chapter twenty-second

3 2 0
                                    


Helden Daniel Sebastian sent you a friend request

Confirm? Decline?

Para'ng life lang eh no? Irereject ko ba siya or tatanggapin. Ang corny mo Aubrie, dami'ng hugot nalalaman.

Gumulong ako sa couch kaya nabagsak ang likod ko sa sahig. "ARGH! Ayaw ko na!"

"Edi stop," singit ni Pria habang siya naman sinusukat ni Lia.

Tinignan ko siya ng masama, "Inday kikay paano mo nalaman na may gusto ka sa jowabels mo?" Tanong ko. Wala ng preno preno to.

"Ba't mo sa'kin tinatanong? Kayo ang mas experienced d'yan," she raised her arm so Lia would be comfortable to get her size. "Teka nga sino ba yan?"

"Secret wala'ng clue," I rolled my eyes. "Lia any suggestion heller?"

"Hi," sagot lang ni Lia kaya napahalhak si Pria pero agad ding pinigilan kasi sinuway siya ni Lia.

"Nahawa ka na talaga sa pagiging piloposa ni Zeph at nito'ng Aubrie," Pria said.

"I don't think so," Lia answered and Pria started to laugh again.

May sinabi pa si Pria kay Lia ng kung ano kaya hindi na ako nagabala makinig kasi tinignan ko ulit ang account ni Helden. Tinignan ko ang profile pic niya. One month ago niya lang pinalitan. He was wearing a blue shirt with 2 button open up, revealing half of his chest. And a white jeans. Nakasandal siya railings while the blue lights was reflecting to his face. Mukhang sa bar ata ito.

"Hala napindot, sorry sadya!"

Napatayo ako sa gulat nung clinick ni Pria yung confirm. Tinignan ko siya ng masama bago binato ng throw pillow na nasa couch.

"Si Helden ba?" Lia asked when she handed me my phone.

"I don't like him," sagot ko kaya napatawa ng malakas naman si Pria. Kung si Reagann puro kalokohan ito naman ang isa ang lakas makahalalhak pero maldita naman minsan.

"Diba ngayon alis mo papuntang Tagaytay?" Lia changed the topic.

Tumango ako, "After lunch time pa naman yun," I said.

"Mag ku-commute ka?" Tanong ni Pria, wala ng halo'ng pang-aasar.

I shrugged. I don't if mag ku-commute ako kasi wala naman ako'ng sasakyan atsaka nasanay na ako may kasama pumunta dun.

"Sa Tagaytay ba talaga punta mo? Akala ko BGC," komento sa'kin ni Pria sa damit ko. I was wearing a bustier draped dress and a sneaker. Wala na ako kasi'ng masuot na casual atsaka Lia who designed this. Gusto ko ipagmalaki.

"Vacation kasama hanap pogi." Biro na sagot ko, tumawa naman si Pria sabay irap. Sinabit ko ang strap ng leather weekender bag ko.  Nagpaalam muna ako kay Lia bago ako umalis sa condo niya.

I was about to book a cab when someone car stopped in front of me. Kunot noo ko siya tinignan bago lumingon sa likod ko kasi baka iba yung hinintuan niya.

"Hey," He greeted and wave his hand to me.

My forehead creased, "Uh... Hi?" Naiilang na sagot ko kay Helden. He opened the door and signed me to hop in. Pumasok naman ako at nilagay ang leather weekender bag ko sa likod.

"Paano mo nalaman na aalis ako ngayon?" Tanong ko nung simula na siya magdrive. Shutacakes Mercedes gamit niya!

"Lia texted me." Tipid na sagot niya. Tumango nalang ako. "Do you want to drive thru?"

Agad naman ako tumango na para'ng aso kaya tumawa siya. Nagdrive thru kami sa Jollibee at nag order lang ako ng coke float atsaka chicken joy kasi sad ako ngayon.

Almost Perfect (COMPLETED)Where stories live. Discover now