CHAPTER020

1 0 0
                                    

RAIKO ADAN, 07

"O, anong nangyari diyan?"pambungad na tanong ni Ciara.Naupo siya sa seat na nasa harap ko.Ngumiti pa muna siya saakin bago muling bumaling kay Riego.

"Nagbi-brainstorming para sa effective candidacy niya,"tugon ni Riego na hindi parin mapatid ang pagngisi.Kanina pa siya.

"Candidacy saan?"naguguluhang tanong muli ni Ciara.

"Tatakbo siyang SSG President e.Sa wakas, matutupad narin ang pangarap kong mai-ban ang  pagbibigay ng maraming school tasks at bagsak na grado,"tila nag-iimagine pa si Baltazar sa kawalan.

"Moron! hindi ako magd-DEPED Secretary,"–Riego.Talagang inis na inis siya.

Ciara chuckles.

"Kaya mo 'yan,"aniya.

Riego clicks his tounge.Napatitig ulit siya sa kung saan.Malalim na naman ang iniisip niya.

"Captain?"biglang pagtawag saakin ni Ciara.

Hindi agad ako nakasagot dahil nasa binabasang libro ang atensyon ko.

"Oy, captain."

Ibinaba ko ang hawak na Atlas sa mesa at sinulyapan na siya nang muli niya akong tawagin.

"Hi,"ani Ciara sa malambing na boses at nagwave pa ng kamay sa harap ko."Busy ka na naman sa libro mo.May bayad ba ang panggugulo sa'yo?"

"Wala, ano 'yon?"

"Patingin ako ng smile mo,"utos niya saakin.

I frown.What?

"Dali, pangpaganda ng araw."

"Hoy! ba't kayo naglalandian dito?manahimik kayo diyan,"pagpapatigil ni Baltazar.

I let out a sigh.

"Edi 'wag,"malungkot na sabi ni Ciara.

Awtomatikong ngumiti ako sa harap niya nang makita ang lungkot sa mukha niya.What's happening to me?i can't let her be sad?

Agad na nagbago ang reaksyon ng mukha ni Ciara.She blushes then bit her lower lip.Napatakip pa siya ng mukha at tumili.

"Grabe, hindi ko kinakaya 'to.Ang lalandi niyo!Nagbibinata ka na captain, ayoko!"oa na sabi ni Riego at umarteng naiiyak pa.

Hays, so irritating.

"Anong power ba ang meron ka at nagawa mo 'yon kay captain? automatic siyang ngumiti nang makitang nalungkot ka,"curious na tanong ni Baltazar.

Napailing-iling nalang ako at muling ibinalik ang atensyon sa binabasa.

"Sira, wala!"natatawang sagot ni Ciara."By the way, saan pala si Ryiel?"

"Hindi namin alam, matatapos na ang break pero hindi parin siya nagpapakita."

"Baka kung nasaan lang 'yon,"pagsingit ni Riego."I have to go,"paalam niya na at saka tumayo.Isinukbit niya ang bag saka tuluyang humakbang palayo ng palayo sa kinaroroonan namin.

"Galit kaya 'yon?"may pag-aalala sa boses ni Baltazar.

Natawa lang si Ciara sa tanong niyang 'yon.

Nagpaalam narin si Baltazar kinalaunan, mauuna na daw siya para pumasok sa next subject niya.Hindi man lang sumipot si Ruiz hanggang matapos ang break.What's up with him?Hindi na namin siya mahihintay pa.

Nagpresenta narin akong ihahatid na si Ciara, noong una ay tumutol pa siya dahil hassle daw 'yon, nasa unahan kasi ang building ko sa kanila.Magpapabalik-balik pa daw ako.But i insisted.Naisip ko rin kasi na baka ay guluhin na naman siya nina Kaius, mahirap na kapag wala siyang kasama.Gayunmang tahimik ang frat nila nitong nakaraang araw, we don't know what's on their head.Sa huli ay pumayag nalang rin siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 11, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SUBARA Where stories live. Discover now