07.

2.9K 99 42
                                    

"Oh, pagkain! Pasa-pasa, share-share! Ay, ito pala 'yung pinabili mo kahapon, Elise." nag distribute si Shiela ng chips at halos ibato sa'kin ang Mang Juan na pinili ko kahapon.

"Ay, 'di ba favorite mo 'yan, Jace?" aniya at malisyosa akong nginitian. Kaagad ko siyang inirapan at sinabihang umupo ng maayos dahil umaandar ang sasakyan at kung biglang prepreno ay siguradong lagapak likod niya.

"Ano ka ba, Shiela. Binili niya nga 'yan kasi favorite ni Jace." humalakhak si Tessa kaya halos pag-untugin ko na sila kung pwede lang.

Napatampal ako sa noo ko at nahihiyang sumandal nalang sa upuan. Jace was silent but I noticed a hidden smile on his lips.

"Gusto mo?" I offered him my chips. He nodded kaya binuksan ko 'yon at linapit sa kanya.

"Thank you." he muttered while eating. Tumango nalang ako at tahimik din kumain.

"Boring naman! Magpa-music nga tayo, love." biglang sabi ni Mindy at pinagtripan ang stereo ng van.

"Ito, favorite natin 'to girls!" she cheered and a song played.

"Halla, gagi! Oo nga!" masayang sabi ni Tessa nang marinig ang simula ng kanta. Ako naman ay mas napairap.

"Someone's always saying goodbye, I believe it hurts when we cry!" they sang along with the chorus, halos sumigaw pa ang mga gaga!

"Don't we know partings never so easy?" they sang in unison. They even fisted their hands and acted out as if they're holding a mic.

"Halla, 'di ba ito 'yung pa-music ng school 'nung ano-" Diane gasped. Napangiwi ako at sinipa ang sandalan ng upuan nila kaya sabay sabay silang nagtawanan.

"And with all the achings inside, I believe some hearts will survive. Trying hard to pretend that were gonna be fine!" biglang bumirit si Mindy kaya mas napangiwi ako, lalo na 'nung pumiyok siya.

I sighed heavily and glanced at Jace. Tahimik lang siya sa gilid at nakatingin sa bintana kaya hindi ko makita ang mukha niya. Hindi na din siya kumakain kaya finold ko nalang ang plastic ng Mang Juan at tinabi nalang muna para mamaya.

I was silent the whole trip. Ang mga kaibigan ko naman ay nag play ng mga kanta ni Taylor Swift at kung maka-kanta ay mga feeling broken kaya hinayaan ko nalang. I wanted to sleep pero wala akong sasandalan kaya pinipigilan ko ang antok ko. Linabas ko nalang ang phone ko at sinubukang abalahin ang sarili pero papikit-pikit na ang mga mata ko.

"You can lay your head on my shoulder if you're sleepy." biglang sabi ng katabi ko. Napalingon ako sa kanya at kaagad na umiling.

"Hindi naman ako inaantok." I smiled a bit.

"I doubt. I know you too well, antukin ka sa biyahe. Sige na, matulog ka na." aniya.

Hesitant at first, I still nodded and rested my head on his shoulder. He adjusted his seat at marahan pang hinaplos ang kabilang pisngi ko.

I woke up when I felt a hand caressing my shoulder. Nagmulat ako at nakita si Jace na ginigising ako.

"Stop over daw muna, kain tayo ng lunch." marahang sabi niya. Umalis ako mula sa pagkakasandal sa kanya at umupo ng maayos bago nag-unat at humikab.

Nasa baba na ang mga kaibigan namin at kami nalang ang naiwan kaya inaya ko na siyang bumaba.

"Order na kayo, it's on me." nakangiting sabi ni Jace nang makalapit kami kaya halos magtilian na ang mga gaga.

Lumapit si Jace kay Zian at nakipag-usap kaya ako naman ay lumapit sa mga kaibigan ko para makigulo na din.

"Girl, ikaw ha! Nakita ko 'yon, nakasandal kayo sa isa't-isa kanina." asar ni Tessa at sinundot ang tagiliran ko.

"Halla, weh? Sayang, nasa pinakaharap ako. Hindi ko 'man lang nakita!" reklamo ni Mindy at pumadyak pa.

"Ay, okay lang! May picture kami, wait lang!" tuwang-tuwa si Diane na linabas ang cellphone niya at kinalikot bago pinakita kay Mindy.

"Halla, ang cute niyo." Mindy said while looking at the screen kaya napangiwi ako at nakisilip din.

I was resting my head on Jace's shoulder while his head was rested on mine and we were bith sleeping. Magkahawak pa kami ng kamay!

"Kaunti nalang iisipin ko na mahal niyo pa'rin ang isa't-isa." lumawak ang ngiti ni Shiela.

"Wala na, hindi na. Friends lang talaga kami, mga gaga kayo." I laughed at them.

Mabilis lang kaming kumain para maka-biyahe na ulit at maagang makarating sa pupuntahan. After a few ours of travelling, nakarating na din kami sa beach resort na binook namin. Hapon na at malapit nang mag dilim kaya tama lang ang dating namin.

It's so nice. Tuwang-tuwa pa kaming magkakaibigan dahil siguradong magaganda ang mga pictures namin. The resort has this tropical vibe but the interiors are modern kaya ang sarap sa mata. Bukod sa mismong beach, may infinity pool at regular pools pa sila.

"So ito ang ating hotel rooms. So tabi kami ng asawa ko, of course." ngumiti si Mindy ng matamis. Zian chuckled and put his arm on her waist and kissed her hair kaya napangiwi kaming lahat.

"Landi niyo, kainis!" sinipa ni Diane ang tuhod ni Zian na tumatawa sa naging reaction namin.

"Diane, Shiela, kayo ang magkasama. And Elise, you're with Tessa." Mindy informed us. Nagsitanguan naman kami.

"Pero kasi, 'di ba advanced reservation ang ginawa ko? Ang problema natin ngayon, wala na daw vacant rooms. So walang room si Jace." aniya. Napalingon kaming lahat kay Jace na ngumiti.

"It's okay, I can book a different hotel. May mga hotels naman diyan sa malapit."

"Huh? Hindi p'wede 'yun! Pa-gabi na, oh. At isa pa, magkakasama tayo dito, walang aalis. Mag-iisip tayo ng gagawin." Mindy insisted.

"No, it's fine, really."

"Pwede naman akong lumipat sa room ni Diane and Shiela, kasya naman kami sa kama, sexy kaya kami!" Tessa smiled.

"Oh? Elise, okay lang ba kung kayo ang magkasama?" tanong naman ni Shiela.

"Yeah, sure. Wala namang problema." I nodded at them.

"Jace, okay ba sa'yo 'yun?" tanong naman niya kay Jace.

"If it's okay with Eli then it's fine by me." he nodded.

"Okay, it's settled then!" pumalakpak si Diane at binuhat na ulit ang bag niya.

"Uhm, okay, so here's the thing..." napakamot bigla si Mindy sa batok. We looked at her, waiting for her to continue.

"There's only one bed in each room."

After We EndedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon