SUBARA013

1 0 0
                                    

RAIKO ADAN, 07

                        Subara vs. SP Elite prt.1
                                      (Game 2)

The game is set.

Subara is back.

We fight, we champ!

——

Kanina pa nagpapabalik-balik ng lakad si Boqueo.Maya't-maya ay mapapakamot siya ng ulo at magpapakawala ng malalim na paghangos.Kinakabahan siya, lagi naman sa tuwing maglalaro kami sa tournament.

"Relax,"pagpapakalma ko sakanya at tinapik ang balikat niya.

Hinarap niya ako, may pangamba sa mukha niya.Natataranta siya.

"Captain, pa'no kung hindi maganda ang maging performance ko sa game?magagalit kaya si coach?magagalit ka ba?"

"Depende,"matipid kong tugon.

Mas lalong lumamukot ang mukha niya.

"Nakalaban na natin ang SP Elite dati, magagaling sila.Baka tulad no'n masupalpal nanaman ako no'ng rookie nila.Ayoko ng mapahiya."

"Maige, kung sa tingin mo magagaling sila hindi masasayang ang pag-eensayo natin."

Natigilan siya.Napakamot si Boqueo sa ilalim ng baba niya, at namamanghang minasdan ako.

"Surewin na ba tayo captain?ang confident mo."

I let out a sigh.Inilibot ko ang tingin sa locker area kung nasaan kami ngayon.Nadako ang tingin ko sa mga players ng Subara na naghahanda na para sa laro.May ibang naglalagay na ng benda sa paa, may mga nag-aayos ng gamit nila sa locker at nag-uusap.

"Depende,"sa huli ay naisagot ko.

Naikalagting niya ang dila.Nagpakawala rin siya ng malalim na paghangos.Hindi siguro matino para sakanya ang sagot ko.

"Malaki ang tiwalang ini-invest ko sainyo.Kung sakaling matalo tayo, 'wag niyong sisihin ang sarili niyo.We all put our efforts for this game."

"Salamat captain, naiisip ko lang kasi, last year niyo na sa Subara.Kayo na lang nina Ruiz ang natitirang pinakamagaling na manlalaro ng Subara.Baka next year, tuluyan na kaming mangulelat sa tournament pag-alis niyo,"malungkot niyang sabi.

"Kung pa'no kayo mag-isip gano'n din ang kalalabasan ng kilos niyo.Kung laging pinagduduhan niyo ang kakayahan niyo, mangungulelat talaga kayo.Maglaro kayo dahil gusto niyong maglaro, hindi dahil may kailangan kayong patunayan.Huwag niyong ikumpara ang sarili niyo sa'min, magkakaiba tayo.Kanya-kanya tayo ng galing."

Napabuga siya sa pagitan ng labi niya.

"Tingin mo ba, kaya namin kahit wala kayo?"

"Kayo lang ang nag-iisip na hindi."

Napangiti siya sa narinig.Parang nabunutan siya ng tinik sa lalumunan at tuluyang nakahinga ng maluwag.

Walang magagawa kung magpapalukob siya sa takot o pangamba.Last year na namin sa Subara, ngunit hindi ibig sabihin ay wala ng magagawa ang natitirang players namin sa tournament.Hindi ba dapat mas maging pursigido sila?Darating ang araw na isa-isa rin nilang iiwan ang Subara at muling papasok ang mga bagong manlalaro na magrerepresenta ng school.Hindi nila kailangang ipressure ang sarili para malebel saaming seniors, kahit saan pa man tingnan magkakaiba kami.Alam kong gagawa at gagawa sila ng marka bago rin nila tuluyang lisanin ang Subara.

Maya't maya pa ay bumungad si coach sa pinto.Napatingin muna siya sa relos niya bago tuluyang inilibot ang tingin saamin.

"Team, two minutes more at magsisimula na ang laro.Be ready,"bilin niya.

SUBARA Where stories live. Discover now