Chapter 9: Deadly Lips

Magsimula sa umpisa
                                    

"I..." Nanunuyot ang mga labi't lalamunan ko at nahirapan akong magsalita. Seeing Joon look at me so lustfully like this was making me melt. My inner self was practically begging him to moisten my dry lips.

"I won't kiss you if you don't want me to," he whispered. "I want you to tell me that you want me to kiss you."

Napakalapit na ng mga labi niya, and his slow, deep breaths made him sexier every second. His lips were so inviting, and I couldn't focus on anything else. I want him to wet my mouth and tease my tongue just like he did before. Hindi ko na kayang makapaghintay. Sa tingin ko ay mababaliw na ako kung hindi niya pa ako hahalikan ngayon.

"Tell me, Cleng..."

I opened my starving mouth and hung out the tip of my tongue. "I want you, and I want you to kiss me, Joon."

Wala pang isang segundo ay naramdaman ko na ang pagpasok ng kaniyang dila. Binasa nito agad ang tuyot kong bibig, at sinakop niyang maigi ang aking nanabik na mga labi. Maririnig sa 'ming bawat daing at singhap kung gaano kami kagutom na gutom para sa isa't isa. We were kissing each other hard, and we were moaning even harder.

"J-Joon, you make me want to say bad words..." hinihingal kong bulong sa kaniya.

"Really?" he huskily whispered back. "Well, you've been a very bad girl, Cleng."

"Ahh!" Nagulat ako nang biglang may naramdaman akong gumalaw sa loob ng kaniyang pantalon. Lumayo agad ako at tumalikod. "Joon! M-May nakapasok yatang daga sa pants mo!"

"D-Daga?" Agad na hinarangan niya ito ng unan mula sa sofa. "Excuse me, hindi 'to daga! Malaking ahas 'to!"

"P-Patayin mo! Takot ako sa daga, s-saka sa ahas!" I panicked while covering my innocent eyes.

"Paano ko papatayin? Eh ikaw ang bumuhay nito!" angal ni Joon. "Fuck... you were just so... do you know how hot and sexy you were just now, Cleng?"

Nang makakalma na kaming parehas ay hinaplos niya ang aking pisngi. "Cleng... did it feel good? Kissing me? Did you like the feeling of my lips on yours?"

Mabagal akong tumango habang nakatingin sa sahig. Nahihiya kasi akong aminin ito.

"Good to know." His thumb traced the curve of my mouth as he said these words. "So it wouldn't be unfair. Dapat hindi lang ako ang nahuhumaling sa mga halik natin, Cleng."

"I-Is this normal?" I asked him with pleading eyes. "Kasi ngayon ko lang ito naranasan..."

Niyaya akong umupo ni Joon sa sofa. Buti naman at namatay na ang kaniyang alagang dagang-ahas. "You've never been kissed?" he clarified.

"I've been kissed by my ex, Ross."

"Ross? Ross Rosales ng Blue Sharks?" kunot-noo niyang tanong. "Fuck those Blue Sharks..."

He whispered the last part to himself, but I still covered my ears when I heard it. Oo nga pala, magkaribal sila ng Green Giants. "But I've never been kissed like that. Like how you kissed me."

"Why? How does kissing me feel like?" I saw a smirk forming on Joon's lips as he teasingly asked his question. "Tell me, Cleng. Enlighten my ears."

"Bakit ka fishing?" I teased him back. Akala niya ba ay hindi kayang gumanti ng isang inosenteng Cleng?

"Fishing? Ano 'yong fishing?"

Mukhang totoong hindi niya alam, kaya nagpaliwanag ako. "Kapag may gusto kang malamang sagot mula sa isang tao, pero hindi mo ito diretsahang tinatanong. O kaya ay may malisya sa likod ng pagtanong mo, 'yon ang tinatawag na fishing."

"Ahh, gano'n ba?" He pursed his lips and nodded. "Hindi naman mahalaga sa 'kin kung may nauna nang humalik sa 'yo. Ang mahalaga, nagustuhan mo ang halik ko," nakangisi niyang hirit.

"Joon... m-masama ba na wala pa akong..." nakanguso kong tanong. "M-masiyadong karanasan?"

Hinawakan niya ang aking ulo at marahang hinaplos ang buhok ko. "Walang masama roon. Ang masama ay kapag napilitan kang gawin ang isang bagay na hindi mo gusto. That's why I will always ask permission before kissing you."

Kinagat ko ang aking mga labi at nahihiyang tumugon sa kaniyang pahayag. "I-If it's you, Joon... then it's fine. You can kiss me anytime..." Nanlaki ang kaniyang mga mata. Humarap ako kay Joon at pinagpatuloy ang aking sinasabi. "Just kiss me, and it will always be okay with me."

Nakita kong nanlambot siya bigla sa 'king sinabi. He slouched on the sofa and exclaimed, "Those lips of yours are deadly in so many ways, my lady."

Ngumiti ako sa kaniya, ngunit sinundan agad ito ng pagkahiya dahil sa aking sunod na tanong. "W-What does it feel like ba?"

"'Yong alin?" He fixed his seat and tilted his head, trying to sort out my question.

"That S word..." mahina kong banggit. "Starts with S and ends with X."

"Spandex?"

"N-No! Three letters!"

"Se—"

Hinataw ko agad ang kaniyang mukha gamit ang isang unan mula sa sofa. "Don't say it! I don't want to hear it!" I cried with a blushing face.

The corner of his lips pulled up into a smile as he expounded his answer. "Alam mo 'yong pakiramdam kapag ihing-ihi ka na?"

"O-Oo." Alam na alam ko dahil 'yon ang pakiramdam ko kanina bago umakyat sa unit niya.

"Imagine mo na ihing-ihi ka na, okay? Hold that thought in your mind," he vividly described. "Tapos, imagine mo kapag kinikiliti ka."

Napataas ako ng kilay pero ginawa ko ang sinabi niya at in-imagine ang kaniyang nilalarawan.

"'Yong feeling na ihing-ihi ka, tapos 'yong feeling na kinikiliti ka, pagsamahin mo ang dalawang 'yon," he proudly shared. "'Yon ang feeling ng letter S!"

"Ha?" pasinghal kong reaksyon. "Masaya ba 'yon? Parang hindi naman!"

"Masaya 'yon!" Joon bit his lip and smirked. "Kung darating man tayo sa puntong iyon, of course with your permission, sisiguraduhin kong pasisiyahin kita, Cleng."

Hinampas ko ulit siya ng unan. "Bakit, ilan na ba ang naka-S mo?"

Nilapit ni Joon ang kaniyang bibig sa 'king mainit na tainga at nagsabing, "Bakit ka fishing?"

Natunaw ako sa kaniyang pagbulong. Joon Villamontano, your lips are also deadly in so many ways.




#DrunkDiaryWP

Drunk DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon