Tres

4 3 0
                                    

"TRESPASSING"
Página: 03
DaftMe

"Anak 'di ba sinabi ko na sa iyo na huwag kang pumunta roon dahil hindi natin iyon pag-aari." pangaral na naman ng aking inay sa akin.

"Sige na nga po inay hindi ko na po iyon uulitin."

"Aba! Bata ka dapat lang dahil makakasuhan at makukulong tayo dahil diyan." malumanay na sabi ni inay.

Medyo nakaramdam ako ng takot dahil ayaw kong makulong.

Kaya simula nang pagsabihan ako ni inay hindi na ako pumunta roon. Nabibighani kasi ako sa laki at ganda ng bahay na iyon tila hari at reyna ang nagmamay-ari no'n.

Kwento-kwento rin na nangunguha raw sila ng mga batang makukulit, ngunit hindi naman ako naniniwala. Wala roon ang may-ari ng bahay kung kaya't nakakapasok ako.

Narito ako sa malayo at tinatanaw ang napakagandang bahay. Hindi na ako makapasok dahil naka-uwi na ang may-ari ng bahay, kung kaya't hanggang tanaw na lamang ako.

Tuwing papunta ako sa paaralan at pauwi ako sa aming bahay nadadaanan ko ito,  hindi ko talaga maiwasan na mabighani sa ganda nito.

Lumipat kami ng bahay dahil kailangan kong nang magkolehiyo at napakalayo kung dito pa rin kami maninirahan.

Muli kong tinanaw ang bahay na iyon sa huling pagkakataon.

'Balang araw magkakaroon din ako ng ganiyan at mas maganda pa riyan.' bulong ko pa sa aking sarili.

Sa Maynila kami nanirahan, sa tulong na rin ng aking mga tiyo at tiya, nakakuba kami ng matutuluyan. Dahil sa kagustuhan ko na kumuha ng abogasya nagsumikap talaga ako. Nag-aaral at nagtatrabaho ako para lamang may pagkunan ng pera.

"Congrats! Atty. Jimenez napakagaling mo talaga bawat kasong hinahawakan mo ay napagtatagumpayan mo!" nakangiting sabi ng kapwa ko abogado.

Sa lahat ng paghihirap at pagpupursigi ko, nakamit ko na nga ang pangarap ko.

"O siya kailangan ko nang umuwi tiyak matutuwa ang aking inay." paalam ko sa kanila.

"Ma'am Atty. Jimenez madaming salamat po sa pagtatanggol sa aking anak." pahabol ng ina ng kliyente ko.

"Walang anuman po iyon basta pag tayo ang nasa tama dapat nating ipaglaban ito. Maiwan ko na po kayo tiyak na hinahanap na ako ng aking inay." paalam ko rito.

Pauwi na ako sa tinitirahan namin. Patuloy pa rin kaming naninirahan sa aking tiya. Dahil hindi pa sapat ang aking ipon upang bumukod kami, maganda na rin upang may kasama si inay.

"Inay, tiya narito na ho ako. Napanalo ko na naman ho ang aking kaso!" masaya kong balita.

"Napakagaling mo talagang bata ka!" pabirong sabi ng aking tiya.

"Ang galing talaga ng aking anak proud na proud ako!" nakangiting bigkas ng aking ina.

Kinahapunan habang kami ay kumakain sa hapag nagpaalam ako dahil may lakad ako kinabukasan.

"Inay, tiya baka ho sa isang araw na ang uwi ko dahil malayo ang kliyente na pupuntahan namin kinabukasan tatawag na lang ho ako sa inyo." pagpapaalam ko sa kanila.

"O sige anak basta't mag ingat ka aba." bilin ng aking ina.

Narito na kami kung saan namin kikitain ang kliyente. At saktong tumawag ang engineer ng ipinapagawa kong bahay para kay inay.

El Amore del Autor; Author of the tragedyWhere stories live. Discover now