SUBARA007

1 1 0
                                    

RAIKO ADAN, 07

"Sa'n na tayo ngayon?"tanong ni Ciara habang binabagtas namin ang hallway.

"Don't you have things to do?"i asked back, cold.

"Wala e, nagskip ako ng subject ko,"direktang tugon niya.

Sumaglit ako ng tingin sakanya saka muling bumaling sa unahan.

"Nagskip ka kasi ng subject mo dahil tinulungan mo ulit ako kanina, kaya-"

"Inappropriate,"putol ko sa sasabihin niya.

Hindi nalang siya nagsalita, imbes ay isang mabigat na paghangos ang pinakawalan niya.

"Sa greenhouse tayo,"alok ko.

"Anong gagawin natin do'n?"

"Mag-uusap,"tugon ko.

I heard her chuckles.Parang kiniliti siya sa sinabi ko.Weird, she's really a kid.

Nang makarating kami sa greenhouse, i place the quadratic glass table between us.We're like in an interrogation room.Magkaharap ang mga upuan namin, ipinatong ko ang sariling bag sa mesa at gano'n din ang ginawa niya.

Ipinatong ko ang parehong siko sa mesa at pinagsalikop ang mga kamay.Matiim ko siyang tinitigan, my face we're blanked but my mind has so many questions to ask her.Tutal ay kasama ko nalang rin naman siya ngayon, i think mabibigyan niya ng linaw ang ibang gumugulo sa utak ko.

Ipinangsalong baba ko ang mga nakasalikop na kamay, diretso ang tingin ko sakanya.While she's behavely sitting with her eyes sparkling and looking at me.

Nakaramdam ako ng awkwardness sa pagitan namin dahil sa katahimikang pumapaimbabaw.I hem, buwelo.

"May sasabihin ka?"she's hyper.Wala pa man din ay tuwang tuwa na ang boses niya.Also, this is going to be a serious talk.And when i'm serious, i don't want opposite reactions or any laughs and smiles.

"Do you like-"pinutol niya agad ang sasabihin ko.

"Yes, i like you.Shocks!"nagulat siya sa sariling sinabi.Marahil sa sobrang tuwa niya kaya't nadulas siya.

"W-what?"

Narinig ko naman ang sinabi niya pero gusto ko lang ipaklaro.Is she out of the mental hospital?

"I mean, i like this place,"pagtatama niya sa sarili.

"Ah, i'm about to ask if you like to go on interrogation.Madami akong gustong malaman, everything."

Napatango-tango siya.

I let out a sigh, that's my go signal.

"You're related to Gaud?"panimula ko.

Napansin ko ang pag-iiba ng reaksyon ng mukha niya.Tila nag-aalangan na siya ngayon.Maybe this wasn't the talk she's expecting.

"Oo, younger sister niya ako,"matapang ang boses na sagot niya."Middle child ako, si Kuya Gaud, ako, ta's si Mari."

"Akala ko si Mari lang ang kapatid ni Gaud, wala siyang naikukwento saamin noon na-"

"Nang mamatay ang kuya, ibinilin niyang idonate ang mga mata niya para saakin.I got blinded by an accident.It's my choice to hid myself, hiyang-hiya ako e.And no'ng time na 'yon, wala akong lakas para harapin ang nasa labas ng kwarto ko,"patuloy niya. "Salamat sa mga mata ni kuya, nakikita ko lahat ng bagay na naging madalim saakin sa loob ng ilang taon."

"May sinisisi ka ba sa pagkamatay ni Gaud?"

"Oo,"direktang sagot niya.

I let out a heavy sigh.In-expect ko rin 'yon.

SUBARA Where stories live. Discover now