Chapter 6: Missed Kiss

Comenzar desde el principio
                                    

"N-Normal na relasyon? I don't need those stupid things! I'm contented with being a bachelor all my life," saad ko.

"You're starting to fall in love, dude. Iyan ang first step sa isang normal na relasyon," nagmamarunong na paliwanag ni Anlex. "Tapos after ma-fall in love, magliligawan kayo, tapos magiging kayo, tapos magpapakasal kayo, tapos magkaka-baby kayo, tapos 'yong baby niyo, magkaka-baby rin."

"I'm not in love with someone who I never even had sex with!" giit ko. "This isn't love, I'm just probably drunk."

"Then you have to test it to find out," suhestiyon ni Denz. "Kiss her again," nakangisi niyang sabi.

I bit my lip and contemplated. That's right. Iyon nga ang gusto kong gawin... I need to taste those lips again.

"Hoy, Joon! Ikaw ba 'yan?" Isang galit na galit na Miss Shirley ang lumapit. Siya ang manager ng Green Giants. "Kailan ka babalik sa team? Bilisan mo at magpalit ka na ng jersey! May practice tayo ngayon!"

"I-I need to go, it's an emergency!" I turned around and was about to run, but Miss Shirley's hands were quick enough to pull my jacket, stopping me from escaping.

"Anong emergency-emergency ka riyan?" Nakapaywang na siya. "Baka hindi mo alam na may malapit nang tournament at hindi na mabilang ang pag-absent mo sa practice?"

"Miss Shirley..." Ang pagpasok ng malamig na boses ni Bastiel ang nagpatahimik sa 'ming lahat. "Hayaan niyo na po si Joon, totoong may kailangan siyang puntahan ngayon. As the Green Giants' captain, I will take full responsibility."

"Bakit mo 'ko pinapayagang umalis?" nagtataka kong tanong.

"Because I'll know you'll come back to the team eventually," sagot ni Bastiel. "And I understand your situation." He gave me a silent smile and a reassuring nod. "If it's a girl, then it's an emergency."

Ngumiti ako pabalik at sumigaw nang malakas na, "Thank you, Captain Bastiel! I'll report back to the Green Giants soon!" I gave him a proud salute before leaving the gym.

Nasilip ko ang mukha ni Miss Shirley na halatang naantig at muntikan nang maiyak. Alam kasi nilang lahat na nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ni Bastiel noon. Bakas sa mukha ng buong team na natutuwa silang nagbati na kami sa wakas, at masaya nilang inaabangan ang aking pagbalik sa ream.

***

Nag-abang ako sa harap ng gate ng Yuchengco, ang karibal na unibersidad namin. Pinuno ko ulit ng alak ang tumbler ko at umiinom habang naghihintay na makita si Cleng.

Inabot na ako ng limang oras kakahintay ngunit wala pa rin akong napapala. Nalasing na rin ako sa kakainom kaya napasalampak na lamang ako sa sahig. Will I never see the girl that I was enchanted to meet?

"Cleng! Cleng! Wait lang!"

Nagpintig ang tainga ko nang marinig ang isang boses na tumatawag sa kaniyang pangalan. Dali-dali akong napatayo at nabitawan ko ang hawak kong inuman. Tumilapon ang mamahaling alak sa sahig nang matagpuan ng mga mata ko ang babaeng may maiksing buhok, makapal na salamin, at mapupulang mga labi. Ang babaeng sumakop sa puso't utak ko buong linggo.

"Cleng..." I blurted out her name, and she found me with my mouth wide open in surprise. Napasinghap siya at ang kaniyang dalawang kaibigan nang makita ako.

"Cleng, I—" Palakad na ako papunta sa kaniya nang bigla siyang harangan ng mga kaibigan niya.

"Hoy, Joon Villamontano! Wala kaming paki kung guwapo ka! Nabalitaan naming pinaiyak mo ang kaibigan namin. Hinding-hindi ka namin mapapatawad," galit na bulalas ni Bey. "Ito na 'yung part na mag-o-offer ka ng pera para payagan ka naming kausapin si Cleng."

Biglang piningot ni Jeb ang tainga ni Bey. "Baliw! Baliktad kasi, ikaw dapat 'yong nagbibigay ng pera para layuan niya si Cleng. Gano'n sa teleserye!" litanya nito.

I saw Cleng pursing her cute lips and gripping her bag tight before walking away. Hinabol ko agad siya. "Cleng, wait! Cleng! Please, listen to me."

Patuloy pa rin siya sa paglalakad nang mabilis. Naiwan na namin sa gate ang mga kaibigan niya. Sinusundan ko siya at binilisan na rin ang paglakad ko. Ayaw niyang makinig sa' kin? Fine. If that's the case...

"Asawa ko!" I yelled. "Asawa ko! Saglit lang, hintayin mo 'ko!"

My plan worked and she suddenly stopped when I called her my wife. She turned around with a red face and shouted at me. "A-Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? 'Asawa' ka riyan!"

Finally, she talked to me. Ngumiti ako sa kaniya at nagpaliwanag. "Nag-propose ako sa'yo, remember? I gave you a ring and you accepted it."

Napatingin ako sa kaniyang daliri at napangisi nang makitang suot-suot niya ang singsing na gawa sa ring ng soju cap na isinuot ko sa kaniya. She's so cute and precious.

Kaso lamang ay nadurog ang puso ko nang tanggalin niya ito at itapon palayo. "N-Nakalimutan ko lang tanggalin!" katuwiran ni Cleng.

How can this girl avoid me like this? Walang kahit sinomang babae ang lumalayo kay Joon Villamontano. I'll teach this woman and show her what she's missing. Kinuha ko ang kaniyang kamay at hinatak siya papunta sa isang liblib na lugar.

"S-Saan mo 'ko dadalhin?"

Nang makarating sa isang tahimik na sulok ay sinandal ko siya sa pader. This is it. I need to verify if I really like her or not. I need to kiss her again. Kapag nakuha ko na ulit ang naudlot naming halik, sigurado akong makakalimutan ko na siya.

"If you don't want this... tell me. I'll give you time." My throat throbbed as I waited for her.

My eyes went down to her curved lips. Nakakaakit talaga ang pagkapula at pagkakorte ng mga ito. Nag-init na agad ang katawan ko nang makita ulit nang malapitan ang mga ito. I've been dreaming about kissing her again ever since that night. Right in front of me were the lips that I've been craving for... I closed my eyes and went straight for it.


#DrunkDiaryWP

Drunk DiaryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora