"Good. As crazy as this sounds, I think I know what those monsters are. The important thing is wag na wag kayong magpakagat ng mga halimaw na 'yan o di kaya mapatakan ng mga dugo. Also the butterfly, kill it before it attacks you—" Natigil ako ng dumating na si Kuya Wayne. May dala itong maliit na tank na may hose.
"Tulungan niyo ko, Dustine buksan mo ng kaunti ang pintuan, Flame tulungan mo siya, Andrea ipasok mo ang hose sa loob at ako naman ang magbibitbit nito. Takpan niyo ang ilong at bibig niyo baka makatulog din kayo." Sabi ni kuya Wayne.
"Wait, wait, saan mo yan nahanap?" Tanong ni Ate Andrea.
"Mamaya na ang tanong! Tara na!" Utos ni kuya kaya agad kaming pumosisyon. Nasa isang pintuan ako nakahawak para pigilan na mabuksan ang pinto habang si Kuya Dustine naman ang bumubukas sa kabilang pinto ng maliit.
"Andrea, bilis!" Sabay na utos nila Kuya kay Ate. Tarantang ipinasok ni ate Andrea ang hose at nagawa niya ito, si kuya Wayne naman ay nabibigatan sa hawak niya tank. Maliit lang ito pati ang hose kaya siya ang may hawak.
Tinakpan namin ang mga ilong namin s atakot na makalanghap ng usok lalo na't may ibang usok ang tumakas.
Tatlong minuto ang nakalipas ay naramdaman naming wala ng malakas na pwersa ang sa pinto kaya agad akong tumingin sa loob at nakita kong nakatulog na nga ang lahat. Umaabo sa loob kaya mahirap tignan kung nakatulog ba ang lahat pero base sa katahimikan ay parang nagwakas din kami sa huli.
Dahan-dahang inalis ni ate Andrea ang hose sa loob agad namang sinara ni kuya Dustine ang pinto at si kuya Wayne ay nilagay ang tank sa sahig dahil sa ngalay.
Hindi na ako nagpahinga saglit, kinuha ko ang broomstick sa gilid kaya agad kong nilagay ito sa pinto. Nilock ko din ito baka may mangyari pa.
"1 hour," Napatingin sila sa akin. "Isang oras lang ang itatagal nila sa pagtulog at magigising din sila. It's better to call help, lalo na sa mga doctor at mga police —No, it's better kung sundalo—No! It's even better kung papatayin niyo nalang sila. What if kakalat ito katulad ng gusto niya? Hindi maari. Look, they're a monster, they're already dead kaya patayin niyo nalang kaysa lumala pa ang sitwasyon. Hindi natin alam baka ito ang magiging dahilan sa katapusan ng mundo at.. at.. ako..."
"Flame..." Nag aalalang sabi ni kuya at lumapit sa akin para hawakan ang kamay ko. Nanginginig na pala sa ako sa takot. Hah, what do I expect? Encountering them again.
"Tumawag nalang muna kayo ng tulong, kuya. Sa canteen muna ako, nagugutom ako eh." Ngumiti nalang ako kay Kuya at akmang maglalakad na palayo dahil sa hiya.
"Samahan na kita," Sabi ni kuya. Umiling ako.
"Ako nalang," Napatingin ako sa nagboluntaryo, si Ate Andrea pala. Hindi na ako umimik at naglakad na. Sumunod pala siya sa akin.
***
Pagkarating ko sa canteen ay bumili lang ako ng maginaw na juice at isang burger. Hindi kami nag iimikan ni ate Andrea, nakatulala lamang siya.
"Ate Andrea, ok ka lang?" Tanong ko. Agad siyang umiling-iling at ngumiti.
"H-huh? O-oo naman, ok lang ako. It's just that... Kanina..." Bumuntong hininga siya at mas lalong napaisip. Pumatak ang luha niya. Hinimas-himas ko ang likod niya para pagaanin ang loob niya. I know how that feels.
Chapter 2: See them again
Start from the beginning
