"Hi! I'm Astra Elise Monteverde. You can call me Elise... but please don't call me Eli." I smiled. I don't like it when people call me Eli, I find it weird.

"I'm 15 years old." I smiled a bit and sat down again.

"Okay, thank you! Nice to meet all of you." nginitian kami ni Ma'am. "Anyways, now, it's time to meet our transferee. Isa lang ang napunta sa section natin so I hope you can treat him nicely. Excuse me for a while." she smiled and went outside for a bit, mukhang tinawag 'yung bago naming kaklase.

"Hmm, sana gwapo!" hinawakan ni Mindy ang kamay ko, parang excited pa.

"Ang sabihin mo, sana masipag. Hassle kapag tamad pala tapos naging groupmate sa project." umirap ako.

"Basta, excited na ako! Sana talaga pogi!" maharot na sabi ni Mindy at inalog-alog pa ako, dahilan kung bakit nahulog 'yung ballpen na hawak ko kanina.

"Teka nga." tumawa ako at yumuko para pulutin 'yun.

"Girl, ayan na siya." pubulong pero ramdam ko ang excitement sa boses niya. Pumadyak-padyak pa siya kaya nasipa niya ang ballpen ko at napunta sa ilalim ng upuan. Napatampal nalang ako sa noo ko at tumayo na ng maayos para pulutin.

"Introduce yourself." rinig ko nang sabi ni Ma'am, siguro nakapasok na. Hindi ko 'yun pinansin at nagmamadaling pinulot nalang ang ballpen ko para makabalik na sa upuan ko.

Nang makaupo na ako ay napahawak ako sa ulo ko dahil nauntog pa ako kanina.

"I'm Jace." panimula ng isang pamilyar na boses. Agad akong nag-angat ng tingin at bigla nalang nalaki ang mga mata ko nang mamukhaan ko siya.

"Gwapo, sis!" kinikilig na bulong ng kaibigan ko at bahagya akong pinalo sa braso. Nakakailang palo na 'to sa'kin, ah!

"Sorin Jace Castuares." he said plainly and smiled a bit.

He never really changed, huh? Tipid pa'rin mga salita at ngiti?

"Oh, bakit ka natunganga? Aminin mo. Gwapo siya, 'di ba?" Mindy teased. Umiling nalang ako at umayos ng upo. Ibinalik ko ang tingin ko kay Jace at nakitang nakatingin din pala siya sa'kin. He nodded a bit before taking a seat at the back.

"Halla, tumango siya. Nakita mo ba?" gulat na bulong ni Mindy. Hindi ko nalang siya pinansin at tumahimik nalang.

"So, seating arrangement muna tayo and then orientation. Okay?" Ma'am Lena said and smiled. Pinatayo niya kaming lahat at pinapunta sa harap para makita niya ang height namin at makita kung saan kami pwedeng ipwesto.

"Elise, balik ka dito sa harap." sabi ni Ma'am at tinuro 'yung inuupuan ko kanina. Agad akong tumango at umupo doon dahil nangangawit na ako kanina pa.

Inayos ni Ma'am 'yung iba kaya pinanood ko nalang siya dahil wala naman akong ibang pwedeng gawin.

"Jace, hijo, you can sit beside Elise." biglang sabi ni Ma'am at tinuro ang bakanteng upuan sa tabi ko. Agad akong umayos ng upo at tumingin nalang sa harap.

"Hey," mahinang tawag ni Jace na kakaupo lang sa tabi ko. I looked at him and smiled a bit before looking away.

"Do you still know me? Classmates tayo 'nung first to sixth grade, 'di ba?" he suddenly reminded me. Tipid nalang akong tumango habang hindi siya tinitignan. Of course, I still know him!

Hindi na 'rin naman siya nagsalita pagkatapos 'nun kaya wala nang umimik sa'min hanggang sa matapos si Ma'am.

"So seating arrangement niyo 'yan this first quarter, okay? Sa second quarter, siyempre, magpapalit ulit but for now, ganiyan muna." she smiled. Nagsitanguan nalang kami at nakinig na sa mga sinabi niyang iba pa.

Ang schedule namin ay first subject, second, tapos break time. And then tatlo pang subject bago lunch break. Pero since first day ng school year, buong araw kaming walang gagawin at makakasama ang class adviser namin.

"Elise," tawag sa'kin ni Ma'am nang palabas kami ni Mindy ng classroom para mag recess.

"Bakit po?" I asked her.

"I just want to ask if you can tour your new classmate around the campus? Si Jace."

"Po?" tanong ko. Medyo nagulat ako doon ah.

"Ay, ma'am, mauna na po pala ako." biglang sabi ni Mindy at ngumiti ng malapad. "Elise, chance mo na 'to." makahulugang bulong niya pa sa'kin bago tumakbong umalis. Kung wala lang sana sa harap ko si Ma'am ay kanina ko pa tinampal ang noo ko.

"Elise?" tawag ulit niya. Ngumiti nalang ako at tumango dahil nakakahiya naman kung tatanggi ako.

"Jace!" tawag ni Ma'am kay Jace na nagse-cellphone lang sa upuan niya, mukhang walang balak lumabas para mag recess. May makakasama naman siya dito kung sakali dahil may mga mas gustong tumambay dito kaysa lumabas at pumuntang cafeteria.

"Yes, ma'am?" nag angat siya ng tingin.

"This is Elise. Seatmate mo siya, right?" Ma'am Lena smiled at him. "She'll be touring you around the school."

Tumango naman si Jace at tumayo para makalapit sa'min.

"Oh, maiwan ko na siya sa'yo, Elise. Don't worry, I'll credit you for this." mahinang sabi ni Ma'am sa'kin bago siya lumabas ng classroom.

I sighed and turned to look at Jace who I found was staring at me.

"Uh, let's go?" I asked awkwardly. He nodded a bit so I already went out of our classroom.

"This is the Junior high school building." tinuro ko ang building na pinanggalingan namin.

"This other building," tinuro ko 'yung ķatabi ng building namin. "Is for seniors."

Dinala ko siya sa may canteen at nilibot din siya saglit doon. Bumili din kami ng makakain namin para may makakain kami habang naglalakad.

"Do they have lemonade here?" mahinang tanong niya habang inaantay namin 'yung in-order kong milkshake.

"Yup, doon oh." tinuro ko kung saan may nagtitinda ng palamig.

Nang makuha ko na ang tubig at biscuit na binili ko ay agad ko siyang sinundan sa tindahan ng palamig.

"Okay ka na?" I asked him. He nodded a bit and sipped on his drink.

I toured him around the school's open field, basketball court, and other parts of the school. Hindi naman gano'n kalakihan ang campus namin kaya hindi kami masyadong napagod.

Nang mapadaan kami sa side kung saan may mga upuan na peedeng pagtambayan, inaya ko muna siyang maupo doon.

"Pagod ka na?" he asked. Tumango ako kaunti at ngumiti ng tipid.

"Pahinga ka muna. May ten minutes pa naman ang breaktime natin." parang walang gana pang sabi niya. Napanguso nalang ako at tumango.

Hindi pa'rin talaga siya nagbabago. Sobrang blank pa'rin niya. Parang walang facial expressions. Bihira ngumiti tapos kapag ngingiti, ang tipid. Sobrang cold niya pa magsalita.

I bit my lower lip and just sighed. Why am I even thinking about him and his attitude this much?

Sabagay, 'tour guide' niya lang naman ako ngayon.

After We EndedWhere stories live. Discover now