Special Chapter

311 20 6
                                    

"Vladimir!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa kakaibang panaginip, Hinawakan ko ang aking pisngi ng maramdaman ko ang luhang tumulo saaking mga mata.

Napahilamos nalang ako sa aking mukha gamit ang kamay at napabuntong hininga ng nakalimutan ko ulit kung anong pangalan ang nabanggit ko.

Isang taon akong na comatose, Iyan ang sinabi saakin ni mommy, Mabuti raw ay kaagad akong naidala sa hospital kaso delikado na rin ang buhay ko dahil sa nangyare, Mabuti hindi rin sumuko si mommy at daddy na huwag tanggalin ang naka kabit saakin hanggang magising ako.

Akala ko katapusan ko na iyon.

Ilang buwan narin simula ng magising ako, Kakaiba ang palaging napapanaginipan ko, Bigla biglang magigising at napapabanggit ng kung anong pangalan sabay tulo ng luha, Minsan kapag hating gabi, nagigising ako.

Hindi ko alam kung anong nangyayare saakin, Ni hindi ko maalala kung anong pangalan ang nababanggit ko sa tuwing nagigising.

Pero pakiramdam ko, parang my nakalimutan ako.

Napatingin ako sa cellphone kong nag va-vibrate na nakalapag sa study table ko.

Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag ng kaibigan ko at tinignan narin kung anong oras na, 2:50 pm.
Hapon na pala, Bumuntong hininga ako. Kumain naman ako kanina kaya ok lang.

"Hi good afternoon!" Narinig kong bati sa kabilang linya.

"Morning." Balik kong bati and I stretch.

"Kakagising mo lang ba? Tara labas tayo." Pagyaya nya.

"Saan?"

"Sa coffee shop, malapit lang dyan sa bahay nyo kaya papayag si tita." Ani pa nya.

"Sige, Hintayin mo ako sa coffee shop." Pagkatapos kong sabihin iyon ay naligo na ako at nag ayos.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni mommy ng makababa ako.

"Dyan lang po sa coffee shop, doon nalang po ako mag mimiryenda kasama friend ko." Pag paalam ko na pinayagan naman nya.

"Bago gumabi dapat umuwi kana." Bilin pa nito.

"Opo." Pagkatapos ko syang halikan sa pisngi ay lumabas na ako.

"Riella here!" Tumingin ako kay Nica ng tawagin nya ako at pumunta sa gawi nya, Kakapasok ko lang sa coffee shop at hindi naman gaanong matao kaya kaagad ko rin syang nahanap at dahil narin sa pag sigaw nya.

"Kumusta?" Tanong nya ng matapos akong mag order.

"Ok lang." Simple kong tanong, Hindi ko nalang sasabihin sakanya na nagkakaroon ako ng problema sa tuwing natutulog at nagigising ako, I can still handle it anyway.

Tumango tango sya, "Mabuti't ayos kana."

Sumimsim ako nang binigay na saakin ang order ko.

"Grabe, I'm so worried about you, Akalain mong naging sleeping beauty ka ng isang taon?!" Dagdag pa neto.

"Akala ko hindi kana magi—" hindi natuloy ang kanyang sinasabi dahil dumako ang tingin nya sa kamay kong nakahawak sa kape.

Kumunot ang noo ko."What?" tanong ko sa kanya.

"Ang ganda ng sing sing mo, saan mo yan nabili?" Tanong nya habang pinagmamasdan ang red diamond ring ko sa daliri, Tumingin ako doon.

"Binigay ni mom last week, isuot ko raw dahil ito daw engagement ring ko na iniabot sa kanya nung mapapangasawa ko." Tumango sya at bumaling ng tingin sa aking likod.

Narinig ko ang bell sa pintuan, Ibig sabihin ay my bagong costumer.

"Ackkkk sis! Nandito sya! ackkk nandito sya oh my gosh!" Hinawi ko ang kamay nya sa balikat ko, mahihilo ako sa ginagawa nya. Yugyugin ba naman.

SOLD TO A VAMPIRE LORD (Completed)Where stories live. Discover now