Chapter 7

1.2K 32 0
                                    

Chapter 7

 

Kumpleto na ang tropa at kasama na rin ni Lori ang kanyang boyfriend. Tama alam ng tropa ko kung anong totoong gender preference ko. Nagkaboyfriend na din naman ako dati pero mas nanaig talaga ang pagkagusto ko sa mga girls. Hindi naman halata dahil kilos babae pa rin naman ako at pa chix ang porma. Pero minsan naisip ko magiba ng gupit ala pixie cut or boycut. Kaya lang baka magtaka naman sila sa bahay conservative pa naman sila. Pero iniimagine ko ano kayang itsura ko pag nagkataon? Bagay ko kaya or baka maging lapitin lang ako ng girls? Hmm... mukhang masaya yun ahh. Napapangiti tuloy ako habang nakasandal sa hood ng kotse ko.

“Hoy EJ!!! Anong nakakalokong ngiti yan ha? Ang aga aga pa nagdeday dream ka na naman! Babae na naman yan ano?” – si Kurt bestfriend ni Lori

 

“Aray naman Kurt! Makabatok ka parang hindi ako babae ahh! Masakit yun ha! Eiissshh!!! Panira ka talaga ng moment kahit kalian!”

Paborito talaga akong batukan or kutusan nitong si Kurt palibhasa eh nabasted siya ni Lori nung nagpatulong siyang manligaw sa akin. Malay ko bang hindi pala kumakain ng pork si Lori. Sinuggest ko kasing ipagluto niya ng spicy pork adobo. Ayun sa kasamaang palad nabasted hahaha! Hanggang sa naging magbestfriend na lang sila.

Napatingin bigla sa akin yung dalawang magkasintahan si Lori at Arvin. Yung tipong BABAE KA NGA BA TALAGA look! Saka nila ako pinagtawanan ng malakas. Nakisali na din sa pagtawa sina Yani, Shem at Malu.

“Hey guys, tama na muna yan. Ituloy natin yan mamaya sa bar. Ano lets go girls!” – si Lori na nagaaya ng makaalis sa parking

“Wait guys, kawawa naman ang kotse ko kung sina Shamei, Lani at Malu na naman ang sakay ko. Pambihira sinundo ko na nga sila eh.” Reklamo ni Kurt

“Gawin mo na kasing GF ang isa sa mga yan ng di ka na laging nagrereklamo tuwing may lakad hahaha.” Pangaasar ko kay Kurt.

Isinabay ko si Shamei, mas safe ako dito at siguradong hindi magseselos si Beb ko kung sakaling malaman sino ang isinabay ko sa kotse. Si Shamei ay isang butch pero hindi namin nakakasama ang GF niya kapag may lakad ang tropa dahil sa sobrang busy niya sa trabaho.

Si Malu naman ay bisexual din at may karelasyon kaya lang LDR. Nasa Dubai ang karelasyon at sa YM or Skype lang sila nagkakausap. Hanga ako sa kanilang relasyon dahil halos tatlong taon na sila. Minsan naiisip ko sana umabot din kami ni Beb ng ganung katagal at malampasan ang mga pagsubok.

Tanging si Lani ang straight sa aming mga girls. Kaya minsan eh di maiwasang maitukso siya kay Kurt dahil pareho silang single. NBSB nga lang si Lani (No boyfriend since birth) dahil may pagkapihikan sa lalaki. Si Kurt naman eh lapitin ng chix pero faithful naman. Tanging si Lori lamang ang kapareho ko ng field of work. Yung mga iba eh sa ibang kumpanya nagtatrabaho kaya kung may free time lang kami nagkakayayaan ng gala.

“EJ anong oras ng dating ni Crystal beb bukas? Masusundo mo kaya? Mukhang mapapasabak tayo sa bar ahh hahaha.”  -- si Shamei habang busy kakalaro ng Wind Rush sa phone niya habang nasa biyahe kami

Crossing the Limits (Lesbian Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon