"It's ok to cry." Sabi ko.
"P-patay na ba talaga sila?" Tanong niya.
"Once a monster, it won't go back to being normal." Sagot ko. Lies.
"This is just a dream, right? Right?" Tanong niya. Hindi na ako tumingin sa kaniya. Sana nga panaginip lang 'to.
Bumuntong hininga siya at tumayo.
"Magbibihis muna ako." Aniya at umalis na.
Napahikab ako dahil sa pagod. Alas singko na ng hapon at wala pa akong tamang tulog simula kahapon. Pagod na pagod ang katawan ko, mentally at physically.
Nilagay ko sa tabi ang pagkain ko para ilagay ang ulo ko sa lamesa. Pinikit ko ang mga mata ko at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
***
"Tangina, siya talaga yan! Sure ako. Promise to God!"
"What if hindi?"
"Sabing oo eh, diba Tricia eto pabango ni Flame?"
"Yanga, siya talaga yan Matt."
"Eh paano? Ginhost tayo niyan. Akala ko ba pag makikita natin ulit hindi natin papansin?"
"Oo... Pero miss ko na siya eh."
"Ulol, ikaw pinaka galit sa atin noon eh."
Naalimpungatan ako dahil sa ingay. Walang gana akong umupo ng maayos para inunat ang aking mga braso. Nang binuksan ko ang mga mata ko ay nagulat ako ng makita ang mga kaibigan ko.
"F-flame!" Sabay nilang sigaw at dali-dali akong nilapitan para yakapin. Maypa iyak effect pa si Eislyn at Tricia. Si Matt naman ay ngiti-ngiti lang na nasa harapan namin nakaupo.
Kumalas na sila sa yakap.
"S-saan ka ba g-galing. Bakit mo k-kami iniwan." Naiiyak na sabi ni Tricia habang umuupo sa gilid ko para yakapin ang braso ko. Tricia is the iyakin of our group. Kumbaga baby namin siya lalo na't bunso siya sa amin.
"Ayan kasi Apoy, bumalik ka pa, umiyak yan tuloy." Pa snob na sabi ni Eislyn na nakaupo na sa tabi ni Matt. Eislyn is the prangka mag-salita of our group, ratat kung ratat ang bibig nito. Kung mabaho ang hininga, hindi siya mahihiyang sabihan ka. She's not plastic pero hindi marunong magsinungaling. Parang ngayon lang. Kaka iyak lang niya habang nakayakap sa akin kanina. At tsaka kung may contest sa oabilisang madistract, panalo 'to.
"Sorry." Tipid kong sabi sa kanila na puno ng katapatan.
Hindi nila alam anong nangyayari sa pamilya ko. Ang alam lang nila ay may sakit ako—actually sakitin talaga ako— kaya palagi akong umaabsent sa klase. Nung pumunta ako sa new york, hindi ko sinabi sa kanila instead alam nilang lahat na may sakit ako. Bumisita yata sila sa bahay ko kaya nagalit sila sa akin dahil hindi na ako nagpakita o nagpaalam sa kanila.
"Isang taon, Flame. Akala namin patay ka na, mabuti at pinuntahan namin ang bahay niyo kung nasaan ang kuya mo at sinabi ang tungkol sa pagpunta mo ng New York. Bakit ka ba lumipat doon? May nagawa ba kaming masama? Sobrang gago na ba namin?" Tanong ni Eislyn.
"Hindi, may problema lang sa pamilya namin." Sagot ko at pilit na ngumiti.
"Ayan oh, ngumingiti ka na pero plastic. Malditahin mo naman kami." Aniya.
Chapter 2: See them again
Start from the beginning
