Bahagyang tinabig niya ang kamay ko. "One billion, be my wife."

1 billion na offer niya? Hindi ko na kayang taasan pa 'yan! Wala pa akong ganiyang kalaking pera!

"Deal?" Tanong niya nang mapansing natigilan ako.

Dahil ayaw kong matalo ay pinakyuhan ko na lang siya. "Ito ka, get lost!" Itinulak ko pa siya dahilan para bahagyang mapaatras siya.

"Tangina." Malutong na pagmumura niya pero wala rin siyang magawa kung hindi ang mapilitang umalis sa harapan ko.

See? Ako pa rin ang panalo, wala pang gastos. Phew!

Bago siya maupo sa swivel chair niya ay sinamaan niya muna ako ng tingin.

Nakakainis pa naman, iniutos niya na ipagtabi ang table namin! Inalis niya rin ang design kong bulaklak sa table. Well, okay lang naman 'yong about sa design na flowers dahil bulok na rin naman 'yon. Ang hindi ko tanggap ay magkalapit kami ng table

"By the way, aalis na rin pala ako next month or maybe next week dito sa company."

Sumeryoso siya. "Why?" Malamig na tanong nito.

"Diba I told you naman na nag apply lang ako dito and gusto kong maging secretary because I'm bored." Ngumiti ako. "Aalis na ako dahil hindi na ako bored ngayon and nakakapagod palang maging secretary."

"Napagod ka pa, huh? Saan ka napagod, napagod kauutos?" Sarkastikong tanong niya. "Parang ikaw na nga boss dito. Tss."

"Oh, bakit? Inuutusan mo rin naman ako, ah!"

"Ginagawa mo naman ba ipinagagawa ko? Hindi rin, ako rin gumagawa ng iba." He rolled his eyes. "Utos ko gawa ko, ako ba secretary?"

Parang bata na ngumiti ako, he was right. Nang hindi na siya masyadong umaalis dito sa office ay itinambak ko sa kanya ang lahat ng trabaho niyang naiwan sa akin and pati na rin ang trabaho ko.

Kapag may iniuutos siya sa akin ay nagpapanggap akong nahihirapan at iuutos din ito sa kanya kaya ang ending ay siya na rin ang gagawa.

"Basta, aalis pa rin ako. Gusto kong magtry pa ng ibang work." Ngumiti ako. "Okay lang naman na umalis ako, right? Huwag mo na rin akong bigyan ng sweldo, I don't need that."

Hindi siya umimik kaya hindi ko alam kung payag siya o hindi pero ako naman ang masusunod dito. I don't care kung hindi siya payag.

Lumipas ang mga araw at ngayon na ang araw ng pag alis ko sa ZNT. Nagpaalam na nga rin ako kay Heirron last night, wala pa rin siyang imik.

"Heirron Vittorius Zantlorez, masaya akong makilala ka at maging boss ka. Sana ito na ang huling pagkakataon na magkakatrabaho tayo at magkakasama." Nagflying kiss ako sa kanya. "I'll see you never, sir."

Wala naman siyang sinabi, tinapunan niya lang ako ng malamig na tingin.

Ang weird niya nga, unang beses matapos kong sabihin na aalis ako ay naging cold na naman si Heirron at kadalasan ay wala siyang imik at palagi pang galit sa ibang employees kahit wala silang ginagawang mali.

Well, sabi naman ni Vicky ay ganito naman daw talaga ang boss niya noon pa. Siguro daw ay nagbalik na siya sa dating siya.

Natauhan ang santol.

"Aalis na ako Vicky. Don't worry kapag pareho tayong free yayayain kitang mamasyal!" Pampalubag loob ko dahil malungkot si Vicky ngayon. "Or kaya bibisitahin kita sa Belo o kaya panonoorin kita habang nagtataping para sa Wish Ko Lang!"

"Huh? Anong pinagsasabi mo Khassea?" Nagtatakang tanong niya.

"Nevermind!" I hugged her. "Take care always. I'll miss you!" Siya lang naging kaibigan ko rito sa company kaya malungkot din ako dahil hindi na kami masyadong makakapagsama.

After magpaalam kay Vicky at sa ilang nakasalamuha ko rito sa company ay nagtungo ako sa opisina namin ni Heirron. Walang tao dito kaya iniwan ko na lang sa table niya ang resignation at nagsimulang imisin ang gamit ko.

Matapos nito at umalis na rin agad ako sa company.

Ngayon ay nasa parking lot na ako at naglalakad papunta sa kotse ko dala ang mga gamit ko nang may yumakap bigla sa akin. Tinakpan niya ang ilong at bibig ko gamit ang panyo.

Nagpupumiglas ako. "Hmp!" Nabitawan ko na rin ang mga gamit ko dahil sa sobrang pagwawala.

"Shh." Pilit niya akong hinihila kahit na nagpupumiglas ako.

Ilang sandali pa lang ay nakaramdam na ako ng panghihina at pagkahilo.

Fvck.

Nang mapansin niyang sobrang nanghihina na ako ay inalis niya rin ang panyong itinakip niya sa ilong ko saka niya ako binuhat nang parang pang kasal. 

"Sorry but I need to do this."

Hindi ko man masyadong marehistrohan ang itsura niya dahil may nakatakip dito ay kilala ko naman kung sinong may ari ng boses na iyon.

"Z-zantlorez." Nanghihinang sambit ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.


Kidnapping Miss SecretaryWhere stories live. Discover now