Chapter 19

1.3K 33 13
                                    

Chapter 19

"Grabe naparami ang kain ko. Ang sarap kumain. Salamat Clarisse."

Hinihimas himas ko ang tiyan ko dahil sa kabusugan. Manamis namis ang inihaw na isda samahan pa ng saktong tamis-asim ng ensaladang mangga at alat ng nilasing na sugpo sa cheese.

"Hindi halatang busog ka ano? Hahaha ako man nabusog din. Ako na ang magliligpit magshower ka na para makapagbihis ka. Natuyo na damit mo sa katawan mo ohh."

"Okay sige. Touch naman ako, maalaga ka talaga ano? Ang swerte naman niya..." Saka ako lumabi. Gawain ko ito kapag tipong nahihiya ako sa sasabihin ko.

"Huh?! Sinong maswerte?" Bigla akong natigilan. Oo nga pala, single na nga siya.

"Ahh ibig kong sabhin, ang swerte ng magiging boyfriend mo." Saka ako ngumiti ng todo.

"Boyfriend talaga eh no?! Naku EJ, magshower ka na nga doon. Baka pati ikaw mailigpit ko kasama ng hugasin."

"Ayy parang gusto ko yan, huhugasan mo ako? Game! Hahahaha!" Sabay sundot ko sa tagiliran niya na siya namang napaigtad siya bigla. Kaya nahampas ako sa braso ng wala sa oras.

"Walang hiya alam na ngang may kiliti eh. Loko loko ka talaga. Tsupi na, ligo na baka sipunin ka na ohh. Dalian mo at susunod akong magshower."

Akma ko pa sana siyang kikilitiin kaso itinutok na niya sa akin ang siyansi. Pagbabanta na mahahampas ako kapag sinubukan ko siyang kilitiin uli. Kaya todo ngiti na lang akong tumalikod sa kanya at tinungo ang tent para kunin ang mga gamit ko.

"Later kamahalang Clarisse. Huwag kang aalis diyan ha, saglit lang ako."

"Lokong toh kamahalan pinagsasabi mo. Gutom ka pa yata hahaha. Ingat ka..."

Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko dahil sa hindi maipaliwanag na sayang nararamdaman ko na marahil siya na nga iyong babaeng may busilak na kaloobang tinutukoy ni Lori bago namin maisipan yong plano sa baywalk.

Ang lamig ng tubig kaya minadali ko ang pagligo. Mahina pa naman ang katawan ko sa lamig. Matapos makapagbanlaw eh umupo ako at binalot ng tuwalya ang katawan ko. Para yatang lalagnatin at sisipunin ako sa lamig. Kaya tinuyo ko agad ang katawan ko at saka nagbihis. Pagkalabas ko ng banyo mas lalo kong naramdaman ang lamig dahil mahangin. Whew! Ang Lamiiggg!

"Bulaga!!!" Sabay silip ko sa tent pero wala ang inaasahan kong gulatin.

"Clarisse? Nasaan ka?" Ngunit walang sumasagot. Napansin kong nakaayos na mga pinagkainan naming at naligpit na ang mga kalat. Hayy saan na naman kaya nagpunta iyon.

"Huli ka EJ! Hahahaha!

"Anak ng tipaklong!Tak----!" Halos mapamura ako dahil sa pagkabigla at kiliting naramdaman ko ng kabilaang pagsundot sa tagiliran ko. Ngunit paglingon ko ay ang babaeng hinahanap ko na tawang tawa sa akin.

"Ano ha? Mas malakas pala ang kiliti mo sa akin EJ. Partida magugulatin ka pa. Hahahaha!"

"You ha...Gumaganti ka. Mamaya ka. Akala mo ha..." Saka ko inilapit ang mukha ko sa kanya. Aasarin ko sana kaso nabahing ako bigla.

"Grabe ganoon na ba ako kabaho para bahingan mo. Hahaha makaligo na nga. Behave ka muna diyan sa tent."

Umalis na siyang bigla sa pagaakalang nababahuan ako sa kanya pero hindi. Nababahing talaga ako. Naguumpisa na nga tumulo ang sipon ko. Kaya pumasok na ako sa tent para hindi na mahamugan. Tinuyo ko ng towel ang buhok ko saka ako humiga. Hayyy ang sarap mahiga. Parang ngayon ko lang naappreciate ang mahiga sa loob ng tent. Dinig na dinig ko ang hampas ng alon at ang banayad na ihip ng hangin. Bahagya akong dumapa at pinagmasdan ang kalangitan mula sa uwang ng tent. Walang mga bituin at tanging ang malamlam na liwanag ng buwan ang nagbibigay kislap sa naguunahang alon sa dalampasigan. Nakipagtitigan ako sa buwan at bigla kong naalala ko ang mga katagang sinabi ni Crystal.

Crossing the Limits (Lesbian Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon