"The Lily That Levitates" (VALENTINE'S DAY SPECIAL)

8 2 21
                                    

Valentine's day...

Araw ng mga kulang-kulang.

Napairap na lamang ako dahil sa kada-ikot ko sa mall, puro mag-jowa ang nakikita ko.

Paano naman ako na ganda lamang ang mayroon at walang jowa?

Huminga ako nang malalim at tumingin na lamang sa paligid. Sana pala ay hindi na lamang ako nag-mall kasi bukod sa nakaka-bitter ang sistema ng mga tao, wala rin pala akong pera pambili, hindi ko pa nasisingil ang inutang sa akin ni Ate Tanya na pera.

Pero kahit na! Gusto ko pa ring kumain, kahit sa food court na lamang!

Naglakad ako papunta sa food court, nag-crave ako bigla sa siomai rito, pati sa takoyaki, pero napasimangot na naman nang makitang puro pula ang food court. May mga tao pang may hawak na pula at heart na balloon. 'Yong iba ay nagsusubuan ng siomai, 'yong iba holding hands while eating, 'yong iba kausap ang jowang titig na titig sa kanila habang nagkukwento, pero ang nakakarumi sa lahat ay 'yong isang couple sa gilid na panay ang halik sa pisngi ng lalaki. Eww!

Parang nakakawala naman ng gana.

Kaya tiniis ko ang gutom, naglakad na lamang ako papunta sa exit para sana lumabas pero nagulat nang may mga lipon ng tao sa may malapit sa exit, may stage pa na napapalibutan ng barricade. May mga decorations din pero hindi naman pula na nakakaumay na, pastel pa nga ang color palette ng designs, eh.

"Aray!" daing ko nang may kung anong bumangga sa akin. Grabe naman 'to! Nagmamasid lang ako, tapos nasaktan na ako? Buti na lang wala akong jowa, mas masakit 'yon.

"I am sorry, Miss," sabi niya. Nagulat naman ako nang makilala ang boses niya. Tiningnan ko siya at nakita nang malinaw ang mukha niya. Doon ako mas nagulat.

"Ryle?" tanong ko. Nanlaki naman din ang mga mata niya nang makita ako.

"Glaiz!" sabi niya at luminga pa sa paligid, parang may hinahanap na alam ko naman kung sino. Pero sorry siya, hindi na 'yon magpapakita sa kaniya after ng ginawa niya! "Mag-isa ka?" tanong niya, gulat na gulat pa rin sa presensya ko kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Oo, anong ginagawa mo ri---"

"Shoot, the show's about to start! I am sorry, Glaiz. Talk to you next time!" sabi niya at tumakbo na habang nilalabas ang phone. Napasimangot naman ako bago tumingin sa stage. Nakita kong isa-isa nang naglalabasan ang mga mascot doon. Parang nagmo-model pa nga, lalo pang nakalakas ng audience impact ay ang sounds na pati baga mo ay magva-vibrate sa sobrang lakas.

Pero oo, mascot!

May panda, may shark, may bear, may unicorn, may minion at pororo pa nga, eh.

"So welcome to the Trivista Malls' Valentine's Day Show! And since today's a very special day for every one of us, I want to greet you all with a happy heart's day! And may you enjoy our today's highlight." Nagpalakpakan ang mga tao, samantalang naguguluhan pa rin ako. Gano'n pa man, naglakad ako papasok sa barricade kung saan p'wedeng umupo ang mga audience. Dahil na-late, nasa pinakadulo na ako napaupo. May kung ano sa akin ang na-curious dahil sa show na 'to. "I want to greet you all... single, taken, it's complicated, married, divorced, annulled, broken... everyone deserves to be greeted a Happy Valentine's Day.

"So, syempre, hindi lang naman pang may mga jowa ang araw na 'to, right? Valentine's Day is also for a single person like me. Bakit? May jowa lang ba ang p'wedeng magmahal?

"Hindi! Me, as a person, can love myself alone." Tama siya. Hindi lang naman pang may mga jowa ang Valentine's Day. Ang pagmamahal naman siguro, hindi lang para ialay sa iba 'di ba? Para rin naman 'to sa sarili. Pero bakit ganito? "And today, fourteen lucky ladies that are willing and searching for a partner today will be chosen! Those fourteen pairs would receive a P2,000 vouchers for all shops inside Trivista Malls only."

Fated (The Anthology) GGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon