Chapter Fourteen

1.7K 49 4
                                    

After that talk that we had in his safe place, we got closer to each other.

At hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na nakita niya rin ako doon sa exhibit na pinuntahan ko years ago.

May parte sa akin ang nasasayangan kasi alam kong mabuting tao si Zac kaya alam kong hindi ako masasaktan, ngunit naisip ko rin iyong sinabi ni Zac na wala sana akong Persephone ngayon kung hindi iyon nangyari.

At kung kinailangan ko mang pagdaraanan ulit iyon, iyong lahat ng pangungutya ng ibang tao sa akin, kung ang kapalit naman ay ang anak ko...handang handa akong masaktan ulit.

We still haven't talked about what is really the score between us.

We communicate everyday. We talk eveyday. Kinukumusta niya ako pati ang anak ko.

Kapag stress ako o siya sa negosyo ay bumabalik kami doon sa safe place namin. Sa amin na daw iyon at hindi lang sa kanya since dinala na niya ako doon.

Pinapasyal niya din kami ni Persephone. Minsan kasama si Soren, minsan kaming tatlo lang. At napapangiti nalang ako sa tuwing nakikita kong nag uusap o nagtatawanan sila ng anak ko.

Ngunit minsan naiisip ko din na baka ganoon ang anak ko ay dahil ni minsan hindi ako nagpakilala ng lalaki sa kanya. Ama niya man o hindi.

Si Zac lang ang hinayaan kong mapalapit sa akin. Sa amin.

Alam ko naman na darating din ang panahon na magtatanong siya tungkol sa ama niya. Pero pinagdadasal ko na sana hindi pa ngayon. Alam ko ring matagal na panahon na iyong nangyari ngunit malaki ang epekto noong nangyari sa akin.

Sa ilang taon kong namuhay pagkatapos ng issue na iyon, natatakot na akong magtiwala ulit. Natatakot na akong magmahal ulit kaya nag focus nalang ako sa anak ko at sa negosyo ko.

Iyong pangungutya ng ibang tao hindi lang sa akin kundi pati na sa pamilya ko kahit hindi naman nila alam iyong buong istorya.

Bakit kaya ganoon ang mga tao? Ang hilig nila makialam sa buhay ng ibang tao pero mismong buhay nila hindi nila mabantayan. Binabantayan nila iyong bakuran ng ibang tao pero iyong bakuran nila hindi nila nililinis.

Isa pang katoxican ng ibang tao iyong pangingialam sa isang issue kahit hindi naman alam ang buong istorya. Ang masama pa doon, pinagkakalat pa kahit mali mali naman ang impormasyon tapos iyong mga pinagsasabihan ay naniniwala kaagad.

Kaya ang hirap maghanap ng mapagkakatiwalaan sa panahon ngayon. Actually, madami akong kaibigan noon. Mga kaibigan na tinulungan ko sa oras na nangangailangan sila pero sila pa iyong bumabastos sa akin noong nagkaroon ako ng issue.

Kaya kayo, know who you trust.

Naputol ang pag iisip ko sa tunog ng cellphone ko hudyat na may tumawag.

When I checked on my phone, I smiled because it was my bestfriend calling.

"Hi." I said when I answered her call.

"Hoy!" Sigaw niyang sagot sa akin.

"Ano 'tong naririnig kong may manliligaw ka?" Dagdag niyang sabi.

Napaka chismisa nito. Abot sa ibang bansa ang chismis.

"Wala aking manliligaw." Sagot ko sa kanya.

"Yeah! And pigs can fly!"

"Wala nga! Saan ba galing iyang chismis mo?"

"Sabi ng mommy mo! Akala mo ha! Marites kaya kami ni Tita!" Sabi niya sabay halakhak.

"Tsk! Naniwala ka naman kaagad kay mommy."

"Eh, sino pala iyong Uncle Zac ni Amory baby?" tanong niya. Na i-imagine ko ang mukha niyang nakataas ang kilay.

Na mention lang ang pangalan niya pero ito, na somersault na ang puso ko.

Huminga ako ng malalim bago siya sinagot. Kinwento ko sa kanya iyong nangyari sa park. At pati na iyong nilibre ko sila ng lunch sa restaurant. Na kwento ko rin iyong pagpunta namin sa safe place ni Zac. Pero hindi ko sinabi iyong napag usapan namin. Private life kasi iyon ni Zac at mali namang pati iyong ay sabihin ko sa bestfriend ko.

Na realize ko nalang na nakangiti ako pagkatapos kong mag kwento. Nakagat ko nalang ang labi ko.

"Gusto mo ba siya?"

Seryosong tanong niya sa akin. At hindi kaagad ako nakasagot kasi kung sasagot ako, ibig sabihin noon tinatanggap ko na kung ano man itong nararamdaman ko kay Zac.

Bumuntong hininga ako upang makalma ang puso ko. "Oo, ata..."

"Di ka sure?" Sabi niyang may tunog na ngisi.

I took a deep breath and hold the place where my heart is. "Oo. Gusto ko siya."

Narining kong bumuntong hininga din siya sa kabilang linya.

"Pero hindi ko alam kung parehas kami ng nararamdaman. Wala pa siyang sinabi...at ayokong mag assume."

"I think, may gusto din siya sayo. Sa sinabi mo palang na inaalagan ka niya pati si Persephone makes me think na tanggap ka niya."

Pero ayokong umasa hangga't wala akong natatanggap na verbal confirmation. Action speaks louder than words, but action without words can lead to a misunderstanding.

"Pero kung sakali mang parehas kayo ng nararamdaman, ready ka na ba?"

"Kung sakali mang ganoon nga, ayoko mag overthink. Pero ngayon palang nararamdaman ko nang mabuti siyang tao. At gusto siya ng anak ko."

"I'm just concern about you. I don't want you to go through that pain again. Especially hindi lang ikaw ang pwedeng masaktan...damay na rin si Amory baby."

"I know. And thank you so much for always being there for me and Persephone. We love you so much!

"I love you both too! Oh siya, may conference kaming pupuntahan. Balitaan mo ako okay? Good news or bad news please tell me, you know I am only one call away."

Alam ko naman iyon. At nagpapasalamat ako sa diyos dahil binigyan niya ako ng bestfriend na katulad niya.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at sinabi nitong tatawag ulit at gustong makipag video call sa anak ko.

Pagkatapos ng tawag ay nag aayos na ako ng gamit upang umuwi na. Nag save lang ako ng ibang files at pagkatapos ay pinatay ang laptop.

I was about to go out my office when my phone beeped.

Bigla akong kinabahan dahil sa text na nareceive ko.

Unknown number :

Can we talk?

A woman's dream Where stories live. Discover now