SPECIAL CHAPTER 5

491 16 1
                                    

DEIB'S POV

DALAWANG BUWAN na ang nakalipas mula noong sinabi sa 'kin ni taguro na buntis sya. Napakasaya dahil sa wakas, tuluyan ng mabubuo ang aming pamilya. Aaminin kong mahirap mag-alaga ng buntis dahil sa pabago bago ng mood. Minsan mabait, kadalasan mainitin ang ulo, yung tipong konti galaw o salita mo lang ay nagagalit na agad. Pero balewala lang sa 'kin lahat yun dahil agad syang humihingi ng tawad at agad ding naglalambing. Kahit mahirap ay lamang ang saya at excitement. Aalagaan ko sya ng buong puso.

Buwan ng marso at kaarawan ngayon ni taguro. Simple lang daw ang gusto nyang mangyari sa araw na ito. Imbitado ang lahat ng aming mga malalapit na kaibigan, syempre, ganun rin sa pareho naming pamilya.

Wala pang nakakaalam na buntis sya maliban lang sa akin at kay parrot. Sya pala ang unang nakaalam bago ako dahil doon daw sya nagpunta para makausap si parrot tungkol sa pregnancy. tch!

Ngayong araw namin napag desisyonang ipaalam ang tungkol sa baby. Tinanong ko sya kung paano namin iyon sasabihin pero sabi nya sya na daw ang bahala.

"Happy birthday,maxpein!" sabay sabay naming bati sa kanya.

"Thank you!" nakangiti nyang tugon. Nakangiti namin syang panooding hipan ang mga kandila.

"What's your birthday wish?" Nakangising tanong ko sa kanya.

Binigyan nya ako ng isang makahulugang tingin bago sya magsalita. "Normal and safe delivery for the baby," nakangiting tugon nya sabay hawak sa tiyan dahilan para bumungad sa mga bisita ang little bump doon. Oo, hindi pa sobrang laki para mahalata pero hindi na rin katulad ng dati. Suot nya ang may kaluwagang dress kaya hindi agad ito nakita.

Sabay sabay na nagulat ang mga naroon. "Ano?!"

"OH MY GOD!!!"

"KYAAAAA!!!" tili nila migz at bj, michiko, yaz pati si mommy nakisali na din.

"WOAH!

Bakas sa mga mukha nila ang saya. Napakasarap tingnan.

"Congrats,dre!" Bati sakin nila tob at lee. yumakap pa sila sa amin ni taguro. Ganon na din ang lahat doon.

"OMO! Im so happy! yieeee" bakas ang tuwa sa mukha ni mommy at hindi na ako nagulat ng bigla nalang syang umiyak.

"Congratulations,son!" si daddy na noon ay nagpupunas na din ng luha.

Ang mga Moon naman ay hindi man umiiyak pero bakas ang saya sa kanilang mukha.

Isa isa silang lumapit sa amin saka yumakap. Hindi ako makapaniwalang nangingilid na din ang luha ni taguro habang ako naman ay nakangiting pinagmamasdan sya.

"Ninang ako,ha?" si bj.

"Naku! Wag na te at baka taguan mo lang sa pasko," pang aasar ni migz sa kanya.

"Ako din! gusto ko ding maging ninang!" si michiko na nagtaas pa ng kamay.

"Matik na yan," nakangising ani taguro.

"Lahat kayo dito ay ninang at ninong," natatawa ko pang sabi habang tinuturo pa ang aking mga kaibigan.

"Take care of her,deib lohr," nakangiting sabi pa sa akin ni maxwell.

"Naman! ginagawa ko yan ng may buong pagmamahal, kapatid!" nagmamalaking kong tugon.

Lahat kami ay masaya dahil sa bagong magiging myembro ng pamilya. Ngayon palang ay di na magkandaugaga si mommy sa sobrang excitement. Gusto nya na daw bilhan ng damit ang magiging anak namin.

HE'S INTO HER » FAN MADE «Where stories live. Discover now