» SPECIAL CHAPTER 7 «

665 20 11
                                    

MAX'S POV

NAGISING AKO sa malakas na pag iyak ng aking bagong silang na anak. Dahan dahan ko itong binuhat at inihiga sa kama. Nasulyapan ko pa ang orasan at alas dos palang ng madaling araw. Tumabi ako sa aking anak at inayos pang muli ang kanyang pag kakahiga. Panay ang kawag nito at panay ang baling ng ulo pakaliwa't kanan. Natigil lang ito ng maramdaman nya ang aking dibdib sa kanyang pisngi. Natahimik ito bigla at nagsimulang sumuso.

Napangiti ako sa maamong mukha ng aming anak. Basa pa ang kanyang pisngi ng luha at medyo mapula pa ang ilong.

Natanaw ko ang aking asawa na natutulog sa malaking sofa na nasa tabi ng kuna. At kahit anong laki nito ay hindi magkasya ang mahaba nitong mga paa.

Ilang minuto lang din ay muling nakatulog ang aking anak. Umayos ako ng higa at tinitigan ang mala anghel na mukha nya.

Napakasarap lang isipin na sa siyam na buwang paghihirap ay ganito ang isusukling saya sa akin, sa amin. Kulang ang salitang salamat sa ganitong kagandang biyaya na natanggap namin mula sa panginoon.

Hindi ko namalayang nakatulog ako sa katititig sa mukha ng aking anak. Nagising nalang ako dahil sa mahinang tawa mula sa kung saan. Tuluyang nagising ang diwa ko nang matagpuang wala sa tabi ko ang aking anak.

Bumaling ako pakanan at natigilan nang makita si Sensui'ng nilalaro ang sanggol habang karga karga ito. Bahagya pa itong sumasayaw na mukhang gustong gusto naman ng aming anak. Nakatitig kasi ito sa ama at bahagya pang napapangiti tuwing kakausapin ito ni Sensui. Biglang sumilay ang malapad kong ngiti sa magandang tanawin na iyon.

Lumapit ako sa kanila at humawak sa magkabilang braso ni Sensui habang ako'y nasa likuran. Nilingon nya ako at mas lumawak pa ang pagkakangiti.

"Good morning, babe" Bati nito.

"Mm, morning. Aga nyo namang mag bonding," Biro ko at nilingon pa ang aking anak.

"Ang aga ko kasing nagising kanina tapos ay nakita ko syang gising na rin kaya nilaro ko nalang," Aniya habang hinihele ang sanggol. "Bakit nga pala nasa tabi mo siya kanina? Nagising ba sya?" Dagdag niya.

"Tss. Ang sabi mo kagabi ay magigising ka kapag umiyak siya? At ikaw na 'kamo ang bahalang magpatahan?!" Singhal ko sa kanya.

"H-ha? Eh, sa hindi ako nagising, eh!" Nakanguso nitong sabi. "Malay ko bang iiyak siya," Bulong nya.

"Tss. Eh, paano kapag hindi pa ako nagising, ha?" Tanong ko.

"Tch! Hindi na mauulit, babe, hehehe" Nakangisi nitong sabi saka nilingon ang anak na noon ay bahagyang nakakunot ang noo.

"Sya nga pala, pinainom mo ba yan ng gatas?" Tanong ko kay sensui habang hinahaplos ang pisngi ng aking anak.

"Yes. Pero konti lang ang ininom nya. Busog siguro,"

"Gutom na'ko, babe," Sabi ko at nilingon ko pa sya.

"Mom and dad are coming, they texted me awhile ago. Tumingin sya sa'kin at ngumiti. They'll be joining us for breakfast, so, I think meron naman silang dalang pagkain for us."

"Hm. Sige," Nakangiting kong tugon.

"Gutom na gutom ka na ba? Pwede kitang bilhan dyan sa baba,"

"Wag na." Ngumiti ako sa kanya. "Let's just wait for them."

"Parating na rin naman siguro sila, babe,"

"Bukas ang uwi natin, ha? Baka nakakalimutan mo?" Nakangisi kong sabi.

"Tch! I know! Kailangan pang gumaling nyang tahi mo!"

HE'S INTO HER » FAN MADE «Where stories live. Discover now