Chapter 19

202 11 0
                                    

Tumango nalang ako sa kanyang sinabi, Siguro dahil prinsesa ako kaya kailangan ko rin ng proteksyon.

"Nga pala, Bakit nandito si Lady Lilliana?" Yumuko ako ng maalala ko yung naabutan ko kanina.

"Kilala nyo ba sya? Katulad nyo rin ba syang bampira?" Tanong ko pa.

"Nag iisa syang anak ni King Liandro at Queen Lelani Acantha, Ang ama ni Vladimir ay kaibigan ng ama ni Lady Lilliana at kababata ni Vladimir si Lady Lilliana, Ang pamilyang Acantha ay bampira rin kaya oo, Bampira rin si Lady Lilliana." Sagot nya.

So, sya pala ang Prinsesa ng Acantha Kingdom na dinaluhan namin kagabi at kung kababata sya ni Vladimir, edi kilalang kilala nya na sya. Hays, Mukhang talo ako.

Tumingin ako kay Damon na pumapana ulit, Ngayun ko lang sya nakitang my hawak na pana at gumagamit nito.

"Pwedeng pahiram?" Gusto kong itry.

Ipinahawak nya saakin ang pana at ng mahawakan ko ay muntik na akong matumba kung hindi lang sana ako inalalayan ni Damon. Bakit ang bigat? Gawa ba to sa bakal? Pero mukha namang gawa sa kahoy, Baka sadyang malaki lang kaya mabigat.

Umayos ako ng tayo habang inaalalayan nya parin ako.

"Marunong kabang gumamit?" Tanong nito, Umiling ako, Dapat pala nag aral ako ng archery.

"Sige, turuan kita." Ani nito at pumunta sya saaking gilid at inakbayan nya ako para mahawakan nya ang kamay kong nakahawak sa arrow.

Tumingin ako sakanya at agad na umiwas.
Ang lapit ng mukha nya saakin!! Kapag hindi pa ako nakaiwas at kapag tumingin rin sya saakin ay baka mahalikan nya ako! Kaya tumingin nalang ako sa mansanas na tatargetin ko.

"Itutok mo lang ang arrow sa mansanas, Pagkatapos ay pakawalan mo na."

Inalis nya na ang kanyang pagkakaakbay saakin at sinunod ko naman ang sinabi nya. Huminga ako ng malalim at nag concentrate.

Hindi gaanong malayo ang puno ng mansanas kaya ng maitutok ko na sa mansanas ay papakawalan ko na sana itong arrow ng maalala ko nanaman ang nadatnan ko kanina sa loob ng silid ni Vladimir, Kaya napakawalan ko kaagad ang arrow ng Hindi alam kung diretso pa ba ang pag tutok ko.

"Woahh, Nice." Napatingin ako kay Damon na manghang nakatingin sa puno ng mansanas kaya tumingin ako doon.

Hindi nahulog ang mansanas na tinira ko at nakatusok lang doon ang arrow.

"Ang galing mo, Malalim ang pagkakatusok ng arrow sa mansanas kaya tumagos iyon." Sabi nya habang mangha paring nakatingin doon, galing naman ng mata nya at nakikita ng malinaw kahit medyo malayo.

Nag kibit balikat ako at kumuha pa ng isa, Pagkatapos ay itinutok ulit sa mansanas.

Handa kona itong pakawalan ng narinig ko ang boses ni Lady Lilliana kaya napaharap ako at naitutok sakanya ang pana na dahil sa gulat ay napakawalan ko ang arrow.

Rinig ko ang pag inda nya ng dumaplis ang arrow sa kanyang braso, Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi tumama sa ulo o sa dibdib.

Hinawakan nya ang sugat sa kanyang braso at ng makitang my dugo ang kamay nya ay Galit itong tumingin saakin.

Ang kanyang pulang mga mata ay matalim na nakatingin saakin, Susugurin nya sana ako ng hinarap sya ni Vladimir at Hinawakan ni Damon ang pulsuhan ko't hinila nya ako sakanyang likod.

"How dare you!" Galit na sabi ni Lady Lilliana.

"S-sorry, Hindi ko sinasadya." Pag hingi ko ng paumanhin.

Tinignan ko sya at susugurin nya ulit sana ako ng niyakap sya ni Vladimir sa bewang mula sa likod.

Nanikip ang dibdib ko at nanubig ang mga mata ko na agad ko namang pinunasan gamit ang kamay.

"Liana, Go to my room at sabihin sa mga katulong na gamutin ang iyong sugat." Utos ni Vladimir kay Lady Lilliana na masamang nakatingin parin saakin.

SOLD TO A VAMPIRE LORD (Completed)Where stories live. Discover now