Undead 11

8 0 0
                                    


TULAD nga ng usapan ay sumama kami sakanya medyo may kalayuan ngalang ang tent nila sa tent namin kaya medyo natalagan kami

"Siya nga pala nakalimutan kong sabihin kanina, lahat ng lalaki dito lalo na yung mga bago madalas sinasama ni Morgan sa labas para kumuha ng mga pagkain at iba pang mga kailangan dito once week sila kung umalis, yung iba naman ay nagpapatrol sa araw at sa gabi" Ani Serah "At dahil bago kayo ay isasama niya kayo sa susunod na pag labas nila sa makalawa" dugtong pa nito at binalingan sina Aidan at Noah

"Papano naman ang mga babae?" Tanong ni Noah

Oo nga hindi naman pwedi na wala kaming gagawin, kahit hindi kami mag tatagal dito ay hindi pweding tumunganga lang kami at walang gagawin

"Ang iba ay nag vo-volunteer sa pag lilinis dito yung iba naman po ay sa pagluluto ng pagkain araw araw, pwedi rin mag volunteer sa pag papatrol ang mga may gusto" ani Sam

Tama! Pwedi akong mag volunteer sa pag papatrol ng sa ganon mahanap ko kung saan nila tinatago ang mga armas, pag nahanap namin yun madali nalang para samin na mag plano sa pag alis dito lalo na at every week may lumalabas para manguha ng pagkain

Lumapit ako kay Serah at pabulong na nagtanong "Serah may tanong lang ako, nag volunteer ka naba sa pag papatrol?" Tanong ko

"Ah oo pero tuwing umaga lang minsan kasama ko si Carol sa pag papatrol bakit mo natanong?" Aniya

Luminga linga ako sa paligid kung may mga tauhan ni Morgan saka ako nagsalita "Hindi niyo ba nahanap kung saan nakatago ang mga baril?" Tanong ko

"Sinubukan naming hanapin pero wala kaming nakita, pero isang beses nakita ko ang isang kasamahan nila Morgan na may dalang mga baril at pumasok sila kung saan nakakulong yung mga preso dito siguro doon nila tinatago ang mga armas pero gwardyado nila ang papasok dun"

Kung ganon mahihirapan akong makapasok doon depende nalang kung....

"Sino naman ang naghahatid ng pagkain sa mga preso?" Nagkatinginan kami ni Aidan na katabi ko lang pala at naririnig ang usapan namin

"Sa tingin ko ay yung mga nakatuka sa pagluluto bakit mo natanong?" napangisi ako at tumingin ng makahulugan kay Aidan

"Wag mong sabihin na..."

"Mag vu-volunteer ako sa pagluluto" sabi ko

"Pero delikado dun madalas mga lalaki ang inuutusan ni Morgan na maghatid ng pagkain sa mga preso dahil pinagkakatuwaan ng mga preso ang mga babae pag pumupunta doon"

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko

"Nung nakaraan lang ay may nagahasang babae dahil napagkatuwaan ng mga preso at walang ginagawa ang mga tauhan ni Morgan tungkol dun hinahayaan lang nila" napabuntong hininga nalang ako

May paraan nga para mahanap namin ang mga baril pero delikado naman kakaasar!

"Alam ba ni Morgan yun?" malamig na tanong naman ni Aidan

"Oo at yun ang masama dahil wala siyang ginagawang hakbang sa bagay nayun kaya wala ng babaeng naglakas ng loob na maghatid ng pagkain doon dahil ganon lagi ang nangyayari" sagot nito

"Kailangan padin nating subukan..."

"NO!" nagulat naman ako sa bilang pagsigaw ni Aidan

'Anong problema niya?'

"Andito na tayo" nabaling ang atensyon namin kay Sam ng magsalita ito

How Far Can You Go?Where stories live. Discover now