Chapter 10 - Farewell

Začít od začátku
                                    

"I'm sorry. I'm really sorry"

"Hey, come here"

Lumapit si Hannah at hinila naman siya ni Mark para umupo sa tabi nito.

"Wag mong sisihin ang sarili mo. Hindi naman ikaw ang gumawa nito sakin kundi yung nakaitim na babae"

"That black woman is following me since I was a kid! This is my entire fault! I should have stayed away from you! You nearly died in there!"

"But I didn't. Hannah, please. Stop blaming yourself. Hindi mo pwedeng palagi na lang sisihin ang sarili mo every time someone you love gets hurt. I kept telling you this but you never listened to me"

Umiling si Hannah at yumuko.

Iyak pa rin siya ng iyak.

"You do not understand. As long as you're with me, your life will be in danger"

"I don't care"

"I cannot tolerate that mark!" Tumayo siya at tumitig sa binata. "I'm sorry but I don't need you in my life. Ayokong maging responsible sa buhay mo. This is already a warning for me na kung hindi kita lalayuan, papatayin ka na niya talaga"

"Hannah...are you telling me----"

"OO MARK! Lalayo na ko! Aalis na ko dito sa Davao. Iiwan ko na yung buhay ko dito. You won't see me ever again, I'll make sure of that. Pasensya na kung nahirapan ka pa dahil sakin pero ito na lang yung choice na meron ako para iligtas ka. I'm really sorry"

"No. NO HANNAH! DON'T! Please pagisipan mo muna ito! Wag kang magpadalos-dalos!"

"Goodbye Mark"

Tumakbo agad si Hannah palabas ng hospital room.

Rinig na rinig niya ang mga sigaw ni Mark.

Nagwawala ito kung kaya't tumakbo papasok ang mga nurse sa loob.

Dire-diretso naman na tumakbo si Hannah papunta sa hagdanan.

Ngunit natigil siya ng makita niya ang isang lalakeng butas ang ulo na naglalakad paakyat.

Tinignan lang siya nito na para bang normal na tao lang ito.

Nanlamig si Hannah dahil alam niyang patay na ito.

She closed her eyes ngunit pagmulat niya ay nandoon pa rin ang lalake.

Nagmadali siyang lagpasan ito kahit na nanginginig na siya sa takot ngunit pagdating niya sa baba ay halos mapaupo siya sa gulat.

Dalawang batang babae ang nakairap sa kanya.

Magkahawak ang mga kamay nito at mukhang galit na galit.

They suddenly shouted with sharp voices which made Hannah shout too.

Sa takot niya ay napasigaw siya at tinakpan niya ang tenga niya gamit ang mga kamay niya.

"HANNAH! HANNAH ANAK!"

Natigil bigla ang mga sigawan ng naramdaman niya ang kanyang ina sa gilid niya na inaalog siya.

"What is it?"

"I s-saw someone. T-they're both d-dead and they l-look angry at m-me"

"Umalis na tayo dito. Delikado ka dito, madaming kaluluwang gumagala sa hospital. They'll go near you because they know you can see them. That you can hear them"

Inalalayan na siya ng kanyang ina papunta sa may labas ngunit nag-faint bigla si Hannah.

Parang hindi siya makahinga ng saglit.

Napaluhod siya at narinig niya ang kanyang ina na sumigaw ng malakas ngunit pagkatapos ng ilang segundo ay humina ang mga boses sa paligid niya.

Parang dumilim din at ang tanging narinig niya ay mga umuungol.

She opened her eyes and saw a lot of feet. Madudumi ang mga paa nila na para bang kakaahon lang sa putik.

Tumingin siya sa mga mukha ng mga taong iyon at lahat sila ay palapit ng palapit sa kanya.

Madaming mga dugo ang mga mukha nila at ang iba ay sira-sira pa.

"Help us! Help us Hannah! Help us!" They all said in different voices.

"I can't. I don't know how" Bulong ni Hannah bago siya bumagsak ng tuluyan.


-----------------------------------------------------

May booksigning nga po pala ako sa SM Fairview, bukas April 11 2015!

Registration starts at 10 am :) Hope to see you there! 

Xoxo, the forever dyosa,

Nerdyirel ♥

Lost Soul (Soul Series Book 1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat