PROLOGUE

32 0 0
                                    

"Haaaah" Ugoy ko habang tinititigan ang alarm kung kailan tutunog.
Hindi naman ako nag-mukhang tanga sa ginagawa kung ito.

Knockkk!!!!knockk!!!!
May kumatok sa pintuan nung kwarto ko.

"Kuya ban gising n-"

"Oo gising na bunso!!!" Sigaw ko. Sumagot na agad ako kaya hindi na niya natuloy pa ang sasabihin niya.

"Dalhin mo daw ang uniporme mo sa baba nang ma plantsa na ni mama"
Sabi ni bunso sakin.

Maya maya'y narinig ko ang hakbang niya palayo sa aking kwarto.

"Hayy!!! Ito na naman back to paaralan ulit" Bulong ko sa hangin habang hinahagod ang batok ko.

Nagsimula na akong mag ayos. Inayos ko muna ang higaan ko at matapos nito ay kinuha ko na ang aking tuwalya at pumasok na sa CR upang maligo.

》A FEW MINUTES《

"Maaaa!!!! Asan na po ang sapatos kung binili mo po kahapon?" Sabi ko kay mama. Pumunta kasi kami kahapon sa bayan para bumili nung kailangan ko sa pasukan.

"Mamaya na yan ban-ban kainin mo muna tong inihanda ko para sayo"
Sabi naman niya sakin. Tinignan ko pa ang naka hain sa mesa.

Nakita kung lantak na lantak lahat yun ni bunso. Natawa nalang ako.
Lumapit ako sa kinaroroonan ni bunso saka siya hinalikan sa pisnge.

"Good morning bunso. Gutom na gutom ka ahhhh!!!!"
Sabi ko pa sa kanya. Habang abala naman ito sa pag lantak nung pag-kain niya.

"Mamutom mamo ma mising--"
Sabi niya habang punong-puno ang bibig nito. Tinigil ko na siya agad sa pag-salita wala naman kasi akong maintindihan. Pero ang cute talaga nung bunso ko.

"Oyyy Ven wag ka mag salita habang may laman yang bibig mo" saway ni mama sa kay bunso. Bumalik naman sa pag-kain si bunso at kumain nalang din ako nung kunti.

Tinapos ko na agad ang pag-kain at nag toothbrush. Matapos nito ay agad akong nag paalam kay mama para pumunta na sa paaralan. Hinalikan ko uli si bunso sa pisngi nito at nag paalam na sa kanila.

Baba ang balikat kung binuksan ang labasan nang bahay. Sa kadahilanang hindi ako handa sa biglaan na pasukan ngayun.

Nang maramdaman kung bakit parang ang gaan nung pangangatawan ko kahit baba ang  balikat ko?

"OYYYY ESTEBAN CHENG NA IWAN MO TONG BAG MO!!!!!" Sigaw ni mama sa hindi kalayuan. Nagulat naman ako kasi sobrang lakas nung pagkakasigaw niya parang napukaw lahat nang chismosa naming kapit bahay.

Tinakbo ko na agad ang distansiyang pumapagitna samin ni mama habang naka yuko.

"Sorry ma! Alis na ako!" Kinuha ko na agad ang bag ko na hawak niya saka siya hinalikan sa pisnge

At nagsimula nang humakbang papunta sa lugar na mag papabago nang aking buhay.

The Forbidden LoveWhere stories live. Discover now