Cuatro

4 2 0
                                    

"KUMOT"
Página: 04


"Opo papa hihintayin ko po 'yan pagtatiyagaan ko po muna 'yung butas-butas nating kumot hihi!" hagikgik ko rito at sabay gulo niya sa buhok ko.

Masasabi ko na bata pa lang ako ay malapit na ako kay papa. Gusto ko paggising at bago ako matulog siya ang kasama ko. Dahil na rin wala na si mama.

Namatay kasi si mama sa panganganak sa akin. Palagi siyang nagsisikap para bigyan ako ng magandang buhay.

"Happy birthday anak pitong taon ka na, pasensiya na ayan lang ang nakayanan ni papa." nahihiyang sambit ni papa.

"Ano ka ba po papa okay lang po kahit wala na nga pong regalo ayos lang e!" nakangiti kong sabi.

Isang munting salo-salo lang ito, bumili si papa ng pansit, tig-isang supot kami at dalawang kapkeyk din, masaya na ako rito basta kasama ko siya.

Matapos naming kumain, may iniabot na supot sa akin si Papa, wala akong ideya kung ano ito kaya puno ako ng pagtataka.

"Papa? Totoo po b-ba i-ito?" mangiyak ngiyak na tanong ko.

"Oo anak, dumating agad ang bonus namin kaya binili ko baka may makakuhang iba e." paliwanag ni papa.

Tumakbo ako patungo sa kaniya at agad siyang niyakap, hindi ko maiwasang umiyak sa balikat niya.

"Papa ang saya ko po, ito ang pinakamasaya kong kaarawan!" nakangiti kong sabi at tinadtad siya ng halik sa mukha.

"Papa papasok na po ako narito na po sila Amber!" sigaw ko kay papa.

"O sige 'nak mag-ingat kayo ha!" sagot ni papa.

Nasa sekondarya na ako at grade ten na ako.

Hanggang pagpasok ko dala-dala ko pa rin ang kumot na iniregalo sa akin ni papa nu'ng pitong taon ako.

Ginawa ko na itong lucky charm ko. Dahil tuwing dala ko ito ay sinuswerte ako palagi.

"Papa naka-uwi na po ako." sambit ko ngunit walang sumagot.

Siguro ay nag-over time siya sa trabaho. Naghanda na ako ng hapunan para pag-uwi niya ay kakain na lang kami.

Ginawa ko muna ang mga takdang-aralin ko at binalikan ang mga pinag-aralan namin kanina sa paaralan.

"Anak nandito ka na ba? Pasensiya na ah maraming ginawa sa trabaho." paliwanag nito.

Iniligoit ko muna ang mga gamit ko at insikaso siya. Kinuha ko ang tsinelas nito at iniabot sa kaniya.

"Papa tara na po kain na tayo at makapagpahinga na po kayo." anyaya ko rito.

Matapos kumain ay naghugas na ako ng pinggan at nilinis ang lamesa. Pinagpahinga ko na si papa dahil maaga pa ang pasok nito kinabukasan.

Pagkatapos ko maglinis, naisipan ko na ring matulog, katabi ang paborito kong kumot.

"Anak baka gabihin na naman ako pag-uwi mamaya." pagpapaalam nito.

"Sige po papa mag-ingat po kayo ah." paalala ko rito.

Maaga kaming pinauwi dahil may programang gaganapin sa eskwelahan. Kaya naman hapon pa lang ay asa bahay na ako.

Habang ako ay nag mumuni muni, bigla akong nakarinig ng sigawan.

El Amore del Autor; Author of the tragedyWhere stories live. Discover now