"Bakit? Ngayon ba hindi?" anito na tinitigan siya sa mga mata. "How can you be so dumb, Gregor? Iyan ba ang paraan mo para parusahan ang sarili mo?"

"Yeah...? No...? I honestly don't know. I stopped thinking," sagot niya na tinungga ang laman ng kanyang baso.

"Akala ko talaga kayo na noong nakita ko kayo sa beach. You clearly love each other--"

"Oh, please stop, Timber. Tama na. I mean it."

"Magiging ganyan ka na lang--"

"Stop it!" Gregor roared as he hit the metal table!
Napaigtad tuloy si Timber sa gulat, maging ang ibang naroon ay napatingin din sa kanila. "...I'm sorry...please..." bulong niya pagkatapos. Napabuntong-hininga na lamang ang kasama.

***

8 months later
Los Angeles

"Babe, aren't you going to bed?"

Napangiti si Ruki nang maramdaman ang yapos ni Rei mula sa likuran. Tinanggal niya ang suot na eyeglasses at inilapag sa mesa, tiningala ito.

"Kailangan kong tapusin ito, para sa portfolio ko. Mauna ka na lang." Nakalatag ang mga papel at lapis sa kanyang paboritong mesa, kinukompleto niya ang kanyang portfolio dahil plano niyang mamasukan sa isang furniture store sa LA bilang regular employee.

"Hmn, okay. Do you need anything? Milk?"

"Please?" aniya.

"Sure thing!" saad nito na nagpunta sa kusina. Mayamaya lang ay tangan na nito ang isang baso na may lamang puting maiinom.

"Thanks," aniyang inilapag ang baso sa tabi. "Matulog ka na. Maaga ka pa bukas sa trabaho." Si Rei naman ay nakahanap ng magandang posisyon sa isang marketing company.

For the past one year, walang naging problema ang pamamalagi nila sa Amerika dahil na rin sa tulong ng ilang kapamilya nito at ilang mga kaibigan na naroon din. Ang ina ni Rei--kahit noong una ay kakitaan ng pag-aalinlangan sa kanilang relasyon--ay wala na ring nagawa kundi ang sumuporta lalo na noong sinabi ng anak nito na pupunta sila ng LA para magpakasal. She has been a lovely mother in law.

"This is the best place for us, Ruki," Rei said with a smile in his lips. The very same words he heard from a man in tears. How ironic.

"Goodnight, babe. I love you." Hinalikan nito ang kanyang noo.

He smile. "Me too."

Nang makapasok ang asawa sa kuwarto ay muling isinuot ni Ruki ang kanyang salamin. Inumpisahang muli ang pagguhit. Lumipas ang kalahating oras ay nangalay ang kanyang balikat kaya hinubad niyang muli ang salamin at inilapag. Tumayo para mag-inat, hinilot-hilot ang mga balikat. Habang ginagawa iyon napansin niyang nakabukas ang pintuan palabas sa veranda. Kaya pala lumalamig ang kanyang pakiramdam dahil nakakapasok pa ang hangin mula sa labas. Habang hinihilot-hilot ang balikat ay tinungo niya ang pintuan para sarhan ngunit napatigil siya nang makita ang isang bintana ng kaharap nilang building. Mula roon ay tanaw ang isang lalaking nakaupo sa isang stool at may kaharap na mikropono.

Nagka-karaoke? Mukhang hindi. Ang mikropono nito ay may stand. Kaanyo ng nakikita niya sa TV. Nagpa-practise yata ng kanta. Ano'ng oras na ba? Hindi ba bawal iyon at baka makabulahaw?

I swear to God, when I come home
I'm gonna hold you so close
I swear to God, when I come home, I'll never let go

Pamilyar sa kanya ang kinakanta nito kaya naglagi pa siya ng kaunti.

And I need you to know that we're
Fallin' so fast, we're fallin' like the stars, fallin' in love
And I'm not scared to say those words
With you I'm safe, we're fallin' like the stars, we're fallin' in love

Dahil sa narinig ay tila may sariling buhay ang kanyang katawan, napatingala siya sa kalangitan. Hindi niya mawari kung bakit unang dumapo ang kanyang paningin sa pinakamaliwanag na bituin.

'Falling like a star...'

Napangiti siya nang matitigan ang bituing iyon, na tila sa pamamagitan ng pagbigay ng ganoong klaseng sinag ay nagsasabi na kahit malayo siya, nakikita pa rin siya nito. Naroon lang palagi, para sa kanya.

Ruki didn't falter when he felt a burning sensation in his eyes. He let the tears flow when it can no longer bear the weight. Sa pagdaan ng mga panahon, pilit niyang kinalimutan ang lahat ng hindi masasayang alaala. Just what 'that man' said. Move on and delete the past. Ngunit hanggang sa mga oras na iyon, naroon pa rin ang bigat sa kanyang dibdib, walang nagbago, hindi nabawasan. Sadyang nasanay na lamang siya na pasanin iyon sa araw-araw. Ngunit kapag buksang muli ang kanyang diwa, nanunumbalik sa kanya ang
lahat lahat. And just like this silent night, he finds himself drowning in tears.

Philippines

"Ipasok mo na 'yan at baka masapak ko na naman!" utos niya sa kasama.

Bakit ba may nangangahas pa ring mangloko ng kapwa para sa kapiranggot na halaga kahit alam ng mga ito na parusa ang makukuha?

"Sinisira ang gabi ko."

Narindi ang tenga niya sa ingay ng tili ng babaeng biktima kanina habang sinasapak nito ng bag ang suspek sa mukha. Ang nakuha, isang mumurahing celphone na pink unicorn ang silicon case. Iiling-iling siyang lumabas ng prisinto, nagsusumamo ang baga niya ng nicotine kaya magsisindi muna siya bago ipagpapatuloy ang paggawa ng report.

Sa tahimik na sulok ng presinto siya nakahanap ng puwesto. Nakaharap sa bakod, nakahilig sa pader ng building. Pinuno niya ng masangsang na usok ang baga, saka bumuga sa ere. Sa pagsunod niya ng tingin sa sumasayaw na usok ay nahagip ng kanyang paningin ang kalangitan. Nababalot ito ng nagkikislapang mga bituin na tila buhangin sa isang misteryosong dalampasigan. Iginala niya nang bahagya ang mga mata at hindi siya nahirapang hanapin ang nais makita. Dahil sa angking liwanag nito, namumukod-tangi ito sa iba. The Dragon's heart.

Napangiti siya.

Siya lang naman ang nagbigay ng ganoong pangalan. Hinango lamang niya sa napanood na sikat na pelikula. Subalit may isang mahalagang alaala ang kalakip sa bituin na iyon. Alaala ng isang tao na nagbigay sa kanya ng nakasisilaw na liwanag.

'Ano'ng ginagawa mo ngayon? Masaya ka ba?'

Wala sa loob na dinama niya ang sariling leeg, inapuhap ang bilugang bagay na nakalambitin roon. An oval shaped colorless stone reflected the light, and a thin beam of radiance drew in the air.

Para saan pa na binili niya ang singsing na iyon kung sa loob ng mahabang taon ay hindi man lang ito mapagmasdan o mahawakan ng taong pagbibigyan? Iyon ang laging tanong niya sa sarili, at dahil hanggang ngayon ay wala siyang maisagot, napapailing na lamang siyang muling napangiti.

'Siyempre masaya ka.'

Pinuno ni Gregor ng sariwang hangin ang baga saka marahang pinakawalan. Pagkuwan ay tinitigan ang ipit na sigarilyo sa dalawang daliri saka pinitik sa hangin. Dumapo ang nakasindi pang sigarilyo sa lupa.

'So much for memories.'

Hindi na siya nag-aksaya ng panahon na pawiin ang apoy niyon, at piniling pumasok na sa loob ng presinto.

WAKAS

*Hindi po magkaparehang sandali ang nangyari sa kanila since magkaiba po ang time zone ng dalawang bansa. Sana po ay nag-enjoy kayo sa kuwento. Maraming salamat sa pagbabasa, likes and comments! Ang saya ko po habang nagbabasa. Hanggang sa muli!♥️

COMPLETED His Manly Bride: The Forbidden Series 3Where stories live. Discover now