PROLOGUE

586 25 1
                                    

"Ano Stephanie? G ka ba this coming Sunday?" ani Janella na may hawak pang ballpen at papel dahil kung saan-saan na lamang ito nagsusulat ng story outline basta may pumasok sa utak niya. Janella Angela 'Jana' Santos-dalawangpu't apat na taong gulang at isang writer. May tangkad na 5'6, kulay tsokolate ang mahaba at wavy nitong buhok, may magandang hubog ng pangangatawan, maputi, medyo chinita, kissable lips at matangos ang maliit nitong ilong.

"Kailangan ko ba talagang sumama sa inyo? Medyo tinatamad kasi talaga ako." Walang kabuhay-buhay na wika ni Stephanie habang abala sa pag i-scroll sa kaniyang cellphone. Stephanie Louise 'Tiffany' Dollente-dalawangpu't dalawang taong gulang at isang vlogger. May tangkad na 5'2, bilugan ang kulay itim na mga mata, maputi, kulay mamula-mula ang mahaba at medyo kulot nitong buhok, may magandang hubog ng pangangatawan, mamula-mula rin ang kaniyang labi kahit hindi na gumamit ng lipstick o liptint at may katamtamang tangos ng ilong.

"C'mon Tiffany, 'wag ka ng KJ hindi bagay sa'yo. Alam naman namin na kating-kati ka na rin na mag out of town." Natatawang sabat ni Scarlet na naupo pa sa tabi ng kaibigan. Scarlet Cecelia Vargas-dalawangpu't limang taong gulang at isang aspiring film maker. May tangkad na 5'5, attractive ang cat-like nitong mata, maputi, may magandang hubog ng pangangatawan, katamtaman ang tangos ng ilong, kissable lips at kulay itim ang patong balikat nitong buhok."Sige na Tiffany, sumama ka na. Isa pa, need ko rin support mo 'no para sa short film na pinaplano kong gawin. And beside, puwede ka rin mag-vlog doon." Muling pangungulit ng dalaga sa kaibigan.

"Wala ako sa mood na gumala. May video pa akong kailangan tapusin na i-edit bago i-upload sa YouTube. Alam naman ninyo na may tinatarget akong views at number of subscribers 'di ba?" Mahinahong wika ni Stephanie.

"3 to 4 days lang naman tayo sa Isla Tiffany, at hindi lang naman basta pag gagala 'to. Nakasalalay dito ang research na gagawin ni Noel para sa article na isusulat niya at sa short film na gagawin ni Scarlet. Siyempre, as their friends dapat full support tayo," sabat ni Eugene na as usual ay bitbit na naman ang gitara nito. Eugene Kim Boromeo-dalawangpu't limang taong gulang at isang gitarista ng isang indie band na madalas tumutugtog sa mga kilalang Bar, Restuarant at ilang event sa mga Malls. May tangkad na 5'8, kulay itim ang undercut hairstyle nitong buhok na bagay lamang sa oval shape nitong mukha, may matipunong pangangatawan dahil na rin sa madalas na pag gi-gym, kayumangi ang kulay ng balat, matangos ang ilong, medyo makapal ang kilay at may nakaka-akit na almond shape na mata.

"Puwede naman ako maging supportive friend na hindi ako sumasama sa inyo e. Saka ano ang sabi mo? Isla? Sa Isla tayo pupunta? Nagpapatawa ba kayo? Anong malay natin kung anong meron sa Isla na 'yon?" Giit ni Stephanie.

"Bahagi nang pananaliksik na gagawin ko ang alamin ang araw-araw na pamumuhay ng mga taong nakatira sa Isla o malapit sa dagat, ano ang kanilang ikinabubuhay maliban sa pangingisda." Mahinahong paliwanag ni Noel at agad naman napatango-tango sina Eugene, Scarlet at Janella bilang pag sang-ayon. Noel Christian Villanueva-dalawangpu't limang taong gulang at isang aspiring journalist sa isang pribadong kompanya. May tangkad na 5'8, maputi, may matipunong pangangatawan, matangos ang ilong, medyo chinito at parehas lang ang hairstyle nilang dalawa ni Eugune kaya madalas silang tawaging kambal ng mga kaibigan.

"Sige na Stephanie, sumama kana please. This will be fun kapag sumama ka, ayaw naman namin umalis na hindi ka kasama. Hindi buo ang tropa kapag wala 'yung pandak." Pang a-asar pa ni Janella dahilan upang samaan siya nang tingin ni Stephanie.

"What did you just say? Mas matangkad ka lang naman ng 4 inch sa akin 'no," buwelta ng dalaga at napuno na nga ng tawanan ang Milktea Shop kung saan madalas silang magkita-kita every Wednesday dahil 'yon lamang ang free time nila.

"So ano nga? Hindi ka ba talaga sasama sa amin? Kaming apat lang ba talaga 'yung aalis? Hindi ka ba talaga namin makakasama?" Malungkot ang tinig ni Scarlet at saka ngumuso."Pero kung ayaw mo talaga, hindi ka naman na-"

"Matitiis ko ba naman kayo? Oo na sige na, sasama na ako." Pagputol ni Stephanie sa pagsasalita ni Scarlet.

"Totoo ba 'yan?" Halos hindi makapaniwalang sabat ni Eugene na tinuon pa ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa.

"Mukha ba akong nagbibiro? But wait, saang Isla ba 'yon? I mean, saang probinsiya?" Kunot-noo na tanong ni Stephanie.

"Somewhere in Quezon Province," tugon ni Noel.

"OMG! I'm so excited. Ito 'yung first out of town natin together para sa taong ito," ani Janella na kilig na kilig pa.

"Hinipnotismo yata ako nitong si Cecelia kaya napapayag ako e," ani Stephanie dahilan upang samaan siya nang tingin ni Cecelia dahil ayaw na ayaw nitong naririnig o binabanggit ang second name niya na tunog pang matanda raw.

"Sino si Cecelia? Hindi ko kilala 'yon," ani Scarlet agad naman siyang mahinang binatukan ni Eugene."Aray ko!" agad nitong reaksiyon.

"Alam ninyo? D'yan nagsimula ang lolo't lola ko." Nakangiting wika ni Stephanie na nakatalumbaba pa habang nakatuon ang dalawang siko sa mesa.

"F*ck you!" Inis na wika ni Scarlet.

"You're welcome," pang aasar pa ni Stephanie.

RIVER BOATUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum