Chapter One

5 0 0
                                    

"Sir Jonas ginising napo namin si Sir Jonathan ngunit katulad po nang akala niyo wala po siyang sagot."
Sabi nung isang katulong sa lalaking naka upo sa hapag. Nguya ang bacon na naka tusok sa nakakasilaw na kislap nang branded na tinidor na hawak nito.

"Hmmmm...at hindi na talaga nag-tanda ang batang yan!"
Umarko ang isang madilim na ngisi at tumambad sa mga katulong ang kumikislap na ngipin nung amo nila.

"Huwag kayong mag-alala ako nang bahala sa kanya"
Sabi nung amo ng mga katulong..
Sa ngisi pa lamang niya mukhang dapat talagang mag-alala ang mga katulong sa madaraanan nung kanilang young master.

"Sir Jonas huwag niyo po sanang sakitan nang malala" mahinahon na sabi nung isang katulong. Humarap naman si Jonas sa kanila at gayundin ang pag tango-tango ng mga katulong habang nakayuko.

"Oo naman. Sa kabila nang lahat anak ko parin naman iyon"
Sagot naman ni Jonas sa katulong.

Sinimulan nitong hubadin ang sinturon na akala mo'y susugod sa isang labanan.

"Jonathan sinasabi ko sayo. Huwag mong paabutin na ako ang gigising sayong bata ka".
Sigaw nung matanda habang pinapaikot nito ang sinturon sa kanyang kamao.

Napa atras nang kunti ang mga katulong. Nang makita nilang mabilis na humakbang paalis ang kanilang amo patungo kung saan natutulog ang animo'y prinsipe na maya-maya'y alam na kahihinatnan nito.

"GUMISING KA!!!!!!!"
Sigaw nung matanda sa loob nang kwarto nung kanyang anak. Kasabay nun ay kabugan at mga iba pang ingay na parang nasa gyera ang sabak nung parti nung bahay na yun.

BOGSSHHH!!!!!PLAKKK!!!!!BOOMMM!!!!ARAYYYY!!!!BAAMMM!!!!!

Tunog nang mga kalabugan sa loob nang kwarto ni Jonathan. Napa-iling nalang ang mga kasambahay nila.

Maya maya'y dumating ang babaeng may kutis mala porselana at kung hindi mo tatanungin siya lang naman ang asawa ni Jonas na ukupado sa pag-bugbug ng kanyang anak sa taas.

"Ano'ng nangyayari manang? Bakit napaka ingay sa taas?"
Tanong nito sa isa sa mga kasambahay nila.
Sumagot naman agad ang isa sa mga kasambahay.

"Ahhh!!! Magandang umaga po maam Beatrice. Si Sir Jonas po kasi ginigising po ang anak niyo sa taas".
Agad na tumambad ang gulat sa mukha ni beatrice.

"Sa ingay na nagaganap pangigising parin ba yun? Jusq!!!!! Gyera na yun manang."
Gulat na sabi ni beatrice.

Agad itong umakyat sa taas. Upang itigil ang kaingayang nagaganap na gawa nung dalawa niyang mahal na lalaki sa buhay.

Nagulat na lamang siya nung tumambad sa kanya ang mga kagamitang basag-basag sa nag-kikintabang sahig. Saka ang kama nang kanyang anak na naka baliktad na..

"Gi-gi-gi-si-si-ng n-n--na p-p-po a-a-k-o d------"
Nanginginig na tinig ni Jonathan habang naka higa sa sahig sa paanan nung baligtad nitong kama.

"Yun naman pala-"
Hindi na natuloy ni jonas ang sasabihin niya nung biglang mandilim ang paningin nito at agad nawalan ng malay.

"Yan bagay yan sayo. Hindi na kayo nahiya sa mga kasambahay natin dito napaka-aga pa para sa gyera niyong mag-ama"
Sabi ni Beatrice habang hinihilod ang sintido nito.

"At ikaw Jonathan wala ka bang planong pumasok ngayun?"
Sigaw nito sa kanyang anak na nakahiga sa sahig dahil iniinda ang sakit na dulot nang kanyang ama.

Agad namang tumayo si Jonathan na parang walang iniindang sakit kani-kanina lang.

"Yes Mom. Maliligo na po ako" at mabilis na itong nag-tungung Shower upang maligo.

The Forbidden LoveWhere stories live. Discover now