Chapter 38: Let Go

Magsimula sa umpisa
                                    

"She's a pretty reserved person just like her family," Anabeth continued in a much lower voice. "And more decent than her so called friends who often leech on her."

"Sa Fabrice siya nag-aral kaya wala akong masyadong alam sa kanya. But she used to visit during vacation or special occasions in town. Ilang beses ko din siyang nakita sa mansion ng mga Van Zanth tuwing may pagdiriwang dito."

"Why did she leave?" muli kong tanong.

It took a moment before Anabeth replied. "Walang nakakaalam. But whatever her reason is, I hope it's a good one. If Rebecca and Sir  Zackary are indeed mates, I don't want to imagine the pain it cause being away from each other."

Noong gabing 'yon, hindi ako makatulog. I had my cold hand clasped over my chest, aching like my heart was a thin paper being ripped to shreds.

I thought I was in the process of accepting things... that whatever Zackary and I had... was nothing but a dream to me. But why am I still hurting?

Kinabukasan, sinundo ako ni Anabeth sa kwarto para sabay kaming mag-agahan. Habang naglalakad papunta sa breakfast hall, bigla niya akong tinanong.

"Do you wanna go with me this afternoon? We'll visit Zanra in the mansion to bring her medicines."

Tumigil ako sa paghakbang. Mansion... it means I might see Zackary. Umiling ako sa alok ni Anabeth bago nagpatuloy sa paglalakad. "I have reports to finish," maikli kong sagot.

Hinawakan niya ako sa braso, making me see her dramatically sad face which reminded me of puppies. "Pero matagal na tayong hindi nakakadalaw sa kanya. Don't you want to see her to catch up? I'm sure she misses us too."

Nakarating kami sa breakfast hall kung saan karamihan ng mga staff ay nasa gitna na ng pagkain.

"Are you worried about something, Eleanor?" tanong ni Anabeth bago kami pumila para kumuha ng pagkain.

Hindi agad ako nakasagot. What am I worried about exactly? Is it seeing Zackary again? Or because I couldn't trust myself enough to stay away him.

Kalaunan, wala akong nagawa kundi ang pumayag. I shouldn't let the situation affect my relationship with people. Makikita at makikita ko siya... dahil siya ang pinuno ng bayan. I would just have to learn how  to deal with it.

Sinundo kami ng sasakyan mula sa mansion bandang hapon. Up to the last minute, I was hesitant to go. But Anabeth was excited to see Zanra again and I couldn't ruin it for her.

Habang tahimik na umaandar ang sasakyan, hindi ako mapalagay sa backseat. I was saving courage if ever I see glimpse of him... because no matter what I do, I ended up missing him.

Binati kami ng mga tagasilbi pagdating namin sa mansion. Agad nila kaming dinala sa palapag kung saan makikita ang kwarto ni Zanra na hinihintay ang pagdating namin.

We arrived at her room with the door slightly ajar. Pagpasok namin, Zanra, who was sitting on her bed, raised herself to greet us with an embrace.

"Anabeth! Eleanor!"

Hindi maitago ang saya sa mukha niya nang makita kami. She's getting better with every visit. Her once pale complexion was now tinge with rosy colors.

"Kumusta naman ang prinsesa ng Van Zanth?" tukso ni Anabeth sa kanya.

Zanra folded her arms over her chest. "I'm alright, just extremely bored."

"Bakit kasi hindi ka bumisita sa apothecary," alok ni Anabeth. "Alam  mo namang nandoon lang kami lagi and for sure, the senior staff wouldn't mind."

Never Be TamedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon