''You can do that.'' Tumango-tango siya. ''Just send me a text once it's done. Today, you are free to go. Ite-text ko na lang sa 'yo ang iba pang detalye.''

''Huh? Patapos na ako. Sandali lang.''

Binilisan ko ang pagsusulat. Mukhang gusto niya na 'kong paalisin ah? Kaya ba ite-text niya na lang?

''No. It's okay. I'll text you,'' he said. ''Reply to my message. You didn't reply to my first text.''

Unti-unting kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya na tinaasan naman ako ng kilay. At bakit ko siya re-reply-an, ha, aber?

Ayoko nga.

Hindi ko siya ite-text.

Dahil bukod sa ayoko, wala akong load.

''Sabihin mo na lang ngayon para hindi mo na 'ko kailangang i-text.''

May multo ng ngiti sa labi niya.

''I'll text you, Miss Guevarra.''

''Hindi convenient sa text. Paano kung mayroon pa pala akong tanong?'' Ako naman ang nagtaas ng kilay.

''Then text me?'' he said it like it's obvious. ''That's the point of texting, right?''

Inirapan ko siya at saka sinulat ang huling part kung saan may revision. I can see him through my peripheral vision, his gaze glued on me while smiling. It stayed for a long time that I had to look at him back.

Nagtaas ang kilay ko. ''Bakit?''

He chuckled. ''Nothing.'' He swallowed hard while he adjusted his seat. Umurong siya nang bahagya palayo na pinagtaka ko. ''Text me. Hmm? I'll wait for it.''

Habang nagluluto ako sa gabing 'yon ay nakatanggap nga ako ng text mula kay Mayor Hassen. At dahil busy ako sa gawaing bahay pag-uwi ay hindi ko siya agad nasagot.

O... wala naman talaga akong balak sagutin kasi wala akong load.

Unknown Number:

Hi?

Alam kong galing sa kanya 'yon dahil nasa taas ang message niya kanina noong pinapapunta niya na 'ko sa opisina niya. At dahil wala akong load, hindi ko siya ni-reply-an. Wala rin naman kasi akong masasabi sa kanya dahil ayos na 'yung revisions.

''Ate, tumunog phone mo,'' puna ni Kwinie sa gitna nang hapunan. Napatigil ako sa pagkuha ng ulam. ''Kanina ka pa may ka-text, ah?''

Napatingin sa akin sina nanay at tatay na parehong nagtataka.

''Hayaan mo 'yun. Trabaho lang.'' Nagkibitbalikat ako. ''Hindi importante.''

Nang umakyat ako sa kwarto namin ni Kwinie ay laking pasasalamat ko dahil wala pa siya. Madalas kasi, tumatabi siya agad sa akin para makipag-kwentuhan o maglambing. Ngayon, nasa baba pa rin kaya binasa ko na muna ang mga mensahe roon sa cellphone ko.

Unknown Number:

No more questions?

Wala na. Halos isatinig ko 'yon, pero hindi ko ni reply. Bakit pa ba niya ako tini-text e nakapag-usap na kami kanina? Saka, pwede naman sa next meeting namin, ah?

Unknown Number:

My line is open in case you have questions.

Nagtaas ang kilay ko. Hindi ba siya abala? I mean... bakit parang ang dami niyang oras para makipag-text at paglaanan ng oras itong code ni Konsehala e... advice lang naman ang hiningi sa kanya?

Hindi pa rin ako nag reply. Pero sa hindi malamang dahilan, napagtanto kong nakangiti na pala 'ko.

Unknown Number:

The Red Light KissWhere stories live. Discover now