Undead 4

9 1 0
                                    


Patapos na ako sa pagluluto ng marinig ko ang yabag ng paa na papasok sa kusina napalingon ako dun at si Aidan pala, nagtama ang tingin naming dalawa pero una akong umiwas dahil sa awkwardness na naramdaman ko, nakita ko sa perephiral vision ko na dumiretso ito sa ref at kumuha ng maiinom

Ng matapos akong mag luto ay inihain ko na iyun, nag alok siyang tutulong kaya ibinigay ko sakanya ang hawak ko at siya na ang naglagay sa mesa kinuha ko naman ang ibang niluto ko tapos ay nilagay na sa mesa sakto naman ang dating ng tatlo kaya inaya ko na silang kumain sabay sabay kaming nagdasal at kumain

Tahimik kaming kumain at walang kahit na sinong nag sasalita maski ako din dahil ngayon nalang ako nakakain ng lutong bahay naubusan kasi kami ng bigas nung nasa bahay pa kami kaya minsan puro instant noodles ang kinakain namin ni Abi

"Ang sarap mo palang mag luto ate Tala ngayon nalang ako nakakain ng lutong bahay mula ng mag simula ang apocalypse" panimula ni Noah at maganang sumubo ng pagkain

"Oo nga ate huling kain natin ng ganto eh six days na siguro puro can goods nalang kasi minsan ang kinakain namin eh" share naman ni Abi sakanila

"Kami mula ng mag simula ang apocalypse nato di na kami nakakain ng ganto kasarap lagi kasi kaming lumilipat ng matutuluyan eh" sabi naman ni Phoebe kaya napalingon ako sakanya

"Bakit umalis ba kayo sa bahay niyo?" tanong ko sakanya na ikinalingon niya sakin

"Galing kasi kami sa probinsya ng mama namin ni kuya eh uuwi dapat kami sa pasay nung araw na mag simula ang apocalypse dahil dun nakatira si dad para nadin madalaw namin siya ang kaso wala na kaming naabutan dun kundi mga walkers na pinasok ang bahay namin" malungkot na pag kukwento niya at nag simulang umiyak

"We're from a broken family nasa province ang mama namin si dad naman ay nasa pasay we decided to visit him kaya lumuwas kami papuntang pasay" nagulat ako ng magsimulang mag kwento si Aidan habang hinahagod ang likod ng kapated niyang umiiyak

Hindi ko alam na broken family pala sila nakakalungkot isipin na hindi manlang sila nakapag paalam sa daddy nila unlike us

"Im sorry" paghingi ko ng tawad

"It's okay" aniya at nagpatuloy sa pagkain

Maya maya ay binasag muli ni Noah ang katahimikan sa pagtatanong kung ilang taon naba kami "Im 25 si Abi naman 18 na kayo" sagot ko kay Noah

"19 nako" sagot niya

"Ako naman 18" sagot ni Phoebe tama lang pala ang hinala ko na magkasing edad lang sila at mas matanda lang din si Noah kay Abi tumingin naman ako kay Aidan kaya muling nagtama ang mag tingin namin

"I turn 27 two days ago" sagot niya so birthday niya pala nung nakaraan ibig sabihin ay hindi nagkakalayo ang kaarawan namin 4 days ako kasi ng mag birthday ako eh

"Talaga kuya Aidan?" di makapaniwalang tanong ni Abi sakanya dahilan para sakanya matuon ang atensyon ng lahat "Hindi pala kayo nagkakalayo ng birthday ni ate kaka 25 niya lang din 4 days ago eh" dugtong ni Abi naramdaman kong may naka tingin sakin kaya hinanap ko kung kanino galing yun at kay Aidan pala

Hindi ko nalang pinansin yun at itinuloy na ang pagkain nagkwentohan pa sila ng kung ano ano at nagtatanong ng info about kung kanino minsan ay tinatanong nila ako kaya sinasagot ko naman sila hanggang sa matapos kaming kumain, nagpresenta si Phoebe at Abi na sila nalang ang mag aayus ng pinag kainan namin kaya pumayag nalang ako

Pumunta ako sa may balcony at umupo sa upuan doon paharap sa falls malayo ang falls mula dito sa kinatatayuan ko pero rinig na rinig ko pa rin ang buhos ng tubig nun pababa dumungaw ako sa baba at katakot takot na bangin agad at bumungad sakin, medyo may takot ako sa matataas  kaya agad akong lumayo doon at muling umupo

How Far Can You Go?Where stories live. Discover now