"Pero seryoso, pansin mo ba kanina? Tinititigan ka ni Jace!" kinikilig na sabi niya. Umiling lang ako at uminom sa tubig ko.

"Baka kinikilala lang ako. Siyempre, katabi niya ako." simpleng sabi ko.

"Okay, sabi mo, eh." she smiled teasingly. Umirap nalang ako at tinuloy ang pag kain.

After eating, dumiretso na kami sa classroom kahit maaga pa. It's around 12:50, one 1:30 in the afternoon pa ang simula ng klase.

May mga ka-klase na kami doon pero ta-tatlo palang. Agad namang napangiti si Mindy nang makita kung sino sila.

Una kong nakita si Shiela na nag re-retouch ng make up niya habang may hawak na compact mirror. Sa tabi niya naman ay si Diane na busy na nagbabasa ng fashion magazine. Kasama din nila si Tessa na nagce-cellphone lang. Napatingin sila sa'min nang buksan namin ang pintuan para pumasok.

"Oh, early kayo ah!" bati ni Mindy. Ngumiti sa kanya si Diane. "Nag-aabang kami ng pogi."

Natawa nalang ako at linapag ang bag ko sa upuan ko. Nag suklay lang ako saglit bago lumapit 'kila Tessa at umupo sa tabi niya. Sumunod naman si Mindy at humila ng isang bakanteng upuan para makaupo sa tabi ko.

"May dala kang perfume, Elise? I left mine at home." tanong ni Shiela at inayos ang make up bag niya. Tumango ako at nginuso ang bag ko.

"Saan banda?" she asked and stood up. Sinabi ko kung saan banda kaya hinanap nalang niya doon. Napalingon ako kay Mindy at nakitang busy na siya sa pakikipag-usap kay Diane habang may tinitignan sila sa magazine.

"Cute si Jace, noh?" bulalas bigla ni Tessa na siyang ikinalingon namin.

"What? Totoo naman, eh." tumawa siya at hinarap sa'min ang screen ng cellphone niya. Napangiwi ako nang makitang Facebook profile na pala ni Jace ang narating niya.

"Patingin nga!" nagmamadaling sinara ni Shiela ang bag ko at tumakbo palapit kay Tessa.

"Oh, FB friend mo pala siya, Khaye?" tanong niya.

"Huh? Anong FB friend?" lutang na tanong ko. Kinuha niya ang cellphone mula kay Tessa at pinakita sa'kin.

"Ayan, oh. One mutual friend, Elise Monteverde." she said and pointed at the screen.

"Ah, oo." napatango ako kaunti.

"Speed ka, ah!" tumawa si Diane. Ngumisi naman si Mindy tinusok ang tagiliran ko gamit ang daliri.

"Ngayon palang kayo nagkakilala, friends na agad kayo sa FB! Baka mamaya, magka-follow back na pala kayo sa IG!" she laughed loudly.

Napahilot ako sa sentido ko at umiling. "Classmate ko siya 'nung elementary." I rolled my eyes dahil kung ano-ano nang issue nanaman ang naiisip ng mga 'to.

"Ay, talaga? Kaya pala." napatango si Diane. "Stalk niyo pa nga!" tumawa siya.

"Most of his posts are private. Profile picture lang ang makikita and story highlights. I sent him a friend request kaninang recess but hindi pa niya ina-accept." Tessa chuckled a bit and took her phone.

"Sa account mo, Elise! Stalk natin siya, dali!" excited na sabi ni Mindy at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko.

"Ano password, bestie?" she smiled sweetly.

"830274." umirap ako at sumandal sa upuan ko.  "Ayusin niyo ha! Baka mamaya may mapindot kayo habang inii-stalk niyo siya." humalukipkip ako.

"Ito, oh!" tumawa si Mindy at ipinagitna ang cellphone ko para makita naming lahat.

"He has so many shared posts!" tumawa si Shiela habang nags-scroll.

"Halla, may sister din pala siya!" excited na sabi ni Tessa at pinalo-palo ang braso ni Mindy.

"Halla, she's so pretty!!" malawak ang ngiting sabi ni Shiela at pinindot ang picture para mai-full screen.

"Check niyo 'yung ibang photos." singit ni Tessa. Napahilot ako sa sentido ko habang pinapanood nalang silang kiligin at mabaliw doon.

"Halla, Elise! Ikaw 'to, oh!" humalakhak si Tessa at in-open ang isang graduation picture ng batch namin 'nung grade six.

"Cute mo!" tumawa si Diane.

"Wait, balik tayo sa self photos niya!" tumawa si Mindy.

Parang inisa-isa nila lahat ng pictures ni Jace at nang magsawa ay ibinalik na ang cellphone ko.

"Okay na? Satisfied na kayo?" umirap ako at binulsa 'yun.

"Oo. Kaso si Mindy, aksidenteng na-like 'yung isang post niya!" biglang sabi ni Tessa. Napanganga si Mindy at tinakpan ang bibig ng kaibigan namin.

"Si Shiela kaya 'yun!" pagpasa niya.

"Anong ako? Elise, siya 'yung nakapindot." pagtatanggol ni Shiela sa sarili niya at hinila ang buhok ni Mindy. Agad namang tumawa si Diane at inawat sila.

"Anong post ba? 'Yung latest?" tanong ko at inirapan sila.

"'Yung post niya four years ago." ngumiwi si Mindy at nag peace sign. Napahilot ako sa sentido ko at nahiya na para sa sarili ko.

Baka mamaya isipin ni Jace na ako 'yung nang-stalk sa kanya tapos nakaabot ako sa oldest posts niya!

"Hayaan niyo na, nabawi naman kaagad 'yung react so baka hindi pa nakarating sa notifs ni Jace 'yun." Tessa laughed a bit. I sighed and nodded. Sana nga. Kasi nakakahiya talaga!

Nag kwentuhan nalang kami habang inaantay na magsidatingan 'yung iba naming mga kaklase. Puro si Jace pa ang topic kaya nanahimik nalang ako.

Nang mag bell ay nagsibalik na kami sa mga upuan namin. Nag cellphone nalang ako habang inaantay si Ma'am na dumating.

"Hey," napalingon ako nang umupo sa tabi ko si Jace.

"Hi!" I greeted and glanced at him for more than a second before looking back at my phone.

"You visited my Facebook profile, huh?" mahinang sabi niya pero sapat lang para marinig ko.

"H-Ha?" maang-maangan kong tanong. He chuckled a bit before shaking his head. He took his phone out and showed me a screenshot of a notification from Facebook.

'Elise Monteverde liked your photo.'

"Ano, uh... napadaan kasi sa newsfeed ko." I chuckled a bit.

"It's a post from four years ago, Elise." the side of his lips rose a bit, forming a smirk.

"Aba, malay ko! Basta biglang dumaan sa news feed ko! Si Facebook ang sisihin mo!" pwede din namang sila Mindy tutal sila ang nang stalk sa'yo.

"Okay, if you say so." he nodded but he didn't look like he was convinced.

"Totoo nga!" defensive kong sabi. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil doon.

"You can just admit that you were stalking me, Elise. Wala namang magagalit." he chuckled lightly.

"I wasn't stalking you!" I groaned. He laughed because of that. Binulsa niya ang cellphone niya at tumingin nalang sa harapan.

I rolled my eyes and crossed my arms. Bahala siya diyan! Ayaw niya maniwala, e'di huwag.

At teka nga, bakit ba sobra ko namang pinagtatanggol ang sarili ko? Hay nako, Elise. It's not even a big deal! Just forget about it already, gosh!

After We EndedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon