CHAPTER 2

4 0 0
                                    

Marami ang nakakasalamuha ni Jonathan na kalalakihan simula nung umapak siya sa paaralang yun. Ngunit iba ang presensiya nung lalaking nag-tanong sa kanya kanina.

Ano ba tong iniisip ko. Nababaliw na ata ako.
Sabi pa ni Jonathan sa sarili niya. Aalis na sana siya nang mapansin niyang may kung anong gamit ang nasa paanan niya.

Pinulot niya ito at tinignan.

"I.D to auh!!. Kanino kaya to" sabi ni Jonathan habang maiging tinititigan ang I.D.

"Pamilyar sakin ang mukhang to" sabi pa niya sa sarili.

》JONATHAN POV《

Kung hindi ako nag-kakamali I.D ito nung lalaking kaninang nag-tanong sa akin.

Pinagmasdan ko pa muna ang litrato nung lalaki sa I.D niya.
Singkit siya, matangos ang ilong niya, makapal ang kilay, at gusto ko ang pag-ngiti niya na mas nag-pa singkit pa lalo sa mata niya dito sa litra---shit ano tong iniisip ko?

Pinutol ko na ang pag-iisip at nag-patuloy na sa pag-hahanap nung classroom ko. Mukhang malelate pa yata ako nito. Inilagay ko na muna saking bulsa ang I.D na napulot ko dahil isasauli ko pa ito sa kanya.

Hindi kala-unan nasa tapat na pala ako nung classroom na kanina ko pa hinahanap. Dito palang sa labas ay maririnig mo na ang ingay sa loob nito.

Kinabahan pakong pumasok ngunit tinatagan ko na ang loob ko.
Pag-pasok ko agad na dumungaw sakin ang grupo nang mga kalalakihan na nag-uusap usap. Nang makita nila ako ay tumahimik pa muna sila nang ilang segundo. At nag-sibalik na sa kanilang pinag-uusapan.

Hinanap agad ng mga mata ko ang lalaking nakasalamuha ko kanina. Pero nabigo akong hanapin siya sa tumpok nang mga estudyanteng lalaki.

Ang kapal naman nang mukha niya na yayain ako mag-unahan sa pag-hahanap nung classroom nato tapos siy---

Natigil ako sa pag-iisip. Ano ba itong pinag-iisip ko bakit parang hindi mawala sa isip ko ang imahe niya?
Tanong ko pa sa isip ko. Hindi na ito nakakatuwa. Anong meron sa kanya bakit nagkakaganito ako?

Nag-hanap na ako nang pwesto nang mauupuan at pinabayaan ko nalang ang mga kaklase kung magusap-usap.

Ito ang gusto ko ang mawala ang mga lintang mga babaeng naka aligid sakin. At walang disturbong makakapag pagababag.

Napansin kong may katabi pala ako na natutulog lang at parang walang paki-alam sa mundo.
Hayssstttt hindi na talaga nawala sa mga kaklase natin na may antukin talaga.

Napag-desisyunan kong mag-basa nalang habang wala pa ang prof. namin. Kinuha ko ang isang aklat sa bag ko. At akmang bubuklatin ito nang biglang may kung sinong kamay ang tumigil sa pag-buklat ko nang libro.

"Hi Im Jake Lazanto and you must be?" Sabi sakin nung kaklase ko yata to. Inabot pa niya ang kamay niya sakin para makipag-shake hands.

"Jonathan Ozgan"matipid kung sabi sa kanya. Napansin ko din na may kasama pa siyang isang lalaki na naka-hawak sa kanyang mobile phone at abalang pinag-pipindot ito.

"Oh nice name bro' oh sorry itong kasama ko pala ay si Ethan" sabi ni jake sakin. Inakbayan pa niya yung ethan daw na abala parin sa pag-pipindut nang kanyang mobile phone.

"Gonzales!! Ethan Gonzales is the name" sabi ni ethan. Kinuha pa nito ang kamay ko at nakipag-shake hands sakin.

"Oum..." matipid kung sagot sa kanila.

"Anyways bro yung apelyido mo pamilyar siya!!! Nasa business ba ang pamilya mo?" Tanong sakin ni Jake. Nag-iling nalang ako kahit ang totoo'y nasa field of business talaga si dad at mom.
Ayoko lang talaga nang kahit anong pag-puri. Kasi its too awkward kapag pinupuri ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 13, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Forbidden LoveWhere stories live. Discover now