SPECIAL CHAPTER 3

539 15 0
                                    

DEIB'S POV

MASAYA kaming dalawa ni maxpein na mamuhay bilang isang ganap na mag-asawa. Kulang ang salitang masaya para maihalintulad ang masarap na pakiramdam t'wing kami'y magkasama. Halos lahat ng ginagawa nya ay napapanood ko, bawat pagbabago ng kanyang reaksyon ay nakikita ko. Ito yung talagang pangarap ko noon pa man. Yung tipong kasama mo sa iisang bahay ang taong pinakamamahal mo. Yung gigising ako sa umaga tapos makikita ko yung pagmumukha ni taguro ay talaga namang napaka sarap sa pakiramdam. Nandyan din yung sabay kaming manood ng tv, sabay kumain, magbasa, magsulat.

Pareho kaming abala sa trabaho pero kapag relasyon na namin ang paguusapan ay hindi namin nakakalimutan. Busy man o hindi ay lagi kaming may oras sa isa't isa. Nagkakaintindin kami sa lahat ng bagay, pakiramdam ko nga ay mas lalo pa naming nakikilala ang isa't isa.

Kapag may oras kami ng pagpapahinga ay nag-dedate kami at namamasyal. Minsan naman ay nasa bahay lang kami at tamang nood lang ng movies. May mga araw rin na nagkakasama-sama kami ng aming mga pamilya at mga kaibigan bagaman ay mga busy kami pare-pareho sa aming kanya kanyang buhay ay nasisiguro naming kumpleto kami sa t'wing kami ay magkakasama-sama.

"Grabe namiss ko kayong lahat ng sobra sobra!" bulalas ni parrot ng makarating sa aming bahay dahil ito ang araw na napagdesisyonan naming lahat upang magsama sama.

"Ayy bakla, nakalunok kaba ng bola?" biro ni migz kay parrot dahil ito ay buntis na.

Isa isa silang lumapit ni lee at nakipag batian bago sya bumaling kay migz "buset wag mo'kong biruin ng ganyan at madaling mag init ang ulo ko!" sigaw ni parrot sa kanya, natawa naman kami.

"Good evening, dre, namiss kita" si lee. Tumayo ako at nakipagtapikan ng balikat.

"Good eve, dre kumusta na?" ani ko.

"Eto ayos naman medyo busy sa pag aalaga sa buntis kong asawa. Madali rin kasing uminit ulo eh." natatawang tugon ni lee.

"May sinasabi ka ba lee roi?!" tumaas ang kilay ni parrot.

"Wala sweetie, umupo kana dyan," anyaya nya sa kanyang asawa bago bumaling sakin "see?mabilis uminit yung ulo," bulong pa nya sakin, tinawanan ko nalang sya.

Umupo nalang ulit ako sa tabi ni taguro na abala naman sa pagkain. "do you want some more,babe?" nakangiting tanong ko.

"Okay na sa'kin 'to" nakangiti rimg tugon nya.

"Kailan nyo balak mag anak, maxpein?" biglang tanong ni bj.

"H-ha? a-ahh hehehe kung kailan ipagkakaloob" si taguro.

"Sabihin mo sa deib lohr bigyan kana ng anak teh hahaha" sabat ni migz. Natawa naman ako.

"Ewan ko ba kung bakit di pa din effective yung ginagawa ko" biro ko. Sinuntok naman ako ni taguro ng bahagya sa braso.

"Ayy ano ba kasi yung mga ginagawa?hahaha uyy ahh" biro ni migz.

"Secret" nakangising tugon ko.

Nagtuloy tuloy lang kami sa biruan at kwentuhan, hindi na rin namin namalayan kung anong oras na nagsipag uwian ang aming mga kaibigan. Gayon pa man ay masaya kami dahil sa sobrang tagal naming hindi nag sama sama ay sulit naman ang sandali naming pag bobonding.

Gaya ng dati ay bumalik na kami sa aming kanya kanyang trabaho, busy pero masaya dahil si taguro agad ang nakikita t'wing uuwi ako sa bahay. At gaya ng nakasanayan ay nandoon sya sa kanyang study table na katabi ng living room area. Nag babasa sya ng kung anong mang may kinalaman sa trabaho nya bilang isang doktora.

"Babe, Im home" bati ko bago pa man makalapit sa kanya.

Nag-angat sya ng tingin at nakangiting tumayo. Yumakap sya sakin at nag nakaw ng halik sa aking labi "Edi welcome home hehe. Kumain kana?" tanong nya sakin.

"Hindi pa dahil mas gusto kong kasabay kang kumain" nakangusong tugon ko.

Nangiti naman sya "Kung gano'n ay halika na at ipaghahanda kita" marahan nya kong hinila sa dining room at saka ako pinaupo.

"Hindi pa din ako kumain kasi hinihintay kita" dagdag nya pa bago pumasok sa kitchen. Lumabas na sya na dala dala ang aming pagkain

"Wow—wait, niluto mo 'tong lahat?" baling ko sa kanya. Pinag masdan ko ang mga nakahaing pag kain. Merong sinigang at ang paborito kong bistek.

"Ani. Si heurt ang nagluto nyan. Dumalaw sya dito kanina para mangamusta, sya na rin pinag luto ko nyan" nakangising tugon nya.

"Nagtaka ako kasi akala ko luto mo eh hindi ka naman marunong magluto nitong bistek," biro ko sa kanya.

"Nag paturo ako sa kanya kanina pero mahirap pala. Hayaan mo matututunan ko din yan...hintay ka lang hehe"

"Tch, tara kain na tayo" anyaya ko sa kanya.

Pero hindi pa man ako nakakasubo ay biglang tumayo si taguro habang nakahawak ang isang kamay sa kanyang bibig at saka patakbong pumunta sa banyo. Taka naman akong sumunod dahil bigla akong nag-alala.

MAX'S POV

Patakbo akong pumunta sa banyo at saka isinara ang pinto. Dumeretso ako sa sink at doon ako nag simulang sumuka ng sumuka. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa'kin, wala naman akong sakit pero bakit medyo masama ang aking pakiramdam. Kumatok ng kumatok si sensui sa pintuan ngunit hindi ko iyon mabuksan dahil nagsusuka pa din ako.

"Taguro, anong nangyayari sayo? okay kalang ba? babe, buksan mo 'tong pinto!!"

"Okay lang ako! teka—" hindi ko natapos ang sasabihin ng bigla ulit akong masuka.

Naghilamos ako at nag mouthwash pag katapos. Si sensui naman ay hindi pa din magkamayaw sa pag katok. Lumabas na'ko at bumungad sakin ang mukha ni sensui na puno ng pag-aalala.

"Babe, anong nangyari? bakit, nagsusuka ka?masama ba pakiramdam mo?" Sunod sunod na tanong nya sa'kin.

Umiling nalang ako at ngumiti. "Ayos lang ako, suka lang naman yun"

"Eh bakit ba kasi nagsusuka ka?"

"Ewan ko biglaan eh"

"Sure kang ayos ka lang?"

"Oo nga, halika na kumain na tayo."

Hinila ko na sya papuntang dining area at nagsimula na kaming kumain. Panay pa din ang pagtatanong nya kung okay lang ba ako ngunit ang lagi ko din namang sagot ay ayos lang ako.

Matapos kumain ay umakyat na kami sa kwarto at sandaling naligo. Nahiga na kami at nagsimulang matulog ngunit ako nalang ang natatanging gising. Inalala ko ang mga nangyari kanina lang at kung bakit bigla nalang akong sumuka. Sa gitna nang pagiisip ay biglang doon sumagi sa isip ko ang ang isang ito.

Hindi kaya...buntis ako?

~to be continued~

HE'S INTO HER » FAN MADE «Where stories live. Discover now