SPECIAL CHAPTER 4

477 14 1
                                    

MAX'S POV

MAY MGA ILANG linggo na noong maranasan ko ang biglaang pagsusuka na talaga namang ipinagtaka ko ng sobra. Ilang linggo na rin akong nakakaranas ng biglaang panghihilo at minsan naman ay bahagyang pag sakit ng aking ulo, hindi ko iyon masyadong pinansin dahil nitong mga nakaraang araw lang din ay busy ako sa trabaho.

Three days ago ay dapat pagdalaw ng aking pagkababae ngunit heto pa din ako at nagtataka kung bakit wala pa. Kaya naman ngayon araw ay napagdesisyonan kong alamin kung tama nga ba ang aking hinala na BUNTIS ako.

Tumawag ako sandali kay naih para ipaalam na pupunta ako sa bahay nila ni lee. Syempre sa umpisa nagtaka sya dahil hindi ko naman daw gawain iyon, hindi ko na muna sinabi ang dahilan kung bakit ko sya pupuntahan. Kinalaunan ay pumayag naman sya dahil namimiss na nya daw ako.

Wala si deib lohr dahil na sa trabaho sya habang ako naman ay naka leave dahil sa masama kong pakiramdam.

Bago dumeretso sa bahay nila ay dumaan muna ako sa isang botika para bumili ng pregnancy test, dalawa ang binili ko para may extra.

Nang makarating sa bahay nila naih ay nag dere-deretso nako sa loob at doon ko sya naabutan sa sala na kumakain ng ice cream habang nanonood.

Mukhang hindi nya naramdaman ang presensya ko kaya lumapit nako at naupo sa tabi nya. Agad naman syang napalingon at nanlaki pa ang mga mata, marahil nagulat sya sa biglaang pagsulpot ko sa tabi nya.

"My god!Nakakagulat ka naman,max!" bulalas nya.

"Tss,dumeretso nako dito kase wala namang tao sa labas," tugon ko.

"Ahh,kase day-off ni mang nesto," patungkol nya sa kanilang body guard.

"Eh, bakit ka nga pala nandito?namimiss mo na ba 'ko? hahaha kase ako, miss na miss na kita hahaha tagal nating di nagkita!" dagdag pa nya.

"Anong miss? asa! May gusto lang akong malaman,"

"Oh, eh, ano naman yon?" tanong nya.

"Gusto kong malaman kung 'buntis' na kaya ako?" malumanay kong sabi. Agad naman nanlaki ang mata nya sabay takip sa bibig.

Tss...OA.

"O.M.G.—STOP ME!"

"Tss"

"Buntis ka??! wahhhh congrats max huhuhu magiging nanay kana din na katulad ko!!" binati agad ako kahit hindi ko pa naman alam. Buntis si naih at sobrang laki na ng tiyan nya, ilang buwan nalang siguro ay manganganak na sya.

"Hindi ko pa nga alam diba? kaya aalamin ko muna."

"Wait, pano mo nga pala nasabing buntis ka?" tanong nya pa.

"Wala akong sinabing buntis ako," panimula ko saka bumuntong hininga "Nito kasing mga nakaraang linggo eh panay ang pagsusuka ko at madalas din kung sumakit ang ulo ko at saka three days ago ay dapat magkakaroon na'ko"

"Oh god! eh bakit naman kasi hindi mo pa alamin?Bumili ka kaya ng PT" suhestyon nya.

"Bumili na'ko kanina bago pa 'ko dumeretso dito," sabi ko habang nilalabas mula sa bulsa ang isang pt saka ko ipinakita sa kanya. "Oh,iyan yung binili ko"

HE'S INTO HER » FAN MADE «Onde histórias criam vida. Descubra agora