Side Story 01: Minute Mysteries

47 5 0
                                    

CASSIEN

"WELCOME TO our humble abode!" bati ko sa dalawang lalaking nakatayo sa harap ng gate namin. There was a guy who still wears an eye patch to cover the different colors of his eyes, and a dark overcoat beneath an old fashioned polo and trousers. The other guy has his hair swept to one side, pushing his eyeglasses up as he observe our house. Wearing a checkered polo-shirt and dark trousers. His eyes were like blue star in a broad daylight.

Lol, hindi naman kita ang stars sa umaga kaya 'di ko talaga naa-appreciate. Nakakainis siya, seener sa Messenger!

Yes, Ranpo has been ignoring my messages since I got discharged from the hospital after the fire broke out in our school. Ewan ko kung ano'ng ginawa ko sa kaniya para umarte siyang pa-VIP. Just because he's too smart doesn't mean he can just look down on me all he want!

"You looked very different today," natatawang bungad ni Ranpo. He smirked after observing me from head to toe like a scanner. "I won't be surprised if the cockroaches in your house moved next door because of that."

I rolled my eyes. Kahit kailan talaga, hahanap siya ng tiyempo para mang-asar. Ang sarap niyang sakalin! Grr. Naninibago talaga siya sa hitsura ko dahil nasanay siyang nakikita ako bilang crossdresser. Today, I'm just the normal girl from before.

Nakasuot ako ng shirt na may print na THIS IS ME. O, 'di ba- Greatest Showman ampeg. Tapos naka-pantalon ako na lagpas tuhod ang haba. Simple lang. Gusto ko sana mag-gown para panindigan ang Princess na sinasabi ni Newt pero meh, HAHAHA!

"I could feel the presence of an ancient relic inside. It's probably been left by a strong-willed warrior," bulong ni Newt at tumingala para siguro tingnan ang bubong namin. Ano'ng relic ang tinutukoy niya? May gold kaya na nagtatago sa bahay namin?

"Oh! Ikaw ba si Newt?! Nabanggit ka sa 'kin ni Cassien!"

My mother suddenly came from behind and walked towards them. Pinagbuksan niya sila ng gate at sumenyas na pumasok sila. Huh, pareho ko namang kinukwento silang tatlo kay Mama noong nasa hospital ako. I was even in the verge of crying whenever I remember those scenes.

Haah. . . what a great character development. Hmm~ kaya ko nang mag-open up kay Mama! Since that day that I learned she was a former FBI agent, I realized I didn't know anything about her past. It just sucks na nakilala niya ang papa ko at naging ganito nalang ang buhay. When I asked her how their love story went, ayaw niya raw munang pag-usapan 'yon. Someday, she'll tell me.

"Just Newt?! Really, Cassien Agreste? What do you even see in this emo?!" Ranpo unbelievably asked as he jerked his thumb to the weird guy next to him.

"Manahimik ka." Sinamaan naman ng tingin ni Mama si Ranpo. "Mas interesting si Newt kaysa sa 'yo."

Mom may be hostile towards Ranpo pero alam kong nagbibiro lang naman siya kasi iniisip niya rin ito kanina habang naghahanda ng tanghalian para sa bisita namin. Nai-stress pa nga siya kung anong klase ng chocolate ang bibilhin niya. Had to admit, muntik na maubos ang pera namin para lang sa dalawang bisitang 'to.

"Tama," I replied, agreeing with Mom. "Feeling VIP ka kasi, ni isang like ay hindi mo man lang mai-reply sa messenger!"

"Well, aren't I a very important person? You wouldn't even survive that fire if it weren't for me."

"Napakayabang!" singhal ko. "O, sige, pagbigyan. Ikaw na ang hero!"

"Sure, wanna be the heroine?"

"E 'di wow!"

We ushered both of them inside and invited them to take a seat in a couch. Habang pinagmamasdan silang mag-usap tungkol sa designs ng bahay namin, hindi ko maiwasang sumimangot. Someone's missing.

REVERSE ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora