I shyly smiled at him, "Yeah, it's just the two of us."
"Why don't you join sa table namin." he suggested looking expectantly at us.
"Sure! That would be fun." Sabi ko agad
Pasimple kong pinandilatan ng mata si Louis para sumakay siya sa gusto kong mangyari and thankfully, na-gets naman niya.
--
Nandito kami ngayon sa isang music bar malapit-lapit lang din sa coffee shop kanina. Ayaw pa kasing magsiuwian ng mga pinsan ni Collin kaya naisipan nilang magkaraoke kami.
Medyo nahihiya-hiya pa nga ang beauty ko kasi hindi naman ako kagalingan sa pagkanta. Kaya nga nung sinabi ni Chanda, youngest cousin ni Collin, na gusto nilang kumanta. Nako! Nanlamig na 'yung pawis ko.
Idagdag pa 'yung pang-asar look sa akin ni Louis.
Isa-isa silang nagkantahan na pati si Louis ay nakakanta na rin. Kami na lang ata ni Collin ang di pa nakakahawak ng microphone.
"Duet! Duet! Duet!"
Sige pa sila sa pag-chant na magduet nga daw kami ni Collin sa pangunguna ng magaling kong best friend.
Jusko, Lord! Sobra nap o ba ang mga wishes ko kaya bumabawi ka na? Sa ibang araw na lang po...
"Ah.. eh.. hidden talent ko kasi - " pagdadahilan ko sa kanila. Nalulukot na ang paldang suot ko dahil sa higpit ng paglamukos ko para ma-absorb ang pawis sa namamawis kong palad.
"Nice! Ito na kantahin niyo ah!" Narinig ko na lang na sinabi ng kung sino.
Nakakatuliro.
Wala sa sariling hinawakan ko 'yung microphone na inabot sa akin. Pinatayo pa kami ni Collin sa harapan.
Ang salarin naman ay prenteng nakaupo sa pinakadulo ng mahabang upuan na halatang-halata ang walang hanggang kasiyahan.
Schandenfreude
Nagsimula na ang intro ng kanta. Nagsimula na ring umurong ang dila ko kasabay ng pagtuyo ng lalamunan ko.
Mas lumakas ang hiyawan nila ng kumanta na si Collin. Gwapo, matangkad, singkit ang mga mata, mabango at sintunado!
-
Walang tigil sa pagtawa si Louis habang pinagdradrive ko siya nung pauwi na kami. Ibangga ko kaya 'tong kotse niya nang manahimik siya.
"Tawa pa!" asik ko sa kanya na masama na ang pagkakatingin ko sa kalsada.
Pero, kahit na alam niyang naiinis na ako sa kakatawa niya, hindi pa rin siya natigil.
"Hoy! Ano ba!" Reklamo niya nung bigla akong prumeno
"Edi natigil ka rin." Inis na sabi ko at ipinagpatuloy ko na 'yung pagmamaneho ko. Tahimik na rin siya hanggang sa makarating kami sa bahay ko.
"Ingat." Halos pabulong na lang na sabi ko ng tanggalin ko na 'yung seatbelt.
"Galit ka na n'yan?" parang nang-iinis pang tanong niya
Bubuksan ko n asana 'yung pinto ng kotse para makababa na kaya lang, alam kong hindi aalis 'tong si Louis nang ganun-ganun na lang.
Huminga ako para pakalmahin ang sarili ko.
"Sinong hindi magagalit? Napahiya kaya ako."
I don't care if I'm being childish right now. Basta, 'yun ang nararamdaman ko. I'm entitled to say what I want.
"It doesn't looks like that to me or even to everyone there kanina." Pangangatwiran niya
Hindi ko napigilan ang kusang pag-irap ng mga mata ko.
"You see, hindi ba't parang nakabuti pa?"
Napakunot naman ang noo at nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
Ah! So, utang na loob ko pa pala.
"Parehas kayong..." pagbitin niya
"Sintunado." Ako nang nagtuloy
Nakita ko kahit na mabilis lang na gusto sana niyang tumawa ulit pero hindi na niya binalak na ituloy.
"Yes. Iyon nga. At least, nalaman mong may common denominator kayo kahit papaano." Naglalaro sa mga labi niya ang isang nakakalokong pagngisi
Kahit na dapat na matuwa ako dahil dun, hindi ko magawang magdiwang. Sa dinami-rami naman kasi ng pwedeng magkapareho kami, pagiging sintunado pa.
Nalaman ko rin kasing more of an athletic type si Collin na hindi ko naman ganun kagusto sa isang lalaki. I don't find sweaty guys, attractive.
Hindi rin siya kumakain ng spicy foods na sobrang gustong-gusto ko naman. Paano kami mag-eenjoy kung hindi swak 'yung mga trip namin?
"H'wag ka nang sumimangot dyan. Alis na ako, baba ka na."
Wala talang pagka-gentleman sa DNA nitong si Louis.
"Ang sama mo."
"Baba na. Matulog ka na. I heard may date kayo bukas." Sabi niya sa masungit na tono pero medyo nakangiti naman.
"Tsismoso ka, kuya!" Natatawa na sabi ko at bumaba na agad ng kotse niya.
Pinaandar na niya 'yung sasakyan niya paalis habang tinatanaw ko na lang ito hanggang sa mawala sa paningin ko.
Bago ko pa man mabuksan 'yung gate namin ay tumunog 'yung cellphone ko.
From: Louis Sylvestre
Mag-ingat ka bukas ah! Sige, good night.
Napailing na lang ako na nangingiti sa text message niya.
Naka-on na naman ang pagiging strict older brother ni Louis.
A/N: Comments are highly appreciated. Thank you!
YOU ARE READING
Hello, Spring
ChickLit"I'd rather die than not to experience love at all." - Spring Espinosa (Seasons of Love # 1)
Chapter 6 - Destiny's dirty game
Start from the beginning
