Oo nga pala, maldita at mataray ako sa grupong ito. Palaging naka simangot pero sa kaibigan at pamilya lang ako panay ngiti.
"Sus, people change! Sa'yo lang 'yan hindi naapply. Kasing manhid mo ang pangalan mo, Ice." Singit ni Matt. Well, si Matt yung tipo ng tao na pinapagaan ang mood. But wait, I smell something about those two.
"Matt pero bobo sa math amputang taong 'to." Tinaasan ng kilay ni Eislyn si Matt.
"Kasalanan ko ba Matt pangalan ko?" Matt.
"Bakit? Kasalanan ko din ba na Ice-lin pangalan ko? Oh diba! Quits, dude! Quits!" Eislyn.
"Bakit ka ba kasi manhid?" Matt.
"Pinagsasabing mong bobo ka?" Eislyn.
"Bagay kasi talaga pangalan mo sa pagiging manhid mo eh." Matt.
"Bakit ba?! Gusto mo ba ako?! Amputa nakakadiri if ever Matt. Hindi ko nakikita sarili kong nakikipaglaplapan sa'yo! Yuck!" Eislyn.
"Ewan ko sayo, Ice." Matt.
"Mattangina." Eislyn.
Tila ba pa left and right vice versa ang mga ulo namin sa sagutan nila. Kaibigan ko ba talaga 'tong si Eislyn? Ang manhid manhid niya. Ngayon ko lang nakitang ganito kung makatitig si Matt kay Eislyn, kasi noong maayos pa ang lahat ay parang mga aso't pusa sila but now... lumambot na siya kay Eislyn.
"Matt likes Eislyn," Bulong ni Tricia sa akin.
"Pansin ko nga." Sagot ko.
"But he liked you before you were friends." Napaubo ako sa sinabi niya. Ano? Manhid din pala ako noon. I admit, bagay nga kaming maging best friend ni Eislyn.
"I never did." Sagot ko naman. Parang kiniliti sa demonyo si Tricia kung tumawa kaya napansin nila kaming dalawa.
"Oh my gosh, Matt! Basted ka pala talaga kahit anong ikot ng mundo!" Tawa ni Tricia. Nagulat si Matt sa sinabi niya at pinagtanggol ang sarili niya.
"Hoy, gago! Pinagsasabi mo Trish! Wag kang maniwala sa kaniya! Crush crush lang yun kaya ako nakipag kaibigan sayo pero nawala din ka agad kasi napaka maldita mo eh." Tanggol ni Matt.
"Wow ah? Na turn off ka pala. Over my beautiful face?" Tinarayan ko siya. "But seriously, kung ano mang tinatago mo Matt sabihin mo na."
"Ang alin?" Singit ni Eislyn.
"Manhid!" Sabay naming sigaw ni Tricia kay Eislyn.
"Teka nga! Ikaw diba topic natin dito? Bakit ka andito? Sa school tsaka Pilipinas?" Turo ni Eislyn sa akin.
"Wala na si Mommy." Sabi ko. Agad na nawala ang ngiti sa mga labi nila.
"S-si tita?" Gulat na tanong ni Eislyn. Close ang mga kaibigan ko sa pamilya ko kaya't ganito sila maka react..
"Kailan pa? B-bakit hindi mo kami sinabihan?" Tanong ni Tricia at yumakap ulit sa akin para umiyak. "Sorry wala kami. Sorry."
"Fuck, si tita.. Sorry.." Tanong ni Matt. Napahilamos siya sa mukha niya para takpan ito.
"She died yesterday. Kaka vigil lang namin kanina." Kanina pa ako umiiyak, kagabi kamo, kaya siguro wala ng luhang lumalabas kahit sobrang sakit.
"Hindi namin alam anong nangyayari sa pamilya mo pero lagi mong tandaan na andito lang kami ah? Best friends tayo dapat sabihin mo lahat ng sakit o lungkot. You can trust us, Flame." Hahawakan na sana ni Eislyn ang kamay ko na nasa lamesa nang biglang tinuro ang nasa harap ko. "Uod diba yan? New species?"
Agad kong tinignan ang nasa harapan ko. Kasalukuyang kinakain ng uod ang burger ko. Ang uod na kinakatakutan kong makita muli. Bumilis ang paghinga ko dahil sa takot at hindi na ako nagpatumpik tumpik pang kunin ang kutsilyong nasa tabi ni Matt at agad itong pinatay. Pinagtataga ko ito na para bang isang baboy.
"Flame..." Tawag nila sa akin pero hindi ko sila pinansin, nagpatuloy lang ako sa pagtataga ng uod. Dahil maliit ito hindi ito nagsitalsikan ang dugo.
Paano 'to nakarating dito? Sinundan ba kami? Gumapang ba ang uod sa akin habang nakahawak ako sa pinto? Si Ate Andrea, galing siya sa loob noong naging halimaw ang kaklase niya! Hindi kaya'y sumama ito sa kaniya? Paano kung marami ito?
Tumigil ako.
"Shit.. shit..shit.. I should have never come here." Sabi ko at napatayo. Agad na hinawakan ni Tricia ang kamay ko para pigilan.
"Flame, what happened? Ano yun?" Tanong niya. Sasagot na sana ako ng may narinig akong ingay....
Sa di kalayuan may nakita akong isang lalaking nakatayo at sumisigaw.
"AAAAGGHH!" Sigaw nito na para bang may kung ano ang nasa loob kaya parang kating-kati ito. Napansin din ng mga kaibigan ko ang ingay kaya napatingin sila dito.
"AHHH!"
"WHAT THE FUCK IS THAT?!"
****
Vote and Comments are highly appreciated!
Eislyn and Tricia are girls while Matt is a boy.
May gusto si Matt kay Eislyn simula noong nawala si Flame.
Matt liked Flame before sila naging bff—the reason naging bff sila. Isang linggo lang nakaya ni Matt na magka crush kay Flame kaya inuncrush niya na at nagpatuloy as bff sa kanilang tatlo girlies. No malisya just friends.
#HARwego!
Chapter 2: See them again
Start from the beginning
