CHAPTER l

8 1 0
                                    

| USeries #1; THE KILLER |

• CHAPTER ONE •

| THIRD PERSON POV |

Maraming kumpulan ng mga estudyante, mga guro at mga opisyales ng nasabing unibersidad matapos makita ang mga bangkay na namataan sa kanilang malawak na field.

Lahat ng mga estudyante na iyon, ay ang lahat ng mga taong palakad-lakad sa field noong gabing iyon, at walang natira kahit isa man lang sa kanila.

“Palagi nalang ganito ang ganap, kailan ba matatapos ito?.” Problemadong tanong ng Headmistress sa Dean na tahimik lamang na nakamasid sa mga wala ng buhay at gutay-gutay na mga katawan ng mga estudyante.

“Hindi ito matatapos.” Iiling-iling na ani ng Dean at napabuntong hininga na lamang.

Kumunot ang noo ng katabi. “Paanong hindi? Marami ng mga estudyanteng nawawala sa atin, at marami na ring mga magulang ang nagdurusa.” Saad ng HM.

Napapikit naman ng mariin ang Dean. “Hindi ito natatapos hangga't hindi nakukuha ng taong iyon ang gusto niya, hindi ko man alam kung ano iyon, pero alam ko sa sarili ko na may kailangan siya.” Aniya bago lumingon sa kausap na nakakunot ang noo, nalilito.

“Kung may kailangan siya, hindi ba rapat harapan niya kaagad tayo? Hindi 'yung pumapatay siya ng mga estudyanteng wala namang kasalanan sa kaniya.” Ani HM na ikinatahimik na lamang ng Dean dahil kahit siya ay hindi niya rin alam ang dahilan nito.

“Mygosh!! Walang awa ang gumawa niyan.”

“Lo-Look oh? Putol-putol pa ang ibang bahagi ng katawan.”

“Natatakot na ako rito, gusto ko nang umuwi.”

“Isa itong GangFiaSsin school pero hindi naman tayo pumapatay ng walang dahilan.”

“Grabehan na ito.”

Nagkatinginan naman ang dalawa at nagkatanguan. “STUDENTS!! PLEASE GO TO YOUR ASSIGNED DORMS AND DON'T GO OUT UNTIL WE SAY TO.” Anunsyo ng HM mula sa malaking stage na agaran namang sinunod ng mga estudyante.

“Let's go, we must talk about this and make a solution.” Napatango naman ang Dean sa sinabi ng HM at saka ti-next ang lahat ng mga konektado sa kanilang paaralan na tao upang pag-usapan ang tungkol sa pangyayaring ito.

NAPANGISE ang dalaga at saka napailing-iling na lamang habang malayang tinititigan ang mga walang buhay na mga estudyante na kagabi lamang ay masayang naglalakad sa malawak nilang field.

Wala rito ang lalakeng pinatay niya sa rooftop dahil pinaligpit niya na kaagad ang kalat niyang iyon sa kaniyang mga tauhan, atleast nag-abala siyang maglinis hindi ba?

Napatayo siya sa kaniyang kinauupuan ng bigla na lamang kumalam ang kaniyang sikmura, napahawak siya rito saka napangiwe. Hindi pa pala siya nag-a-almusal dahil sa sobrang saya niya na gawin ang pagpatay sa mga estudyanteng pakalat-kalat.

Napailing siya at saka naglakad na lamang papunta sa kaniyang dorm. “What a tiring yet a satisfying night.” Aniya bago hinayaang bumagsak ang sarili sa kaniyang malambot na kama.

Good thing she was all alone in her dorm. Less disturbance, less annoying pips.

“What am I supposed to do after this?.” Tanong sa sarili habang titig na titig sa kulay pulang kisame.

UNIVERSITY SERIES #1; The Killer ( 𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐄𝐃𝐈𝐓𝐈𝐍𝐆/𝐑𝐄𝐕𝐈𝐒𝐈𝐍𝐆  )Where stories live. Discover now