Chapter 9

279 12 0
                                    

Huh?? 'kiss'? Tama ba yung pagkakarinig ko?

Hayst, kailangan ko na atang linisin tenga ko mamaya.

Bumaling ulit ako ng tingin sa balkonahe ng silid ni Vladimir, Anong silbi ng hagdan sa loob kung dito sya dumaan? At bakit ba sya tumalon? Tumalon nga pero bumalik naman sa loob, umiling nalang ako, hindi ko masakyan trip nya.

Napatingala ako sa langit ng biglang bumuhos ang ulan, makulimlim kanina pero hindi ko akalaing uulan. Dapat pala ay hindi na ako nag dilig.

Ibinalik ko sa kung saan ko nakuha yung tabo at timba, yung timba ay sira na kaya itinapon ko nalang.

Basang basa akong pumasok sa aking silid at naligo.

Kinagabihan, pagkatapos kong kumain.
Bumalik agad ako dito sa aking silid at nag kumot, giniginaw ako sa lamig kahit tumigil na yung ulan, Hindi rin ako nakatulog dahil sa sipon ko at ubo, Halos masinghot ko na pati alikabok sa kwarto ko sa walang tigil na pag singhot.

Nasira ang mahimbing kong tulog ng my biglang kumatok, "Ano baa, Patulugin nyo muna akoo!" Reklamo ko sa kung sinong kumakatok, Idinoble ko ang kumot dahil hindi sapat ang isa para mawala ang ginaw kahit na makapal ito.

"Bella? Are you ok?" Nag aalalang tanong ni Vladimir sa labas.

"Hindi!! Kaya mamaya kana kumato—" naputol ang sinasabi ko ng napaubo nanaman ako.

Pumikit ako ng mariin at hinayaang dalawin ulit ako ng antok, pero bago ako tuluyang makatulog ulit ay narinig ko ang pag bukas ng pinto.

Tumagilid ako ng higa, Ng maramdaman ko ang mahinang pag tapik ng kung sino sa aking balikat, "Hey, Kailangan mong kumain." Iminulat ko ang aking mga mata at bumungad saakin ay si Vladimir, nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sakanya dahil ang lapit ng mukha nya kaya gumulong ako papunta sa gilid ng biglang nawala ako sa aking kama sa pag kakahulog, Nasobrahan ata.

Sinubukan kong bumangon sa pagkakahiga sa sahig pero hindi ako makabangon dahil nakapulupot ang dalawa kong kumot sa katawan ko, Sinubukan ko ulit pero wala talaga.

Napatingala ako sakanya ng maramdaman ko ang pag angat ng katawan ko, Binuhat nya ako ng pa bridal style, gusto kong umangal pero dahil hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa makapal na kumot na nakapulupot saakin.

Tinitigan ko sya habang maingat nya akong iniupo sa kama, nakakunot noo lang ito.

Pagkatapos ay kinuha nya yung tray sa lamesa sa gilid ng aking kama at papakainin nya sana ako ng mag salita ako "A-ako na." Tumikhim ako dahil sa pagkakapaos kong boses.

"No, I'll feed you." Sabi nito sa baritonong boses.

Bakit parang galit sya?

Wala na akong nagawa ng subuan nya ako na nakapulupot parin ang kumot saakin, wala ba syang balak tulungan akong tanggalin to?

Pagkatapos nya akong pakainin ay pinainom nya rin ako ng herbal na gamot para sa sakit, napangiwi pa ako dahil sa pait ng lasa. Hindi manlang nilagyan ng fruit flavor.

Inilagay nya na ulit ang tray sa lamesa at pumunta sya sa aking kabinet, habang ako ay nakamasid lang sa ginagawa nya.

Pagkabalik nya saakin, dala ang damit ko na ikinakunot noo ko.

"Anong gagawin mo?" I asked

"Bibihisan ka."

"H-hindi na, kaya ko na ang sarili ko." Sabi ko at sinubukang tumayo sa pagkakaupo na ikinatumba ko lang at napasubsub sa sahig, Ang sakiitttt!!!!

Vladimir's tsked. Ipinaupo nya ulit ako sa kama at hinayaang tanggalin ang kumot.

"Don't be stubborn, Let me." Ani nito. Ano pa nga ba? Eh nakita nya naman na lahat.

Habang binibihisan nya ako ay nakatitig lang rin ako sa kanyang mukhang seryoso sa ginagawa.

"Done." Sabi nito pagkatapos nya akong bihisan, naramdaman ko ang kanyang palad sa aking noo, It's warm.

"Hmn, Hindi na gaanong mainit, mukhang medyo bumaba na ang lagnat mo."

Napatingin na ito saakin ng hindi ako nagsasalita.

Ilang sandali pa kaming nagkatitigan sa isa't isa ng makita kong bumaba ang kanyang tingin sa aking labi, kita ko ang pag lunok nya.

Bumaling naman ang tingin ko sa kanyang labi at ng mapansin nyang nakatingin rin ako sa kanyang labi ay kinagat nya ang pang ibaba nito.

Nagtama ang mga mata namin, Napalunok ako ng unti unti itong lumapit saakin, hanggang sa lumapat ang kanyang labi sa labi ko na ikinasinghap ko, He kissed me.

Hindi ako makagalaw at hindi ko rin sya maitulak dahil parang my pumipigil saakin, My kung ano akong naramdaman saaking tiyan na parang nakakakiliti, bulate ba yun?

Napapikit ako ng mariin, Pinipigilan kong huwag mapadaing dahil sa kanyang pag kagat sa ibabang labi ko.

"V-Vladimir..." Napapaos kong sabi.

Nararamdaman ko na ang pag baba ng kanyang labi.

"Vladimir?" Rinig kong tawag ni Damon sa labas, mabuti ay memoryado ko na ang boses ng mag kambal.

Ng biglang bumukas ang pinto ng aking silid na nakapag balik sa aking huwisyo kaya malakas kong itinulak si Vladimir na ikinahulog nya sa kama.

SOLD TO A VAMPIRE LORD (Completed)Where stories live. Discover now