, ga-graduate tayo. Matutupad 'yung pangarap mong maging teacher, ako naman, magiging Doctor. Tapos someday, ikakasal tayo. Then we'll live under the same roof. Hindi na tayo mawawalan ng oras sa isa't-isa kapag gano'n." he said softly.

I nodded and gripped his hand. "I'd love that."

"Just don't give up, okay Eli ko? We'll get through this, hmm?"

I promised him that I won't give up. But when we constantly lost time for each other, everything started changing.

"Kamusta kayo ni Jace?" napaangat ako ng tingin kay Mindy nang magtanong siya.

"Okay naman kami." I shrugged and continued writing.

"Hmm, kamusta pala 'yung photoshoot niya? Balita ko may nanguha na naman sa kanya? Clothing wear yata 'yun, tsaka bigatin!"

After We EndedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon