Chapter Twenty One

1.8K 46 10
                                    

Please know that my updates are unedited. Sorry in advance sa errors and enjoy reading!

*************

Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa sinabi niya. Ano daw? Gusto niyang bumawi sa akin? Para saan? Hindi na kailangan pang bumawi. At anong sinasabi niyang mahal niya parin ako? At hiwalay na sila ng asawa niya? Paano nangyari iyon?

I sighed and looked him in the eyes.

"Hindi mo na kailangan pang bumawi sa akin, Keith. Walang dahilan kung bakit ka babawi sa akin."

"Please, ngayon na wala na akong asawa ay pwede na nating ipagpatuloy ang ating relasyon. Pero alam ko naman na malaki ang kasalanan ko sa'yo kaya gusto ko munang bumawi."

"Ano bang pinagsasabi mo?" Galit na tanong ko. "Matagal na tayong tapos at kahit pa man wala ka ng asawa ay hinding hindi na ako babalik sa iyo! Walang magkakabalikan dahil-"

"No! Galit ka lang sa akin kaya mo nasasabi iyan. Alam kong mahal mo parin ako." Nakangising sabi niya. "Alam ko kung gaano mo ako minahal, Olympia. Ramdam ko parin ang pagmamahal mo."

I sarcastically smiled at him.

"Minahal. Past tense. Nangyari noon. Sa tingin mo, sa pangga gago mo sa akin ay mamahalin parin kita? Ganoon ba katanga ang tingin mo sa'kin?" Sabi ko na pilit pinakalma ang boses dahil ayokong sumigaw at baka marinig kami sa labas.

Umiling iling siya at magsasalita na sana ngunit nagpatuloy ako. Ilang beses akong nagpakawala ng hininga bago nagsalita.

"Nagpunta ako dito hindi dahil pinagbigyan kita. Nagpunta ako dito dahil may importante akong sasabihin sa iyo. Unang una, ka klarohin ko ulit na hindi tungkol sa iyo o dahil sa iyo kaya ako nagpunta dito."

Patuloy lang siyang nakikinig sa akin kung kaya't nagpatuloy ako sa pagsasalita.

Nagdadalawang isip pa ako kung tuluyan ko bang sasabihin sa kanya ngunit ang mukha ni Persephone ang lumitaw sa isip ko.

"Gusto ko lang sabihin sa iyo na sobrang nasira ang buhay ko dahil sa nangyaring eskandalo at issue na kinasasangkutan ko. Isang sitwasyon na minsan ay hindi ko naisip na mapapabilang ako. Ang mas masakit doon, pati pamilya ko ay kinukutya din ng mga tao dahil ang anak nila ay isang kabit ng isang senador." Kalmadong sabi ko kahit gusto ko na siyang sigawan at iparamdam sa kanya iyong galit na nararamdaman ko.

"Oly..."

"Umalis ako at nagpunta sa ibang lugar dahil hindi ako makalabas ng bahay na hindi hina harass ng mga tao at mga reporter na ilang linggo nagkampo sa labas ng bahay namin upang ma interview ako. There was a time that I had to disguise as someone because I can't even go to the mall or even eat outside with my family."

"I-i'm really sorry..." He whispered.

Pero hindi ko pinansin iyon at nagpatuloy ako sa pagsasalita habang nakatingin sa mga mata niya.

"Noong nagpunta ako sa ibang lugar ay nabigyan ako ng pagkakataon na mamuhay ng tahimik. Iyong mga kaibigan ko ay binabastos ako porke bakit pa sa may asawa ako pumatol kung pwede naman daw sa kanila na single pa."

Nag init ang mga mata ko dahil habang sinasabi ko ang lahat sa kanya ay dama ko parin iyong sakit na nararamdaman ko noon nang talikuran ako ng mga taong pinahahalagahan ko.

"Gusto kong mag explain at sabihin na hindi ko naman alam! Na hindi ko alam na may asawa siya kasi ang sabi niya sa akin, single siya! Pero tanga lang siguro ako kasi naniwala ako kaagad. At oo, inaamin ko iyon dahil kung hindi dahil sa katangahan ko ay hindi ako masasaktan ng ganoon."

Pinahiran ko muna ang mga luhang tuluyan nang kumawala sa mga mata ko. Gusto niya sanang lumapit sa akin ngunit umiling ako.

Suminghap ako bago nagsalita. "Noong panahong durog na durog ako nagkasakit ako. Pagsusuka sa umaga at pagkahilo. Nagpa doktor ako at isang balita ang sinabi niya sa akin."

Hindi ko kaagad dinugtungan ang sinabi ko at tiningnan siya. Napaawang ang kanyang mga labi at namimilog ang kanyang mga mata na para bang alam na niya kung ano ang ibig kong sabihin.

I nodded at him to confirm what he thought.

"She's turning five next month and she wants to see you. Kaya ako nagpunta rito ay para kausapin ka para sa kanya."

Unti unting sumeryoso ang mukha niya.

"Why didn't you tell me about her before?" Tanong niya.

I scoffed before I answed him. "Ayokong madamay siya sa issue na nangyari noon. Ayokong pati siya ay kutyain ng mga tao. Ayokong maramdaman niya ang naramdaman ko sa murang edad. Ngunit hindi ko napigilan dahil kahit gaano ko siya gustong protektahan ay nangyari parin. Kaya ako nandito sa harap mo ngayon."

He sighed and looked at me with his serious face.

"I divorced my wife so I could get back with you. With you alone. I don't need a child in my life. Ikaw lang ang gusto ko, Oly. Kung magbabalikan man tayo ay pwede mo siyang iwan sa mga magulang mo at sumama sa akin-"

"Tang ina mo! Kanina ko pa sinasabi na walang magbabalikan. Ikaw lang ang may gustong bumalik sa dati. Ayaw mo sa anak ko? Thank you! Mas gugustuhin ko pang mabuhay kami ng matiwasay kaysa ang bumalik sa iyo!"

Tuluyan nang bumugso ang damdamin ko at naiyak dahil sa sinabi niya. Nasasaktan ako para sa anak ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin 'to sa kanya. I don't want to hurt my baby. Naiisip ko lang na masasaktan siya ay para nang dinaganan ang puso ko sa bigat ng nararamdaman ko.

Tumayo na ako at ganoon rin siya. Kita ko ang taranta sa mukha niya.

Tiningnan ko siya ng huling beses, "Huwag mo na akong guluhin pa. Hayaan mo na kaming mamuhay ng tahimik at hindi mangyayari iyon kung patuloy mo kaming guguluhin. Naiintindihan kong ayaw mo sa anak ko at hindi ko ipipilit iyon. Sana huling beses na ito."

Sabi ko at tuluyan nang lumabas. Tinawag niya pa ako ngunit hindi ko na siya nilingon pa.

Tumulo ang mga luhang pinigilan ko kanina pa. Pinahid ko ang mga ito habang naglalakad kaya hindi sinasadyang makabangga ako.

"Watch where you going-"

Parehas kaming natigilan pagkatingin sa isa't isa.

Bago pa man may magsalita sa amin ay bumukas na ang pinto kung saan ako nanggaling at rinig kong tinawag ako ni Keith kaya napalingon doon si Katya.

Oo, si Katya ang nakabangga ko.

Pabalik balik ang tingin niya kay Keith at sa akin at pagkatapos ay ngumiti ng nakakaloko sabay taas ng isang kilang niya.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at walang pakeng tuluyan na akong lumabas. Wala akong pakialam sa iisipin niya.

Pagka pasok ko sa sasakyan ko ay kaagad akong nag drive pauwi. Gusto ko nang makita ang anak ko ngunit nang maisip ang sinabi ni Keith kanina, na ayaw niya sa anak ko ay parang ayoko na lang munang umuwi dahil hindi ko alam ang sasabihin sa anak ko.

Wala akong magagawa kundi sabihin sa kanya ang totoo. Pero ipaparamdam ko sa kanya na hindi niya kailangan ang tatay niya. Kasi andito ako, pati mga magulang ko. At si Zac na alam kong mahal na mahal ang anak ko.

A woman's dream Where stories live. Discover now