CHAPTER IV

5 1 0
                                    

| USeries #1; THE KILLER |

• CHAPTER FOUR •

| ASTREIN KITIGAWA |

"Sige mamaya nalang Rein ahh? May klase pa kami ehh." Paalam nito na nginitian ko na lamang.

Naglakad ito palapit sa akin at ang sunod na kaniyang ginawa ay ang nagpagulat lang naman sa akin. She just f*cking kissed me in the side of my lips!!

"See yah." Malawak ang ngiting aniya bago ako kindatan at iwanang nalilito.

Is she a , , , gay? Deymm.

Napailing-iling naman ako bago pinukpok ang ulo ko. Straight ka Rein, baka mamaya magkagusto ka ro'n lagot ka sa mga kuya mo. Napailing akong muli bago tingnan ang schedule na hawak ko.

May pasok kami ngayon at pwede naman akong um-absent since kadarating ko pa lamang dito.

Ang kaso nga lang ay ang weird talaga ng eskuwelahan na ito, kahit na ang schedule nila ang weird!! Like what the hell everyone? Saan kayo nakakita ng paaralang hapon ang pasukan? Mga 5 pm na pasado pero ngayon pa lamang din papasok ang mga estudyante.

Napangiwe naman ako at bahagyang hinilot ang biglang sumakit na ulo ko. Psh, malalim na napabuntong hininga ako at saka naglakad papasok sa kwarto ko.

Matutulog nalang ako dahil mamaya ay magkakaroon ng klase para sa combat fighting. Mga seven pm pa naman iyon kaya naman may dalawang oras pa ako para makapagpahinga.

At siyempre para magising ng maaga para makapasok ay nag-alarm lang ako ng 6:35pm. Panigurado namang magigising ako, hindi naman ako tulog mantika at makupad kumilos.

| AST ADDISON |

Bawat estudyanteng nadadaanan ko ay binibigyan ako ng daan, yumuyukod at tumatahimik. Well, ayos lang naman na ito kaysa sa mga nagtitilian na parang mga baboy na pinagkakatay.

Nang makarating sa classroom NIYA ay nilibot ko ang paningin ko upang hanapin siya. Hindi siya pumasok? Napanguso naman ako pero kalauna'y napaayos din ng tayo at mukha bago umalis doon.

Kaya nga ako nagpalipat ng section para makita siya araw-araw ehh tapos hindi siya papasok ngayon? Kahit kailan talaga tsk tsk tsk, hindi na siya nagbago.

Siya pa rin ang Rein na kilala namin noon, ang batang Rein na tinatamad pumasok kapag pwedeng hindi na pumasok kasi walang punishment.

Habang pabalik sa dorm ay bigla kong nakasalubong 'yung babaeng ka-dorm mate niya. Napangise ako matapos may maisip na kalokohan, hindi naman siguro masamang takutin ang isang ito hindi ba?

Lalagpasan na sana ako nito ng walang tinging mahigpit na hinablot ko ang kaniyang braso at hinarap sa akin. Bakas sa maliit na mukha nito ang pagka-gulat habang tulalang nakatingin sa akin, bahagya pa itong napaatras habang ang paglunok naman ay patuloy na kaniyang ginagawa.

"A-Ano po ang kailangan niyo? La-Lady Ast?." Namumutla na ito ngayon bago nag-iwas ng tingin sa akin.

"Stop. Fl*rting. Her. Understood?." May diin sa bawat salita na aking binibitawan.

UNIVERSITY SERIES #1; The Killer ( 𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐄𝐃𝐈𝐓𝐈𝐍𝐆/𝐑𝐄𝐕𝐈𝐒𝐈𝐍𝐆  )Where stories live. Discover now