Sumagot naman si Miguel habang isa-isang pumasok sina Elmondo, Shenara, Flen at ang tatlong pulis, “Baka inaatake siya ng PTSD. Kadalasang nagkakaruon ng Post Trumatic Stress Disorder ang mga katulad niyang biktima ng krimin.” Pinatay na ng ditikteb ang voice recorder at lumayo sa direktor. “Sino bang kayang magpakalma kay Auriga?”

        Mabilis na lumapit si Malcolm sa direktor, umupo siya sa kama at niyakap siya nang mahigpit,“Auri. Hussshh! Nandito kami. Ligtas ka na.”

        Nanginginig ang direktor, humina na ang boses niya ngunit patuloy siyang nakatulalang nagmamakaawa na 'wag siyang saktan. Naluluha siyang tinitigan ni Shenara. Inakbayan ni Swyrie ang kapatid at hinimas ang kanang braso niya.

        Si Elmondo naman ay kumuyom ang mga kamao, “Magbabayad ang gumawa sa iyo niyan, anak. Isinusumpa ko sa puntod ng mama mo, makukulong siya.”

       Humiwalay ng yakap si Malcolm, hinimas niya ang braso ng nobya at maamo siyang tiningnan, “Auriga.. ... Babe, pakiusap. Makinig ka. Ligtas ka na. Nakikiusap ako, tumingin ka sa akin!”

       Kumurap ang mga mata ng direktor, naluluha niyang tiningnan ang nobyo na malungkot siyang tiningnan, “Malcolm, papatayin niya ako! Umalis na tayo dito. Papatayin niya raw ako!”

      “Sushh!”sabi ng lalaking may pekas ang muka. Niyakap siya ni Malcolm at hinimas ang buhok. “Magiging maayos ang lahat. Mahuhuli siya ng mga pulis. Hindi ka na niya masasaktan. Nandito kaming lahat, babantayan ka namin.”

  - - - - - - - - - - - - - -

         “Anong nararamdaman mo? Tatawagin ko ba ang doktor?”tanong ni Malcolm nang magising si Auriga sa tatlong oras na tulog. Nakaupo siya sa upuan na inupuan ng ditikteb at ng ama ng kasintahan.

          Nilibot ni Auriga ang paningin, sila na lang ni Malcolm ang nasa silid. Nagamot na ang sugat ng nobyo. May band aid sa kanang kilay niya. May gamot ang putok na labi. May binda ang mga kamao niya at may dugo ang mga binda.

          Umiling siya sa tanong ni Malcolm, “Maayos na ako. Nasaan silang lahat?”

          “Kinausap sila isa-isa ng ditikteb sa bakanting kwarto na nasa ikatlong palapag ng ospital. Nagpaiwan ako. Nagpahuli ako para samahan ka.”

           Inayos ng direktor ang pwesto niya sa higaan. Sumandal siya sa unan at nakayukong pinaglaruan ang mga daliri,“Patawarin mo ako. Nawalan ako ng kontrol sa sarili ko. Na—” Nanginginig ang labi ni Auriga at naluluha siyang tumingin kay Malcolm.

           Malungkot na ngumiti ang lalaking may pekas sa muka. Tumayo siya at umupo sa kama ng nobya. Hinawakan niya ang kamay ng direktor at malambing na nagsalita,“Ayos lang. Nauunawaan ko. Gusto mo bang pag-usapan natin ngayon?”

           Lalong nalukot ang muka ni Auriga. Ano bang ginawa niya upang bigyan siya ng Diyos ng lalaking katulad ni Malcolm? Pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat na mahalin ng kagaya ng pagmamahal na binibigay ng nobyo. Lalo na't no'ng una ay ang balak niya lang naman ay gamitin ang lalaking may pekas sa muka upang mahinto ang inakala niyang pagkamatay ni Shenara.

          “Uy!” tawag ni Malcolm, hinaplos niya ang pisngi ni Auriga,“Anong iniisip mo? Naalala mo ba ulit ang kriminal?”

          “Mahal mo ba talaga ako?”tanong ng direktor.
          
          Natigilan si Malcolm sa tanong. Kumulubot ang noo niya. Makintab ang mga mata na nilapit ang muka sa direktor at huminto, dumampi ang hininga ng nobyo sa namumutlang labi niya at pumikit siya bago tuluyang maglapat ang labi nila. Nakapikit na diniin ni Auriga ang labi sa malambot at mapulang labi ng kasintahan. Saglit silang naghiwalay, binasa ng direktor ang labi niya. Bumilis ang tibok ng puso nang muling magdikit ang mga labi. Hinawakan ni Malcolm ang leeg ni Auriga, ang direktor ay humawak sa bewang niya. Hinugot niya ang buong lakas upang pigilan ang sarili na itaas ang t-shirt ng kasintahan at haplusin ang matipunong katawan ng lalaki.

Eventide Interference Where stories live. Discover now