SPECIAL CHAPTER 6 «THE MOST AWAITED PART»

491 12 5
                                    

AN: Uunahan ko na kayo. Mas madami ang description dito kaysa scripts. I try my best naman to make ü all satisfied, ü knowRr!

DEIB LOHR'S POV

NOONG MGA NAKARAAN araw ay talaga namang pahirap para kay taguro ang nangyari. Nagbalita na kami sa doktor at kung ano-ano pa. Sinabihan kami nito na magpunta na sa BISH kung talagang hindi na nya kaya. Since malapit na din ang kanyang duedate.

Ngayon ay nandito kami sa loob ng kwarto ni taguro kung saan sya namamalagi at maghihintay ng tamang oras para sa kanyang panganganak. Ang sabi ng doktor ay hihintayin pa naming pumutok ang kanyang panubigan.

Kahapon ng hapon, sa bahay namin, ay halos mamilipit na sya sa sakit kaya na rin namin napagdesisyonang dalhin na sya dito sa ospital. Akala ko kahapon ay manganganak na sya. Lintek naman talaga ang kaba ko.

"Nagugutom ako" Nakangusong sabi ni taguro sa'kin na nilingon pa ako.

"Ibili kita sa labas, gusto mo?" Nakangiting ko namang tanong.

"Hm" Tugon nya. Kaya naman mabilis akong kumilos para kunin ang wallet ko.

Humalik ako sa kanyang noo bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko sina mommy, noona, tita heurt at President moon na nakaupo sa bench na nasa harap lang din ng kwarto. Sabi kasi ng doktor ay may posibilidad na manganak na si taguro ngayong araw. Nagbabantay sila sa amin.

Agad naman akong lumapit sa kanila. "Kayo muna ang bahala kay taguro, bibilhan ko lang sya ng pagkain," Bilin ko sa kanila.

Agad na tumayo si heurt. "Sige, hijo, bilisan mo nalang," Sambit ni heurt.

Tumango ako at agad silang iniwan. Narinig ko pang bumukas ang pinto sa kwarto ni taguro. Mukhang pumasok sila doon.

Nang makalabas sa ospital ay agad akong pumunta sa pinakamalapit na fast food chain.

Medyo natalagan din ako dahil may pila pa. Nag order ako ng kanin at fried chicken para kay taguro at burger naman sa akin.

"Number 65" Narinig ko ang pagtawag ng crew sa numerong nakalapag sa mesa ko.

Agad akong lumapit para kunin ang in-order ko. "Thank you" Pasasalamat ko pa.

Nang matapos ay lumabas na'ko at dumeretso na sa BISH. Nasa hallway na'ko ng floor ng kwarto ni taguro nang makita kong nagtatakbuhan ang dalawang nurse sa isang kwarto na hindi naman kaluyaan sa min.

Agad naman akong nakaramdam ng kaba. Lakad takbo akong dumeretso sa kwarto ni taguro pero wala sya roon. Lalong akong kinabahan. Nailapag ko ang pagkaing dala sa mesa at agad lumabas ng kwarto pero nakasalubong ko si noona na hinihingal pa!

"Nasaan si taguro?" Aligagang tanong ko!

"Nandoon na sa delivery room!" Hiningal pa ding sabi ni noona na itinuro pa ang kwarto kung saan ko nakitang pumasok ang dalawang nurse.

Mabilis naman akong tumakbo at iniwan sya. Dumeretso agad ako sa kwartong iyon at naabutan ko naman sila mommy at maze sa labas ng kwarto.

"Si taguro, mom?!" Tanong ko.

"Ayun na sa loob, anak. Pero wag muna tayong pumasok sabi ng doktor!" Sabi ni mom.

"Ha? Bakit?!"

"Bawal pa tayo doon. They're still checking maxi. Don't worry, papasok naman tayo dyan mamaya, anak. Calm down," Malumanay na sabi pa ni mom.

HE'S INTO HER » FAN MADE «Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon