CHAPTER017

0 0 0
                                    

RAIKO ADAN, 07

Matapos ng pagkapanalo ng Subara sa game 2 naging maingay na muli ang basketball team ng Maltwood.Hindi iyon karaniwan saakin dahil matagal na din kaming ibinasura ng school.Kami nalang ang sige parin ng sige sa kumpetisyon kahit wala ng naniniwala na makakakamit ulit kami ng panalo.Para bang nawalan na kami ng matibay na sandalan sa mga nakalipas na taon.At ang recognition na nakuha namin ngayon galing sa sariling eskwelahan ay dahil lang sa naging matunog muli ang Subara at nahahatak ang eskwelahan ng pagkakakilanlan ng team.

Napansin kong naka-park na ang mga sasakyan nina Baltazara, Riego at Ruiz.Magakakahanay iyon, nagpark narin ako sa tabi ng kay Ruiz.

Napabuga pa ako sa pagitan ng labi ko matapos maisip na academics naman muna ang pagtutuunan ko ng pansin.Hindi matapos-tapos ang mga gagawin, siguro gan'to narin talaga kapag huling taon mo na bilang senior sa high school.Hindi na magkakaespasyo ang oras mo, pagkatapos ng isang gawain isa pa ang naghihintay sa'yo.

Pagpasok ko ng school ay kabilaan na naman ang mga bulong-bulungan.Mga tinig ng taong biglang naani ang paghanga ng dahil sa nakalipas na game 2.

'Grabe ang pogi niya talaga, ang galing pa magbasketball!"

"Buo na naman ang araw ko."

"Ano ba?nanalo ang Subara dahil sa best captain na si Raiko!"

"Manonood talaga ako sa sunod na laban ng Subara, panonoodin ko si captain ihhh."

"Anghel, anghel na ibinababa sa langit iduyan mo'ko saiyong matipunong bisig.Char, mwa pogi mo captain!"

"Ehe, i'm so proud of Subara.You win my heart captain."

"Ano?sawa ka na?"biglang paglitaw ni Baltazar sa gilid ko.Umakbay pa siya saakin habang sinasabayan ako sa paglakad.

"Siya si Rio diba?goodness ang cute niya."

"He's good in stealing tol, mag-iingat tayo baka pati jowa natin maagaw."

"What a compliment,"proud na sabi ni Baltazar, malawak ang pagkakangiti niya.I don't like it, eerie.

Nagsabay kami ni Baltazar dahil pareho lang naman kami ng building na pupuntahan, and wala din naman akong choice.Nang makarating ako sa room ay nagpaalam na siya at tinungo ang first subject niya.

Nagdire-diretso ako sa upuan ko sa likod.Inilabas ko ang notes at pen.Matapos no'n ay inilagay ko na sa locker ang bag ko.Nasa likod iyon ng mga magkakahanay na upuan, sa tabi ng bookshelves.
Kumuha narin ako ng libro para sa unang subject na Philosophy.

Limang minuto pa bago pumasok ang teacher namin at magturo, hindi naman ako gaanong napaaga.I'm used to School Sports Complex to start the day for a practice or basketball workout.Nanibago ako na dito ako nagtungo ngayon.Bilin ni coach ay bigyan rin namin ng atensyon ang academics at huwag itong pabayaan, malayo pa naman daw ang sunod na game.Hindi namin kailangan magpakapagod at ma-stress sa sunod na laban.

"Captain."

Napalingon ako sa bintana matapos marinig ang boses na iyon.Hindi ako nagkamali sa inaasahang tao dahil nandoon siya.Nandoon si Ciara, makailang ulit niyang ikinakampay ang kamay.Sumesenyas siyang lumapit ako.

Ngunit hindi pa man din ako nakakatayo ay nagpunta sa harap ko ang isa sa girl classmate ko.May hawak siyang plastic container at inaabot iyon saakin.May laman iyong dalawang cupcakes, nakaheart shape pa ang icing  no'n.

"Please accept this as a sign of my admiration to you,"malambing niyang sabi na namumula pa.

I blink and let out a sigh.

SUBARA Where stories live. Discover now