"A New Chapter Without the Antagonist" (NEW YEAR'S SPECIAL)

29 4 5
                                    

"A New Year Without Her" a New Year's Special by Treijan Lucas Alcaraz

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

"A New Year Without Her" a New Year's Special by Treijan Lucas Alcaraz

Date published: 01/01/2021





Celebrating New Year here in New York feels so different from how Philippines celebrate it.


Kung sa Pilipinas, torotot doon, torotot dito. Tapos kan'ya-kan'yang paugong ng motor, kan'ya-kan'yang videoke, paputok ng boga, kwitis, sinturon ni Hudas, pop pop at kung ano-ano pa.

Dito hindi.

"Kuya, ano ba 'yang suot mong 'yan?!" Heto lang yung bagay na meron sa Pilipinas na nadala sa New York: Ang sigaw ni Torry na mas malakas pa sa Goodbye Philippines.

Tiningnan ko ang suot ko bago siya kunutan ng noo.

"Pajama," sagot ko, kunot pa rin ang noo. "Any problems regarding that?" napangiti ako habang sinasabi ang isang napaka-pamilyar na line.

"Why p-polka dots?" Kunwari pa 'to, halata namang nagpipigil ng tawa.

"Bawal?" nakataas ang kilay na tanong ko.

"Arte mo!" singhal niya. Natawa na lang ako. Halata naman kasing napikon siya sa akin.

Isa sa tradisyon sa Pilipinas ay ang pagsusuot ng polka dots na damit t'wing New Year. Hindi ko alam ang significance noon o kaya ang connection sa new year. Basta nakikisakay lang ako.

Gusto ko pa sanang asarin si Torry dahil sa panlalait niya sa suot ko pero pumunta na lang ako sa couch para humiga.

Bagong taon, pero hindi ko dama.

Kahit maghanda ako ng dalawang dosenang prutas sa lamesa.

Kahit magsuot ako ng polka dots na shirt, shorts or pajama, tsinelas miski underwear.

Kahit manood ako ng fireworks display.

Kahit mag-ingay ako gamit ang torotot.

Hindi ko pa rin maramdaman.

Pakiramdam ko ang ignorante ko at walang muang sa mundo.

Fated (The Anthology) GGSOù les histoires vivent. Découvrez maintenant