"Ma'am good morning po, meron pong mga tao sa gate at kayo po ang pinaghahanap. Ayaw ko sanang papasukin kanina kasi mukhang hindi niyo naman kilala at iba ang nararamdaman ko sa kanila"

"Yun ho ba? Baka naman po kakilala ko puntahan ko na lang po" sagot ko at akmang pupunta na sa gate ay pinigilan ako ni manang.

"Ma'am sigurado po kayo? Ako na lang po kaya, hindi naman sa baka may mangyayari sa inyo ng masama pero para na rin sa ikakaligtas iyo"

"Okay lang po manang, naka sunod naman po si manong guard sa likod ko" tinanguan lang ako ni manang at kami ni manong ay pumunta na ng gate.

When I opened the gate,I was surprised to see Jessan, Oliver and Keirt dressed in white.

"Oh! Uhm what you guys are doing here?"

"Kilala niyo sila ma'am?" manong guard suddenly asked me.

"Opo mga kaibigan ko po sila"

"Ay akala ko po kasi libing yung pupuntahan nilang tatlo kasi puro mga nakaputi. Pasensya na po kayo ma'am kung iba ang hinala ko sa kanila kanina"

"Ayos lang po, pero pwede niyo po muna kaming maiwan?" sambit ko kay manong na kaagad namang umalis ito.

"So guys, what are you doing here? Ang aga pa ah-"

"Birthday ni Jessan, Lia" Keirt cutted me.

"Oh! Happy birthday Jessan! Tuloy kayo" pag-aaya ko sa kanila pumasok ng loob ng bahay but Jessan unexpectedly hugged me.

"Pasensya kana sa mga sinabi ko sayo noong isang gabi Lia, ayaw naman kasi naming mawala ka ng maaga. May pakialam kami sayo dahil kaibigan ka namin lalo na ako at ikaw lang ang natatanging tao na totoo at bukal ang loob sa mga nakapaligid sayo. Ang hirap kayang maghanap ng isang katulad mo. Isang tao na pakialamera sa mga bagay pero in good ways ha! Nag jojoke ng corny pero sa huli pa namin na gegets, kaibigan na nagiisip muna ng sasabihin hindi katulad ko na chismosa. At higit sa lahat ikaw yung tipong kaibigan na hindi kayang manakit ng kapwa, sorry talaga kung nasabihan kita ng tanga ha! Huwag mong isipin yun kahit minsan ay may pagka loading ka pero hindi ka tanga ha!" then she held me once more, and I couldn't help but smile when manang appeared or was already here.

"Tara samahan mo kaming mag celebrate, timing naka puti ka din"

Suddenly my gaze focused on manang  na naalala ko ang binilin ni mommy sa kanya kanina.

"Ah eh I'm so sorry Jessan for hindi ako makapu-"

"Sasama siya sa inyo hija" biglang banggit ni manang na kinagulat ko naman.

"Hindi po ba't sabi ni mommy-"

"Sige na Lia sumunod ka na sa kanila. Ako nang bahala dito, ang babait ng mga kaibigan mo at hindi ka naman nila pababayaan. Huwag ka na ding bumihis ang ganda na yang damit mo at naka puti ka rin katulad nila. Magandang kaarawan nga pala sayo hija ha" she said and told Jessan.

"Salamat po manang, hindi po ba siya papayagn ni tita Irene umalis? Ayos lang po at-"

"Sige na hija umalis na kayo mag-ingat at enjoy kayo ha" manang cutted Jessan at tumungo na lang kami.

When we exited the gate and approached Oliver's car, I was holding Jessan's arms who was unexpectedly touched and noticed my bruise.

"Oh teh anong nangyare at may pasa ka?" tanong nito sa akin na bigla namang napaharap sila Oliver at Keirt sa amin.

"Nako wala yan, yung pintuan kasi kagabi pagdating kong bahay sa sobrang pagmamadali ko naipit"

"Hindi ka tanga ha! hindi ka lang nag ingat" sambit nito na napatawa ang dalawang kasama namin.

Wish Upon A Fading StarWhere stories live. Discover now