Chapter 10: Bossabos

333 124 144
                                    

Matapos akong magpamasahe sa kanila, nagluluto nga ako ngayon ng aming almusal.

Buti nalang ay agad na nangaso ang dalawa kong mokong na aking tinawag na si Kyaru at Kazuma at itinuro ito ni kuya Tanjiro sa kanila kung saan ito.

Lalabanan daw nila ang mga halimaw doon na tinatawag ni kuya Tanjiro na Talung Mushroom, mga level 29.

Kaya, nakakuha sila ng hugis talong na mushroom. Oo, mahaba at malaki. Parang ano... Basta...

Dito ay masaya nga ako dahil mayroon kaming kakainin ngayong almusal.

"I am happy because you are so obedient. Bumabawi ang mga mokong na ito ah?" masaya na sabi ko sa kanila.

"Opo naman master. Kasi, alam namin ni Kazuma na marami kaming atraso sa iyo," tuwang sabi ni Kyaru.

"Tama nga si Kyaru, master," sabi naman ni Kazuma.

"Oh, sige. Maghintay lang kayo diyan mga señorito. Matatapos ko nang lutuin ito," ngiti kong sabi.

Ipinagpatuloy ko ang pagluluto at naamoy ko ang aroma nito.

"I like the smell. Um, ang bango ng aroma 'tong linuluto ko," sabi ko sa aking sarili.

"Uhm, master, hindi ka na ba galit sa amin ni Kyaru?" Tanong sa akin ni Kazuma.

"Maybe, just a little bit. Napasaya niyo ako ngayon dahil kumuha kayo ng mahaba at malaking mushroom," ngiting sabi ko.

"Walang anuman," sabi ng dalawa.

Dito ay naramdaman kong biglang sumakit ang aking tiyan kaya ipinaubaya ko muna sa kanila ang aking linuluto.

"Kyaru at Kazuma, kayo muna magluto sa linuluto ko ah? Biglang sumakit ang tiyan ko," sabi ko sa kanila.

"Opo master," sabi ng dalawa.

Agad akong pumunta comfort room.

Habang si Kazuma at Kyaru naman ay  hindi alam ang gagawin.

"Pst. Kyaru, alam mong magluto?"

"Hindi, ikaw?" Tanong naman ni Kazuma.

Dito ay napahindi naman si Kyaru kaya nagpanic sila.

Sa kanilang kawalang-alam sa pagluluto ay linakasan nalang nila ang apoy ng linulutong Talung Mushroom.

Matapos akong mag-C.R. ay naamoy kong parang may umuusok sa kusina.

Pumasok sa aking isipan ang linuluto ko kaninang breakfast.

Nakita ko ito na umuusok na habang ang dalawa ay nagpapanic.

"Kayong dalawa! Alis na kayo diyan! Bakit ang lakas ng apoy!?" Tanong ko sa kanila.

Pero tahimik lang ang dalawa at nanginginig.

Dito ay agad kong hininaan ang apoy pero nasunog na ang aking linuluto.

Dito ay bigla nalang napasigaw si Tanjiro matapos nitong pumasok sa bahay.

"Hoy! May naaamoy akong sunog!" Sigaw ni kuya Tanjiro.

Unti-unting naging uling ang aking nakita sa banga at biglang nasunog.

"Hindi! Sunog na silang lahat," nalungkot ako ng sobra.

Lumapit sa akin si kuya Tanjiro at sinabing, "Ano iyan?! Sunog na. Ayane, ang tagal na natin nagsasama pero ano ang ginawa mo, sinunog mo ang ulam natin!" Inis na sabi nito sa akin.

"Kasalanan niyo ito!" Sabi ko kina Kazuma at Kyaru.

Dito ay agad kong sinapak sina Kazuma at Kyaru.

"Tama na iyan, Ayane!" Sigaw sa akin ni kuya Tanjiro.

The Rise Of The Pervert Heroحيث تعيش القصص. اكتشف الآن