"Hey, what's your name?" Tanong ni Kelly kay Althea.
Nagulat siya at tumingin muna sa akin ng may hindi siguradong ngiti. Mukha siyang natakot kaya tinapik ko si Kelly.
"Okay na, okay na. Si Althea 'yan. Wag mo na siyang guluhin, gumawa na tayo ng research."
"No, Ja-ne. She has a nickname." Bulong nito pabalik.
"Jane, it's actually Thea."
Natigil kaagad ang bulungan namin. May ngiting hopeful ang babaeng nasa harap namin. Tama si Kelly.
"Thea? I think you know me."
"Of course, wala atang hindi nakakakilala sa'yo." Nahihiyang ngumiti ito kay Kelly.
"Ja-ne didn't know about people's real name here, can't you believe it?"
Sinipa ko ang paa nito sa ilalim ng lamesa para hindi kami mahalata, pero mas nginitian lang niya ako.
Okay. Mayaman si Kelly, mayaman si Thea. Okay, usap mayaman, sila lang ang magkaka-intindihan.
"Bago ako kaya hindi ko alam na may ganun pala kayo dito." Pilit akong ngumiti.
"Really? Then I think you're in trouble Jane. Should you call Dare with his name since may away kayo?" Nag-aalalang tanong ni Thea na umupo sa kaharap kong upuan. Bumulong ito. "If people are enemies here, they don't call them by their names. They use different terms or mean names. I think mas mapapahamak ka if you'll continue to used Dare."
Nakita ko ang sobrang pag-aalala niya at ang gumuhit na takot sa kaniyang mukha.
Naging big deal sa akin bigla ang impact ng pangalang binanggit nito. Ngayon nagtatanong ako sa sarili kung iyun ba ang dahilan kung bakit galit na galit sa akin si Dare. Ang sabi ni Kelly, pang respect daw at equality ang nicknames.
So inaakala ni Dare na gusto kong pumantay sa level niya kaya siya galit sa akin?
Ganun pala! At least may ideya na ako kung bakit siya galit sa akin. Naiintindihan ko na rin kung bakit 'Doll' ang tawag niya sa akin. Enemies nga kami. Pero mas dapat akong magalit sa kaniya dahil siya ang nagpauso ng pagtawag sa akin ng 'public student' at ng 'nerd'.
"Sa tingin mo titigil siya kung di ko gagamitin ang code name niya?"
Nagkibit-balikat ito. "Maybe, but it's okay na magstart sa name para mabawasan ang mga bad pranks niya sa'yo. Baka magcalm down siya if you won't call him sa name niya."
So real name niya dapat. Tumingala ako at nag-isip.
"Ano nga ba ang pangalan ng lalaking iyun?" Wala sa sarili kong tanong.
Sa pagkakatanda ko, puro Dare lang ang tinatawag sa kaniya ng lahat. Pati rin ng mga teachers.
"What?! You don't know Dare's real name?!" Medyo panic nito.
"Hindi. Ngayon ko lang nalaman na hindi pala kayo gumagamit ng real name ninyo."
"Ja-ne only discovered it today." Saad ni Kelly bago lumapit ulit sa akin. Pilyo itong ngumiti. "Dare's name is Daryl Rebel."
Daryl tapos Dare? Paanong napunta ang pangalan niya sa ganun kasamang Dare?
"Ang weirdo. Saan galing iyun, sa Rebel?"
Kumunot ang noo ni Thea. "Umm, sa Daryl Rebel na mismo. Dare, from 'Da' of his first name and 'Re' of his last name. That's Dare. It came from all the beginning letters of his actual name."
Kumamot ako sa ulo. Ang komplikado. Kasi 'yung kanila ni Kelly ang obvious. Nakikinig na kaagad. Thea sa Althea. Kelly sa McKelly. Oh diba ang dali.
"Sino naman ang merong normal na pangalan dito?"
YOU ARE READING
How To Be A Nerd To Troublemaker Princess
Teen FictionCOMPLETE 1st of the Marven's High Stories. HIGHEST RANK: 1st #teenagelife 1st #runawaypricess How To Be A Nerd To A Troublemaker Princess. Written by EverLonelyGreen Marven's High Academy is known as a prestigious school for elite students who came...
15- How The Nerd Discovers Code Names?
Start from the beginning
