CHAPTER 15

22 7 0
                                    

Ito na ang araw na magkakaroon ako ng malaking pera.

Ginagawa ko para sa mama ko hindi para sa akin.

Ngayon ang operasyon ni mama sana nga po maging successful ito.

Dapat nga eh nasa tabi ako nito. Pero hindi pwede. Andito na ako sa tapat ng isang hotel. Anong meron bakit parang may party ata na gaganapin ngayon.

I received a message.

Sa number 8 daw ako papasok sa isang kwarto.

Okey.

Patuloy lang ako paglakad. Maraming bisita. Birthday nga pala kasi narinig kong may nag uusap.

Tiningnan ko ang oras gabi na pala. Hindi pa nag sstart yung party kasi mga busy pa sila sa kani kanilang gawain. Dumiritso na ako sa room 8.

Kumatok ako ng 3 beses pero walang namang sumasagot doon. Kaya pinihit ko na lang ang door knob nito at pumasok na.

Malaki ang kwarto malinis at mabango. Dumiritso ako sa may kama at naagaw pansin sa akin ang isang nakatuping papel.

May nakasulat doon.

Hi Jane:
Ito pala ang gagawin mo ngayon. Nakikita mo ba sa may gilid ng lamesa. Mayroon dyan isang bag yan ang pera para sayo kapalit ng isang gabi.

Ikaw ay ginawa naming isang birthday gift. Oh siguro naman may hinala kana kong ang dapat mong gawin.

Mamayang 8 may lalaking pupunta dyan pero wag kang papahalata na nandyan ka. Siguro naman sapat na ang pera na nasa bag.

Kailangan madilim ang kwarto bago pumasok ang birthday boy. Para hindi niya malaman na andyan kana. Pero alam na niya na babae ang regalo namin sa kaniya. Kasi sinabi namin ang aming balak.

Hindi siya naniniwala sa amin na gagagwin namin yun sa kanya.

So ngayon ang gagawin mo lang is paligayahin ang aming birthday boy.

Goodluck miss Jane.

Yun ang nakasulat sa papel. Kinakabahan ako kaya ko ba ito?

Oo girl diba matapang ka? Para sa nanay mo kayanin mo.

Tama ginagawa ko ito hindi para sa sarili kundi para sa aking pinakamamahal na ina.

Tinignan ko ang bag.

May isang papel na naman. Ito ang nakasulat dito.

Sapat na ba ang 2 million?

Kung hindi pa sapat. Tingnan mo yung nasa table na may pabilog may wallet dyan.

1 million ang laman niyan.

Sana namam sapat na ito.
Good luck miss Jane.

Ang laki naman nito. Sobra sobra na po ito sir sa pagpapagagamot ni mama.

At malaki na itong tulong para sa amin. Thank you Lord for everything.

Tiningnan ko ang wall clock it's 7:30 na. 30 mins to go. Pinatay ko nalang yung ilaw. Handa na ako kung ano man ang mangyayari ngayon.

Napaidlip muna ako sandali hanggang sa makatulog ako.

Nagising na lang ako sa ingay sa pagbukas ng pinto. Ito na ito walang ng urungan. Buti naman madilim kaya hindi niya ako kita.

Ramdam ko ang paghiga niya sa tabi ko. Siguro napansin nito na may katabi siya kaya hinawakan nito ang aking braso.

Kinakabahan ako pero hindi yung kabang natatakot. Hindi ako natatakot sa taong ito.

" Sino ka?" Tanong nito medyo paos ito. Kaya hindi ako sure kong siya ba ito.

No way parang kilala ko ang boses na ito. Hindi siya right?

Hindi ako sumagot umupo ako sa gilid ng kama. Naaninag ko siya umupo rin ito sa kama. Pero hindi mo makikilala ang mukha kasi madilim.

Light lang sa labas na nagbibigay liwanag sa amin.

" Sino ka ikaw na ba ang regalo nila sa akin?"
Ulit nito. Confirmed na siya.

Itong boses na ito miss ko na itong marinig. Yung malamig nitong boses.

" Kung pera lang gusto mo, kaya nagawa mo ito bibigyan na lang kita. Wag munang gawin ang pinapagawa nila."

No gusto ko ito. At ayokong humingi ng pera sa walang kapalit. Dapat pinapaghirapan ito.

Hindi ako sumagot. Once na sumagot ako makikilala niya ako. Itong tibok ng puso ko alam kong siya ito kasi siya lang ang nakakagawa nito sa akin.

Hindi ako nakinig sa kaniya lumapit ako at hinalikan siya. Naamoy kong nakainom ito pero hindi pa ito lasing kasi nararamdaman ko yun.

Nung una hindi ito gumalaw pero kalaunan tumugon na ito.

Naging mapusok ang aming halikan. Nag iinit na ang aking katawan. Nanginginig ako pero gusto ko, gusto ko ang ginagawa namin..

Love Me Like You Do (Completed)Where stories live. Discover now